chapter 1

13 3 0
                                        

Before anything else, I would like to tell you readers that this story is a work of fiction and comes out from the author's imagination. Names,places, events or any resemblance that may fit to the character is purely coincidental.

Someone's POV

Simula na ngayon ng unang araw ko dito sa Welton's University kung saan nag take ako ng kursong Bachelor of Science in Medical Technology. Nakakapanibago talaga kumpara sa High School, napakalaki at napakalawak ng school na to, madaming tao mga bagong mukha lahat... wala pa akong kakilala kahit isa, samantalang ang mga nakakasalubong ko ay may kanya kanya nang group of friends.

Tinignan ko ang assesment form ko kung tama ang pinuntahan kong room at tama naman sya so pumasok na ako ng classroom. maingay pa, wala pang prof, mga kanya kanyang kilalanan, ang ibang grupo naman ay mukang matagal ng magkakakilala. Umupo ako sa bakanteng seat at nag headset, nahihiya kasi akong unang umapproach kaya hihintayin ko na lang na dumating ang prof at ipag introduce kami ng mga bago kong classmate.

Maya maya lang may tumabi saking lalaki at nagpakilala

"Hi, ako nga pala si Jazz Victor ikaw?" Sya at inilahad ang kanyang kamay meron syang magandang ngiti. Gwapo pa naman sana kaso naramdaman kong bakla sya. Sayang.!

Tinanggap ko ang kamay nya "Im Nami Corpuz" at nginitian ko din sya... 

"familiar ang pangalan mo parang madalas ko marinig " nag iisip ang itsura nya...

"Ahhhmmm baka ibang Nami yon... di lang naman ako Nami sa mundo... meron pa nga sa anime Nami din character naman sya sa One piece" nakangiti kong pahayag. Tatango tango naman sya

"Dito nalang ako sa tabi mo ha? Wala pa kasi akong kilala,since ikaw mag isa ka din I assume wala ka pa din kakilala so tayo nalang?" Nakangiti nyang sabi sakin.

Wait... ano daw? "Tayo nalang" nagrepeat ang huling sinabi nya sa tenga ko...

"Ahhh? What? Di ba masyadong mabilis?" Nagtataka kong tanong habang nakakunot ang aking noo dahil sa isiping anong trip nitong baklang to?...

"Pag ba nakikipagkaibigan kailangan pa ng ligawan? " Natatawa nyang sagot sa akin.  

Shit ang gwapo pala talaga nya lalo pag tumatawa... matangos ang ilong may mapuputing ngipin at bilugang mata.. sakto lang ang kapal ng kilay nyang itim na itim kaya lalong tumingkad ang pagka meztizo nya...habang tumatagal mo syang nakikita lalo mo maaappreciate ang mukha nya...

"Ahh ehhh sabi mo tayo nalang??!?" Confused kong tanong... teka diba bakla to?wag nga ako...

"Oo tayo nalang ang friends kasi parehas tayong wala pang kakilala... so ikaw na una kong kaibigan dito sa college ha?" Napahiya ako sa sinabi nya... ang malisyosa ko naman kasi... pero kasalanan din nya, kulang kulang yung sentence nya ehh.

"Ahh osige sure... ikaw naman kukumpletuhin mo naman kasi sentence mo para di nakakalito" nakangiti pero mejo nahihiya kong saad.

"Haha sorry sige nextime kumpleto na"

Dumating na ang prof namin sa unang subject... babae sya, si Ms.Beltran mabait sya at mejo bata pa.. kalkula ko mga nasa late 20s mga 28 or 29 ganon...

Nagpakilala kami sa klase... umingay ang classroom at napuno ng tawanan, dahil sa ibat ibang pakulo ng iba kong classmate sa pagpapakilala...

"Im Jazz Victor, Im from Ilocos Norte, but I live now at my aunt's place in Ortigas.I chose to study here because I believe this university is more techy, well developed and Bigger than Universities there. Hope to be friends with all of you." Ang gwapo nya talaga... sa sobrang gwapo nya feeling ko tuloy bakla sya...

Back Into My Arms Where You BelongStories to obsess over. Discover now