Chapter 1

25 0 0
                                    

Lizeth Nadya's POV

*Bzzzttt...Bzzzttt*

Nagising ako dahil sa pag-vibrate ng phone ko, naramdaman ko ito dahil nakalagay yung phone ko sa ilalim ng unan ko.

"Hello" Inaantok na sagot ko sa tumatawag sakin.

[Bebz!! Where na you?!] Bungad agad sakin ng Best friend ko..

"I'm here sa house, and you're disturbing my sleep"

[WTH! Disturbing you're sleep!? Are you nuts?! Bebz, First Day of School natin ngayon! If you don't want to be scolded by our teacher, bumangon ka na jan at pumasok na!]

Napa-bangon ako bigla dahil sa sinabi ni bebz. OMG I forgot! First Day of school pala naming ngayon.. Dali-dali akong napa-takbo sa banyo at ginawa na ang routine ko ng mabilisan.

Bumaba na ako at nadatnan sina Mama at Papa na nagb-breakfast.

"Anak, come here! Let's eat" Pag-aaya ni Mama

"Huwag na po Ma. Baka ma-late na po ako eh"

"You're going to school na walang laman yung tiyan mo?" Si Papa

"I'll eat na lang po pag-break na, madami din naman po akong nakain kagabi"

"Okay, Nag-hihintay na driver mo sa labas. Take care sweetie" –Papa

"Okay po, bye. Love you" sabi ko at hinalikan sila sa pisngi saka umalis na.

Pagdating sa school, lakad-takbo ang ginawa ko dahil mala-late na ako. Habang naglalakad ako nagda-dasal ako na sana wala pa don ang teacher namin, pagdating ko sa tapat ng classroom naming ay nag-sign of the cross muna ako bago pumasok, nagtataka ba kayo bakit kabadong-kabado ako nama-late, kasi yung adviser naming ngayong year ay sobrang strict, yan ang sabi ng advisory class nya for the past few years, at yan din yung sabi ng ibang teachers namin last year, sabi nila magba-bago talaga kami pag sya ang naging adviser namin. We are in our 10th grade na.

Pagka-pasok ko sa classroom ay, napa-buntong hininga ako. Mabuti na lang at wala pa ang teacher namin.

"Bebz!" Rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko, pagtingin ko naka-upo na sila sa likuran. Lumapit na ako sa kanila at umupo sa tabi ni Xiamara. Apat kaming magka-kaibigan Me, Xiamara, Astrid, at Aitana. Si Astrid ang tumawag sakin kanina, She is the tough one, well dalawa sila ni Aitana pero mas freak lang talaga si Astrid, sila ang protector namin ni Xiamara kapag may nangbu-bully samin, because we are the kind one, hindi na lang namin pinapatulan ni Xiamara ang nambu-bully samin, There's no point naman kasi eh. Pero minsan nagiging maldita din kami, pag-abuso na talaga sila, Oo mabait nga kami, pero huwag lang nila kaming gagalitin.

Nasa right side ko si Xiamara at vacant seat naman yung nasa left side ko.

"Mabuti naman at hindi ka na-late, sermon talaga aabutin mo sa adviser natin pag na-late ka" ani ni Aitana

"Yeah right" sabi ko na lang.

Ang tahimik ng classroom, kasi nga first day, ngayon lang sila ulit nagkita-kita.. oh well, naglagay na lang ako ng earphones at nakinig sa music. Wala pa naman si Miss eh.

Nags-scan ako ng music sa phone ko ng may kumalabit sa akin, at pag-tingin ko

O_O <<<< yan ang itsura ko..

"Miss, may naka-upo ba sa tabi mo?" tanong ni James, Yeah. Zion James Keene, my long-time crush and I think hindi lang crush..

I cleared my throat first.
"Uhmm,, N-no" nautal ko pang sabi. Gosh, nakaka-hiya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chained To YouWhere stories live. Discover now