CHAPTER 1: BULKHEMIA

110 3 1
                                        

Chapter 1

Huni ng iba't - ibang ibon ang aking naririnig, halo- halong tunog ng mga kasangkapan sa iba't - ibang kantina at kainan. Samu't saring usok na nagmumula sa pabrika at gayundin ang mga halakhakan ng mga batang paslit sa lansangan na animoy hindi alintana ang papalapit na pagbuhos ng malakas na ulan.

Hindi alintana ng mga ito ang naghihikahos na bayan ng Bulkhemia, kung saan alintana ang kahirapan.

Muli kong nasilayan ang bayan na aking sinilangan at kinalakihan.
Masasabi ko na ang bayang ito ay hindi nalalayo ang antas ng buhay sa iba pang karatig bayan.

Mahirap, mayaman.

Yan naman talaga ang larawan ng mundong aking ginagalawan. Mula sa dulong bayan nitong Bulhkemia matatagpuan ang mga tahanan na dikit - dikit na kung tawagin ay squatter, pero hindi mababakas sa kanilang mukha na silay naghihirap dahil nakasilay sa kanilang labi ang ngiti ng bagong araw na darating.

Mula dito sa itaas ng burol na sa ibaba ay makikita ang isang lawa na napapaligiran pa ng ibang mga burol at kaparangan at mula mismo sa lugar na ito, banayad ang simoy ng sariwang hangin na sa aking pisnge ay dumarampi, hinayaan kong liparin nito ang ilang hibla ng aking buhok na pilit kumakawala mula sa aking pagkakapusod.

Ito ang huling araw ko sa lugar na ito, dahil bukas ay kinakailangan ko ng bumalik sa paaralang humubog sa aking pagkatao simula pa lang ng aking pagkabata, ang Underground Academy.

Ito ang huli kong pagbisita sa tahimik na lugar na ito ng Bulkhemia, pakiramdam ko na kapag nandito ako sa itaas na bahagi ng burol at kitang kita ko ang kalikasan nababawasan ang aking pagaalinlangan at pagdaramdam dahil sa oras na bumalik ako sa paaralang iyon, babalik balik sakin ang hapdi, sakit at lungkot pero hindi ko dapat itong hayaan, dahi kung hinayaan ko na lamunin ng lungkot at sakit ang aking nararamdaman.Hindi ako darating sa puntong ito, ang ikaapat na taon ko sa Underground Academy.

Ang paaralang ito na nagiisang paaralan sa Bulhkemia, ang tumulong sa aking kakayahan at kapangyarihan, humubog sa aking pagkatao at dito ko din naranasan na ipakitang matapang ako at kaya ko dahil ako si Lianne Bliss - ang babaeng nagbabalat kayo sa harap ng maraming tao, na ipinapakitang matapang at malakas subalit hindi alam ng lahat, I was not me when Im with them, its the other side of me. Of my personality.

But I've survive and I will be the girl from Bulkhemia who always been strong for them but I'm not. It's not.

Mula sa aking pagkakaupo sa damuhan ,bumuntong hininga ako at lumayo at sa huling pagkakataon sinilayan ko ang lugar na ito, ang mapayapang lugar na ito na sakop ng Bulkhemia, hindi ko ulit alam kung kelan ako makakapunta sa lugar na ito.

Siguro sa susunod na bakasyon? Sa susunod na pagbisita? Hindi ko alam. Walang nakakaalam.

Pagdating ko sa aking tinutuluyang bahay ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga kagamitan dito, ang malawak na sala, ang malinis at puno ng kagamitan sa kusina mula sa itaas ay ang marmol na hagdan at dito mayroong tatlong kwarto, isa sa mga ito ay ang master's bedroom at isa ay ang aking silid.

Isa pa ring katanungan ang laging naglalaro sa aking isipan kung bakit sa ganitong bahay ako nakatira. Sobrang laki, sobrang marangya na hindi bagay sa nag-iisang tulad ko. Maliban kasi sa akin ay tanging si Nanay Mina ang aking kasama dito at syang naiiwan habang akoy nag-aaral.

Kapag tinatanong ko naman sya tungkol sa pamilya ko ay iniiba nya ang usapan parang ayaw nyang malaman ko ang katotohanan. At hindi ko na naman ito inuulit pa simula ng itanong ko sa kanya ito, at wala na akong balak malaman pa basta alam ko na andyan lang si Nanay Mina para sa akin, okay na ako.

Natigilan lang ako sa aking iniisip ng sabihin ni Nanay Mina na tumawag ang coordinator ng paaralan upang ipagbigay alam na susunduin na kami.

"Li" tawag sa akin ni Nany Mina kasabay ng pagyakap mula sa aking likuran. At mula sa kanyang mga yakap alam kong sya lang ang aking masasandalan.

" Nay, pasensya ka na kung maiiwan na naman kitang mag-isa dito sa bahay" sabi ko sa kanya sabay harap at hinagod ang kanyamg likod.

"Ku, ikaw na bata ka, wag ka masyadong mastress sa pagaaral mo. Sige ka papanget ka nyan" biro nya sa akin pero kaagad na sumeryoso.

"Pero, mamimiss na naman kita, kumain ka ng tama sa oras bata ka. Huwag kang magpapasakit. Alam ko naman na hindi ka pababayaan ni Viel - - - - - - - - - - - bigla syang tumigil sa sinasabi nya.

"A e, sabi ko'y si Principal Viel diba" sabay tawa nya at hampas sa aking braso.

" Opo Nay, I will never forget your habilin, tayo na nga lang ang magkasama diba. " natatawang sabi ko sa kanya. Napansin ko naman na natigilan sya sa pag-aayos ng aking gamit.

" Tsaka Nay, ako na dyan. Umupo ka na lang dyan at magrelax kaya ko na to. Ano pa bang silbi ng pagiging independent ko."

Oo, independent kong matatawag ang sarili ko mula sa sitwasyon ko simula pa lang. Noong simula pa lang.

"Osha sige apo, at aayusin ko na muna ang kakainin natin at maya maya lang e darating na ang bus ng school mo at susunduin ka na".

Napabuntong hininga ako ng malalim at tumitig sa salamin, ako ba talaga ito, hindi. Parang lagi nalang may kulang sa aking pagkatao, pero ayoko ng malaman, kuntento na ako sa buhay na meron ako.

Napahawak ako sa curly brown ko na buhok na lampas hanggang balikat, sa aking mata nalang ekspresyon, sa aking labi na hindi ko mawari o hindi manlang magaatubiling magsalita kung hindi pa kakausapin.

Narinig kong tinatawag ako ni Nanay Mina para kumain.

Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng aking sarili at isinuot ko ang aking uniporme na mahal pa sa kahit anong materyal na bagay dito sa Bulkhemia.

Pinagmasdan ko ang sarili ko, paldang kulay itim na hindi aabot sa tuhod, longsleeve na kulay white at black necktie, puting medyas na hanggang tuhod at itim na sapatos, gayundin ay ang white cloak. Sa uniform na aking suot ay makkikita ang logo ng aming paaralan.

Bumalik lang ang aking diwa ng may malakas na bumisina sa labas ng bahay, biglang nagtahip sa kaba ang aking dibdib. Eto na talaga.

Sa huling pagkakayaon nagpaalam ako kay Nanay Mina at sumakay na sa bus at humanap ng bakanteng upuan. Nakaupo ako sa pwestong gitna dahil yun na lamang ang tanging upuan na available dahil ako ang last student ng academy na sinundo.

So this is it! I will be back again.
Napakadalinh bakasyon nga naman para sa isang tulad ko. And I will be independent and alone all along. I hope.

Ano ang madaratnan ko sa aking pagbabalik sa academy? Happiness? Hatred? Sadness? Trainings? Hayy! Itutulog ko nalang muna ito.

UNDERGROUND ACADEMYWhere stories live. Discover now