"Let's Play a game, wag magtangka na mangielam ng taga ibang section or else, madadamay kayo. Ngayon ang laro natin section D A.K.A. 'Cursed Section' kailangan nyong hanapin ngayon si #2, bibigyan ko kayo ng isang oras para makilala sya, kapag hindi nyo sya nakita... well isang buhay na naman ang magpapaalam sa mundong ibabaw"

Then naging timer ang lumabas sa mga screen, hindi nga samin tumutulong ang mga taga ibang section, talagang literal na tinignan lang nila kami! So naniniwala silang sinumpa ang section namin? What the EFFF!

"Guys bumalik muna tayo sa room, itanong natin sa kanila kung ano ang mga numbers na nakuwa nila... then para makita na rin natin kung sino ang nawawala

Habang tumatakbo kami papuntang room, hindi na kami nahihirapan dahil ang mga estudyante na talaga ang umiiwas sa dadaanan namin, kusa talaga syang nahahawi. Siguro natatakot sila na madamay sa kamalasan na nangyayari samin! Letche lang kasi eh!

"SECTION D KAYA NYO YAN!" may narinig akong sumigaw na babae, hindi ko naman sya nakita pero nangiti lang ako sa ginawa nya, talagang nakakamotivate

"Hala anong gagawin natin?" nakita ko si Lyka... halatang nagpapanic na sya dahil nagpapabalik balik sya ng lakad sa loob ng room namin

"Kalma lang Lyka, Hindi makakatulong ang pagpapanic mo" Sabi ni Anne

"May tatlong tao na wala dito ngayon, si Jane, April, at Jackie" sigaw ni Mary

"SI JANE! PUNTAHAN NATIN SI JANE!!" malakas na sigaw ni Ella, kami kasi yung pinakamatalik na kaibigan ni Jane and we're hoping na sana okay lang talaga sya

"Guys! Walang kikilos ng mag-isa! Baka mapahamak lang tayo!" sigaw ni Lyka na nakakuwa ng atensyon naming lahat

"By pair tayong maghahanap sa ibang nawawala, walang aalis ng mag isa. Mahirap na mai-assure ang kaligtasan ng bawat isa, mas maganda kung by pair para ma-assure natin ang safety ng bawat isa

Tumakbo na lang kaming tatlo nila Joyce at Ella, wala na kaming pake kung ano ang sinasabi ni Lyka doon! Ang mas mahalaga ngayon is mailigtas namin si Jane. Pinuntahan namin yung C.R. kung saan daw nagjebs si Jane

"F*ck asan si Jane!" sigaw naming tatlo habang binubuksan isa isa ang mga pinto ng C.R.

"Baka sya yung si #2?" -Ella

"Meron pa tayong 15 minutes para maghanap! Wag tayong mawalan ng pagasa!" sigaw ko sa kanila... takbo lang kami ng takbo kung san san kami nakarating para lang mahanap si Jane

Pumunta kami sa Basement, parking lot, pati na rin sa mga lumang rooms! Pero wala, wala ni anino ni Jane ang nakita namin

"Oh guys! Ba't nagpapanic lahat ng kaklase natin? Anyare?" nagulat kaming lahat sa nagtanong

"APRIL?!?" sabay sabay naming sabi... nakakashock na makita sya!

"Yes! Nag iisang dyosa over here? Bakit may nangyari ba habang wala ako? Why so panic guys?" tanong nya samin

"Nakita mo si Jane?" tanong ni Joyce at lumapit kay April

"Hello?!? Wala naman kaya tayong teacher kaya naman nagditch ako ng class, Paano ko malalaman kung nasan si Jane eh ngayon lang ako pumasok!, nung pumasok nga ako nakita ko halos lahat ng Section D is nagpapanic"

Natigil kami sa pag uusap ng may narinig kaming parang bumagsak at nanggaling ito sa rooftop

"WAAAAAAAAAH!!!" halos gumapang na kami palayo ng bintana dahil sa nakita namin... dahil ang bintana sa tapat namin, punong puno ito ng dugo... para bang tumalsik ito at nanggaling sa isang bagay

Natatakot ako pero mas kinakabahan ako para kay Jane, I wish na hindi sya iyon! Agad akong tumakbo palabas ng school at pumunta agad doon sa may school ground

"Yuck!" narinig namin na sabi ni April at napapangiwi pa ito dahil sa diri

"Si-sino yan Sam?" nanginginig na tanong sakin ni Ella

"Hindi ko alam, basag na ang mukha nito at puro dugo na rin ang katawan, mahirap na syang kilalanin"

"You failed to save #2 guys, im sorry... be prepared #3 your next"

Kinabahan naman kami bigla dahil talagang nakakatakot ang boses ng nagsasalita

Hindi pa kami nakakasiguro kung si Jane itong namatay o si Jackie

"Paanong nangyari to kay Jane" umiiyak na sabi ni Joyce

"Shut up Joyce! Hindi si Jane yan! Imposibleng mapatay si Jane ng isang kembutan lang!" sigaw ni Ella kay Joyce, pero kita ko sa kanyang mga mata na naluluha na rin ito, dahil nga meron chance na patay na ang aming kaibigan

Kagaya sa mga nangyaring patayan nung nakaraan, isinikreto din ng magaling naming principal ang pagkamatay ng hindi namin nakilala na babae, hindi ito nakilala dahil wala itong I.D. ang tanging nakita lang sa kanya is yung #2 na number sa kanyang bulsa

"Sino ang nakakuwa ng papel na may #3?" tanong samin ni Ingrid, pero wala saming umimik

"GOD! It's for your own sake! Sino!?! MAGSALITA KAYO!" malakas na sigaw ni Ingrid samin

"F*CK! Ako! Ako ang number 3!!" Sigaw ni Joyce na ikinagulat namin

"Ayoko pang mamatay!! Please tulungan nyo ko! Ayaw ko pa!" sigaw nya samin habang umiiyak

Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko na nasa loob ng bulsa ko, lagi akong nagdadala ng cellphone kahit bawal, alam nyo na! emergency purpose!. Sinagot ko na lang ang call at hindi ko na binasa kung sino ang caller

[Hoy Babae! Kanina pa ko tumatawag sa inyo ba't hindi nyo sinasagot?]

"Sino to?"

[Gaga! Of course si Jane to! Pinauwi ako ng nurse kanina nung nasa clinic ako dahil may LBM daw ako! Hello! Hindi ko kaya gustong magsabog sa school]

"You're alive!"

[bakit porque nagtatae ako namatay agad? Syempre buhay ako! May nangyari na naman bang hindi maganda habang wala ako?]

"Daanan ka na lang namin mamaya, doon ko sayo ikikwento lahat"

[K.]

Then binaba nya na yung phone. Nakahinga naman ako ng maluwag nung nalaman kong buhay pa si Jane, pero nalungkot na rin dahil nakumpirma na namin na si Jackie nga ang namatay

"Sino yung tumawag?" tanong sakin ni Frelle

"Si Jane, Buhay si Jane guys" nangiti naman sila sa sinabi ko... dahil alam nilang nakahinga na kami ng maluwag dahil alam na naming buhay si Jane

Pero sino ang taong nasa likod ng pagpatay na ito? Bakit nya to ginagawa samin?

Death Game: Don't Fall AsleepWhere stories live. Discover now