MAPANGHUSGA

47 0 0
                                        

Hinuhusgahan mo agad siya
Di mo nga alam ang kalagayan niya.
Naisip mo ba kung anong mararamdaman nya?
Syempre hindi kase mas importante sayo yung masakit na sasabihin mo sa kanya.

Panghuhusga mo sa kanya ay sobra na
Isipin mo naman sana na nasasaktan siya
Sa sobrang baba ng tingin mo sa kanya
Di mo alintana na nakakasakit ka na

Panghuhusga mo sa kanya ay nagdulot ng pangamba
Pangamba na baka yung sinasabi mo ay totoo pala.
Sabihin na nating totoo yung sinabi mo
Pero anong karapatan mo para husgahan sya sa nakikita ng mga mata mo?

Tandaan mo na hindi lahat ng nakikita ng mata mo ay totoo
Hinuhusgahan mo sya e samantalang yung sinasabi mo sa kanya ay dapat sinasabi mo yun sa sarili mo
Sayang naman yung pangaral ng magulang mo sayo
O sadyang kulang lang yung pangangaral nila sayo?

Imbis na husgahan mo sila
Ay unahin mo ang sarili mo na pangaralan sa mga bagay na dapat matagal mo ng tinama
Tama nga sila, inggit ang nangingibabaw sa isang tao kung bakit nagagawa nilang manghusga ng iba
Maawa ka sa sarili mo kapatid

Mga aral ng buhay ay di mo pa batid.
Alagaan mo nalang yung mga magulang at iyong mga kapatid.

~florence💖

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAPANGHUSGAWhere stories live. Discover now