Kung ako ba siya magugustuhan mo kaya ako?
Kung ako ba siya mapapansin mo kaya ako?
Kung ako ba siya masasalo mo ba itong nadarama para sayo?
Ilan iyan sa mga tanong kong hindi mo masagot sagot.
Hindi ko mawari ang nararamdaman.
Dahil pagkakaibigan lang naman ang turingan.
Ang kaibigan mong ito.
Na humihiling sa mga tala na maging ka-ibigan mo.
Hindi rin maiwasang mangamba.
Lalo na kung nandiyan siya.
Dahil siya lang naman ang babaeng iyong minamahal.
Masakit mang pakinggan.
Na ako'y isang talunan.
Ang talunan na walang ibang ginawa kundi umaasang magkaroon pang matatawag na "tayo".
Ang "tayo" na mayroong magkaibang mundo.
Ang mundo mo na hindi ko malaman
kung anong mayroon.
At ang mundo kong umiikot lamang sayo.
Kaya sana ngayon at sa susunod pang mga panahon.
Sana matuto rin akong makipaglaro.
Makipaglaro sa tadhanang pinipilit din tayong pinaglalaruan.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula na Para sa Kaniya
PoetryItong mga tulang ito ay sana magustuhan ninyo. Kung may pagkakatulad ang mga tulang ito sa ibang tulang nabasa or nakita niyo ay purely coincidence lang po. Never in my life na gumaya ako ng tula para lang sumikat. And to remind you PLAGIARISM is cr...
