1

6 2 0
                                        

Andito nanaman ako sa tabing dagat..
Nakatingin sa napaka gandang langit..
Andaming bitwin, napaka liwanag ng Buwan,
At malakas na dampi ng hangin sa aking katawan..

Napapikit ako sa sobrang ganda ng nakikita ko..

"Napaka ganda ng mundo.." Napabulong ko sa sarili ko

Napadilat ako ng makarinig ako ng hikbi..
Lumingon ako sa kaliwa.. Wala namang tao..

At pag Lingon ko sa kanan..
Nakita ko ang isang babae..
Lumiliwanag sya dahil sa liwanag ng buwan..

Nakikita Kong malungkot sya..

"Ngayon ko lang ata sya nakita dito?" Napa-bulong ako sa sarili ko kasi di ko pa talaga sya nakikita dito sa lugar namen..

Habang nakatingin ako sa dagat, nagiisip ako ng mga taong pwe-pwedeng makakilala sa babaeng to..

Pagkalingon ko..

Bigla nalang syang nawala..

Kinabukasan:

Naglakad ako ng maaga sa tabing dagat..
Ng bigla Kong naalala yung babae kagabi..
Nilapitan ko yung lugar kung saan nakaupo yung babae kagabi..

Habang nakatayo ako duon, naisip Kong maghintay sa lugar kung san ko sya nakita..

"Taga-rito kaya ang babaeng iyon?" Napa-bulong ako sa sarili ko..

"Oh! Hoseok.. Himala't ganitong oras ay nandirito ka? Diba't may lakad kayo ni Lisa?" Sabi ni Manong Jose.. Isa sa pinaka matandang nakatira dito sa aming baranggay..

" Alam ko hoh iyon, Manong Jose.. Manong Jose, nakaka-pasyal kaba dito sa tabing dagat tuwing Gabi? Dahil hoh may gusto hoh akong makilala.." Sagot ko Kay Manong..

"Bakit iho? Diba't halos magkakakilala ang mga tao rito? May nakita ka ba dito?" Sabi ni manong habang naka turo kung saan ko nakita ang babaeng umiiyak..

"Paano nyo hoh nalaman?? Umiiyak hoh kasi.. Hindi ko rin po nakita masyado ang kanyang mukha kaya di ko nakilala.. " sabi ko sa kausap ko..

" magiingat ka sa mga nakikita mo iho.. Kung ako sayo ay di na ako babalik ng ganoong oras dito..
Kahit ipaliwanag ko sayo'y di mo rin ito paniniwalaan" sagot sa akin ng matanda sa isang seryosong tono..

"Bakit hoh?? Ibig hoh bang sabihin, nakita nyo na rin po iyon dito? Dito mismo? Multo po ba iyon?" Sabi ko sa kanya..

"Aba'y mahuhuli ka na sa lakad mo.. Andyan na si Lisa.." Sabi ni Manong Jose

Bago pa ako makapag tanong ulit ay narinig ko ang umalingawngaw na boses ni Lisa

"HOSEOOOKKK!!!! TARA NA!! ABA'Y MAHIYA KA'T BABAE ANG PINAGHIHINTpapuntang sigaw ni Lisa habang padabog na lumapit sa akin..

Paghawak ni Lisa sa kamay ko ay hinila na nya ako palayo sa matandang kausap ko kanina..

"Dito na po kame, manong mamaya po ay may itatanong pa po ako.. " sabi ko sa matanda at tsaka lamang nagpatuloy sa pag lakad..

"Di mo ba Alam na isang masamang pagpapakita ng ugali ang pinakita mo kanina, Lisa?" Sabi ko sa kababata Kong babae..

"Pero masamang ugali rin ang hindi pagtupad sa isang kasunduan, diba Hoseok?" Sagot sa akin ni Lisa..

Tinignan ko lamang sya ng hindi nag sasalita..

"Ano??" Sabi ni Lisa sa akin sabay sampal ng mahina sa aking pisngi..

" para saan naman ang sampal na iyon?? Nakakasakit kana.." Sabi ko Kay Lisa habang nakangiti at nakahawak sa pisngi..

"Tinititigan mo kasi ako.. Baga mahalin na kita ng lubusan dyan.." Sabi nya sa akin ng mahina..

Mahina na para lamang kinakausap nya ang sarili nya..

" ano?" Sabi ko sa kanya.. Kahit malinaw ang pagkakarinig ay tinanong ko ulit sya para makasigurado kung tama ang aking pagkakarinig..

"Wala, mahuhuli na tayo.. Maiiwan na tayo ng sasakyan papuntang bayan.." Ang tanging nasabi lamang ni Lisa sa akisaan ko s

Makalipas ang halos buong araw..

"Salamat sa isang napaka gandang araw na Ito, Hoseok.." Sabi ni Lisa nang marating naming ang harap ng bahay nila..

"Walang anuman, Lisa.. Para sa Matalik Kong kababata.." Sabi ko sa kanya habang nakangiti..

"Ka-.. Kababata? Aahh.. Eehh.. Osige na Hoseok.. Baka madiliman ka na sa daan.." Sabi ni Lisa at bigla lamang itong tumalikod sabay takbo sa loob ng kanilang bahay..

Ang mga babae Hindi ko Maintindihan kung minsan..

Habang papalakad pauwi ay nakita ko nanaman ang dawn papuntang dagat..

Kaya naisipan Kong tumambay ulit sa tabing dagat..

"Wala naman sigurong masama kung tatambay muna ako sa tabing dagat.. Maganda panoorin papalubog ang araw.." Nasabi ko bigla sa aking sarili..

Pumwesto ulit ako sa lugar kung saang pwesto ako nakaupo kagabi..

Habang nasisiyahan ako sa aking nakikita..

Narinig ko nanaman ang pagiyak ng isang babae..

Agad ako lumingon sa lugar kung saan ko sya nakita..

At tama nga ang aking hinala.. Naroon nga ang babae..

"Miss! Pssstt!! Anong bumabagabag sa iyo para umiyak lagi rito sa tabing dagat??" Nasabi ko sa kanya..

Bigla syang lumingon.. Mukhang tinitignan nya ako..

"Nakikita mo ko?" Sabi nya..

Napaka lamig ng boses nya.. Sa sobrang lamig ay naaakit ang aking tainga na parang gusto pang marinig na magsalita ulit ang babae..

"Ou, bakit? Hindi ba dapat kita makikita na nariyan ka..? Pwepwede bang matanong ang iyong pangalan?" Nasabi ko sa kanya habang patungo sa kinaroroonan ng babae..

"Hanggang diyan ka nalang.. wag kang lalapit.. " malumanay na sabi ng babae


To be continued..

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 07, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

At The ShoreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora