Sabihin pang maalwan naman ang kanyang pinagmulang pamilya ay hindi naman niya maaaring ikumpara ang kabuhayan nila kina Pablo. Pablo's family was filthy rich. Paolo's wife, Helen, was a Stepford wife. Their mother was, too. Wala siyang ganoong klaseng breeding. Hindi siya perpekto.

She was only slightly better than the average Jane.

She was pretty, that would have been a big factor---if only Judie was not the modern Venus. Damn, the woman had everything---brains, money, the body women paid cosmetic surgeons to have, the face of Audrey Hepburn, and the sex appeal of Angelina Jolie.

Isa itong sumpa sa lahat ng kababaihan sa mundo.

Pinakyaw na nito ang lahat ng katangian ng isang perpektong babae sa superficial na mundo. Bonus na lang na apo ito ng dating senador at anak ng business tycoon. Hindi pa sapat iyon sa babae, kailangan pa nitong mag-excel sa sports at sa sarili nitong negosyo.

The woman who had everything, that was Judie.

How the hell could she compete with that?

She had her own insecurities, growing up always asking where her parents were. At nang makita niya si Judie, lalo nang nadagdagan ang insecurities niya sa buhay niya.

So there she was, telling herself one day she was going to marry Pablo Quirino, not really having any idea how that could happen.

Nang hapong iyon ay maagang nagpaalam sa kanya ang sekretarya nito, ang immediate boss niya. Siya na ang naiwan doon sa opisina. Ordinaryo na sa kanyang magpaiwan doon basta't alam niyang naroon pa si Pablo. Gusto niyang bago siya umuwi ay makita man lang na ngitian siya nito, isang bagay na parati namang nangyayari. Mabait ito sa empleyado, generous pa.

Alas-siyete na ay hindi pa lumalabas ng opisina nito ang binata. Alam niyang may date ito, siya ang nagpa-reserve kanina sa restaurant. Naisip niyang marahil ay hindi na naman available si Judie. Nalukot ang kanyang mukha.

Nagpasya siyang magpaalam na rin kay Pablo mayamaya. She fixed herself and knocked on his door. Halatang may iniisip ito, hula niya ay si Judie. Ngumiti ito sa kanya, ngiting hindi naman nakaabot sa mga mata nito.

"You're still here."

"You didn't know?"

Lumapad ang pagkakangiti nito. "What's up?"

Ang tibok ng puso niya ay ganoon na lamang. Para siyang sinabihan ng "I love you," gayong "What's up" lang naman ang sinabi nito. Oh, she hated herself for acting like an adolescent.

Bigla ay parang ayaw na niyang magpaalam dito. Parang gusto na niyang maupo sa tapat nito at hayaan itong magkuwento tungkol sa mga disappointments nito sa nobya. Oh, she was a hundred and one percent sure he had a lot on his list. Kapag nasabi na nito ang mga iyon sa kanya, sasabihin niya ritong iwan na ang Judie na iyon.

If only it was that easy.

"Your date didn't show again, huh?" biro niya, nakangiti.

"You got me." Mukha namang hindi ito offended.

"Let me fix you a cup of coffee."

Tumango ito at ngumiti. Agad nga niya itong ikinuha ng kape. Nabigla siya nang magsimula itong magkuwento tungkol sa love life nito. Hindi niya inaasahan iyon.

"I don't get it. I thought when I gave her the ring, she would stop for a while and get excited about us getting married, like normal females would. Apparently, she's not the typical female. Or am I a sexist for thinking that way?"

Inilapag niya ang kape sa tapat nito. She stayed there. "She's not the typical female, I could tell you that."

"Or maybe she doesn't find me cute anymore, the way she used to."

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now