"No. You smell good."

Dumako ang kamay nito sa pang-upo niya. "I smell good enough for a quick something-something?"

Inilayo niya ang kamay nito at hinagkan iyon. "Yes, but we can't do it. The kids are awake."

"I miss you." Hinagkan nito ang gilid ng kanyang leeg, walang pakialam kahit amoy-Gerber siya.

"Honey, I do, too. But look at me."

"You look great, honey. Come on, they're in the crib. They can't jump off. Come on." He placed her hand on his arousal.

She looked at their kids. Abala ang mga ito sa laruan sa ubod-laking crib. She looked at Pablo. "Nakabihis ka na, eh."

"Madaling magbihis ulit."

Hinigit na siya nito patungo sa banyo. Nagmamadaling naghubad na sila. She sat on top of the counter. Their foreplay was not much, a bit of kissing and touching here and there. Nagmamadali siya. Gustuhin man niyang ituon ang buong atensiyon sa kanila ay hindi niya magawa. She was thinking of the kids.

"Are you done, honey?" she asked after a while.

Ang lalim ng buntong-hininga nito. "Yes, but I know you're not."

"It doesn't matter." Agad niyang inayos ang sarili. "We'll do it again later, okay? I'll let them sleep early. I'll light some candles, we'll have champagne. I'll go down on you, you'll go down on me. We're going to make slow love like we used to."

Noon ito napangiti. "All right. You're the boss... But don't you want to rethink the nurse idea? How about a yaya? They're big enough for a yaya. We don't need a professional nurse anymore."

"Kung nakaya ko noon, mas kaya ko na ngayon. I can handle them."

"You don't need to prove my mother anything, honey."

Oh, yes, I do. "I'm not trying to prove her anything. Tingin ko lang, magsasayang lang tayo ng pasuweldo kung kukuha pa tayo ng yaya. One maid is enough."

"Hindi tayo magsasayang ng suweldo. Ano ka ba? It's not like we can't pay for it. I can get you twenty maids if you would just ask me to."

"Hindi ko kailangan. We're not discussing that again, Pab." Hinagkan na niya ang mga labi nito upang matahimik na ito.

Pagbalik nila sa silid ay pinupukpok na ni Daniel ng rubber hammer ang ulo ni Davies. Si Davies ay tawa nang tawa habang nire-wrestling ito ni Dennis.

"Are you sure?" ulit ni Pablo, bahagyang nakangiwi.

"A hundred percent. Now go."

Tumango ito, isa-isang hinagkan ang mga anak saka umalis. She spent the whole day like she always had---taking care of the kids. Sabihin pang hindi madali iyon ay masaya siya. Tingnan lang niya ang cute na mga anak ay hindi na niya maiwasang hindi matuwa sa mga ito.

At kahit bata pa, may kanya-kanya nang personalidad ang mga ito. Kahit nakapikit pa siya, kilala niya ang mga ito kahit magkakamukha at magkakasinlaki ang mga ito. Daniel was the leader, Davies was the most shy though no one would consider them all shy. Dennis was the mediator. And they were very bright kids.

Bandang hapon ay nauna pang mamungay ang mga mata niyang inaantok kaysa sa mga ito. Pinatulog niya ang mga ito at maging siya ay nakatulog, dahilan para sumobra ang tulog ng mga ito. Nangyari ng ilang ulit na dati na kapag sumobra ang tulog ng mga ito sa hapon ay ang tagal bago makatulog sa gabi.

Ang plano niyang paghahanda ng gabing iyon para sa kanilang mag-asawa ay naantala ng mga batang ayaw magsitulog. She saw the disappointment on her hudband's face but she knew he understood. He said so himself.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now