Nang pumasok ito sa silid nila, kung saan naroon din ang crib ng triplets, ay bumuntong-hininga ito.

"Tomorrow night would have to make do," he said and joined them after changing. Lima na silang nasa malaking crib, nagpapatulog sa mga bata. "Why can't you boys, sleep?"

Napahagikgik siya. They ended up playing with them. Hinahagkan niya si Dennis nang bigla siyang hagkan ni Pablo. Nakita niya sa mga mata nito ang tinging parati niyang nakikita doon---warmth and love. Her heart swelled.

"Thank you for them, honey."

"Daddy loves Mommy."

Sabay silang napatingin kay Dennis. Iyon ang kauna-unahang pangungusap nito. Dali-daling kinuha ni Pablo ang camera at kinunan silang mag-iina ng larawan.

"My youngest's first sentence!" bulalas nito. He got the tripod and set up the camera. "Smile!"

Nang ma-develop iyon ay pinalakihan niya at nilagay sa frame. She put it on a shelf downstairs for everyone to see. That was her family. Her wonderful kids, and the man she loved so much.

NANG sumampa sa ikatlong taon ang triplets ay nagsimulang masubukan ang pasensiya ni Alexandra. Ang tatangkad na ng mga ito kaagad, papasa nang five years old. At ang likot, hindi nabawasan gaya ng inaasahan niya, bagkus ay lalo nang dumoble.

Ang sabi sa kanya ni Jaye, isa sa mga naging kaibigan niya sa Sweet Homes, baka daw mayroong ADD ang mga ito, Attention Deficit Hyperactivity Disorder. Kahit nabasa na niya minsan iyon sa isang artikulo sa isang magazine, at malakas ang hinala niyang ganoon nga, ayaw naman niyang patingnan sa child psychiatrist ang mga ito. Idagdag pang ang pediatrician ng mga ito ay siya ring pediatrician nina Pablo noon. Ang matanda ay hindi naniniwala sa ADD.

She did not want to make her kids take medicines for ADD. She felt funny even thinking about it. Mababait naman ang mga anak niya, sobrang lilikot nga lamang. Ganoon din naman daw ang kambal na Pablo at Paolo noon, kaya hindi siya nag-aalala.

Sa pagdaraan ng panahon, natuto na siyang maka-adapt sa buhay niya bilang Mrs. Quirino. It was not easy. Pakiramdam niya ay napakarami niyang obligasyon bilang may-bahay ni Pablo. It was not simple to be a part of such rich family. Somehow she survived.

And somehow, she managed to make her mother-in-law see that she was not going to let her run her family. Unti-unting nabawasan ang madalas nitong pagbisita hanggang sa maging minsanan na lamang iyon. Para na siyang nabunutan ng tinik. Iyon nga lang, sa tuwing magkikita sila ay naroon pa rin ang panaka-nakang pamumuna nito sa kanya. Kapag sobrang tigas ng ulo daw ng bata ay dapat na pinapalo ng sinturon. Hindi siya naniniwala doon kaya hindi niya ginagawa. Ang pinakaparusa niyang pagpalo sa mga ito ay mahina lamang at sa kamay lang. She was raised that way, too, and she thought it was effective.

Nang hapong iyon ay mag-anak silang nagtungo sa Manila Polo Club. Birthday ng bunso ni Paolo at doon ang selebrasyon. Nang makarating doon ay agad silang bumati sa mga magulang ni Paolo, saka sa may kaarawan. The kids started to play. Si Pablo ay sinamantala iyon upang makausap ang mga pinsan nitong lahat ay naroon din. He went to the driving range.

"How's everything?" tanong sa kanya ni Helen, asawa ni Paolo. Mabait naman ang babae sa kanya, subalit hindi siya masyadong komportable rito. Pakiramdam niya ay nabibigyang-diin lamang nito ang mga kakulangan niya bilang maybahay.

She wondered how she was able to look perfect when she had four kids to attend to. She was always impeccably dressed, her kids always looked perfect, too. Sa ilang pagkakataong nabisita niya ito sa bahay ng mga ito ay bilib na bilib siya sa linis niyon gayong isa lamang ang maid nito at doble ng laki ng bahay nito sa bahay nila.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now