"Uh, what about the kids?"

"We're going to hire help."

Muli ay pinagmasdan niya ito saka tumango. Maybe that's what she needed. Alam naman niyang kung hindi ito nagbuntis ay ibig talaga nitong makapag-aral muli. He understood that maybe she felt as if something was lacking in her life. Naroon lamang ito parati sa bahay, nag-alaga ng mga bata.

"You're going to be a school girl once again. You know what would turn me on? Seeing you in a school uniform." He grinned at her. But what a disappointment when she gave him a lame smile in return.

"I won't be wearing one. After five ang mga klase ng MBA, ang iba kapag Saturdays."

"Right," was all he was able to say.

ALEXANDRA felt good again. It was her third day in school. Almost all her classmates were professionals. Isa iyong bagong phase sa buhay niya. For the first time after a very long time, she felt her importance as a person, not only as a mother and a wife.

Ang problema lamang niya ay nagsisimula pa lang siya sa eskuwela ay nakatiyempo na kaagad siya ng propesor na terror, isang dean na overachiever. Unang meeting nila ay sinabi na nito kaagad na hindi ito mapapakiusapan ng mga estudyanteng may anak, ibang trabaho, o nagkasakit.

She could only hope she could pass the subject. Wala siyang planong ibagsak isa man sa mga subjects niya. Mabuti na lamang at mabilis matuto ang mga kinuha nilang bagong kasambahay.

Kadalasan ay naiisip pa rin niya ang ginawa ni Pablo. Mahirap para sa kanyang kalimutan na lamang iyon basta. Iyon nga mismo ang dahilan kung bakit naisipan niyang mag-aral muli. She needed something in her life to take her attention away from the sordid fact that her husband was fooling around with his ex.

Ilang ulit itong nagtangkang kausapin siya tungkol sa bagay na iyon subalit iniiwasan niya ito. Iniiwasan niyang pag-usapan nila iyon. Pakiramdam niya, kapag nagsimula siya ng ganoong usapan, kapwa lamang sila masasaktan.

Umaasa naman siyang maaayos pa nila ang lahat. Kaya nga sila nagkaroon ng mild separation. Gusto niyang maisip nito ang mga pagkakamali nito. Gusto niyang maaalala nito kung gaano kahalaga rito ang pamilya nila. She wanted him to realize how his life go be if things would change.

Kung anuman ang kahihinantnan ng pagkaunawa nito sa mga pangyayari, natitiyak niyang iyon ang para sa ikabubuti nila.

Isa pa, kailangan din niyang i-reassess ang buhay niya. Nawalan na kasi siya ng sarili niyang buhay sa nakalipas na ilang taon. Naging maybahay siya at nalimutan na niya ang sarili niya. Habang nagsisilakihan ang mga bata, habang nagtatrabaho at nakakahanap ng sidedish ang asawa niya, naroon lamang siya at steady sa buhay niya. She didn't want to continue going down that road. Baka isang araw ay magising na lamang siyang nagtatanong kung bakit siya napag-iwanan doon.

Dahil sabik siya sa bagong bahagi na iyon ng buhay niya ay mas marami pa siyang gamit pang-eskuwela na nabili kaysa sa triplets. At pati ang mga reference books ng kanyang mga propesor ay kumpleto siya. Naaalala niyang noong kolehiyo siya ay ayaw na ayaw niyang bibili ng mga libro, kuntento na siya sa photocopies. Ngayon, para siyang magdo-doctor of medicine sa dami ng naglalakihan niyang libro.

Mukha namang masaya rin si Pablo sa takbo ng mga pangyayari. He even said maybe it was what she needed. Sa isang banda ay natutuwa siyang nauunawaan siya nito.

She listened to her professor, taking notes every now and then. Nag-a-adjust pa siya sistema ng eskuwela. Parang napahinga nang husto ang utak niya. Nagbigay ng test ang propesor tungkol sa business philosophy. Essay form. Puno ang papel niya, puno ng kabalbalan. Hindi pa niya nababasa ang libro maigi.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now