"Mas maganda at mas sexy ka sa kanya. Seymour is an idiot."

Ngumiti lang siya. Iyon na nga ang mas masakit.

Pagkaparada niya ng ssakyan ay pumasok na sila. Ni hindi na siya nag-abalang lingunin si Seymour.

Kakahiga pa lang niya nang marinig ang pagkatok sa pinto niya. It was PJ.

"Can I sleep with you tonight? I feel so damned lonely in my room."

Agad siyang tumango. Iyon din ang nadarama niya.

HINDI na nakadama ng hiya si AJ paglapit niya kay Natalie, ang kaibigan niyang nag-imbita sa kanya bigla sa kaarawan nito. Nagtungo siya rito bago pa ang kaarawan nito. It was only a Wednesday. Hindi rin kasi siya tutungo sa party nito sa Sabado. Ang ipinunta niya doon ay business.

Dala niya ang larawan ng dalawang Hermes bags niya, pati ang Hermes bag ni PJ. Dala rin niya ang larawan ng kanyang mga Fendi, LV, Prada, Burberry, Gucci, Chanel, and the cheaper ones, Dolce, DKNY, CK, RL, etc. Ang totoo ay kailangan niya ng tulong nito. Kailangan niyang makabayad kaagad kay Seymour.

She couldn't stand the thought that she still owed him money.

Mukhang nasorpresa si Natalie nang sabihin niya rito ang sadya niya pero agad na napukaw ang interes nito sa mga bags niyang nais ibenta. Nagkasundo silang babayaran kaagad nito ang mga iyon kapag nakitang maayos pa.

"So how are you, really, AJ?"

"I'm poor now."

"Not exactly poor. These bags cost less than a mil."

"Yeah, you're paying me eight hundred thousand for all these bags. They originally cost more than three mil."

Tumawa ito. "I am a business woman, come on. Besides, they're all second hand."

Tumango na lang siya. Hindi na niya ipinuntong malaki masyado ang kikitain nito sa mga bag niya. Kung hindi lang siya nagmamadaling mabayaran si Seymour at makapagsimula ng panibago, malamang na inilapit niya isa-isa ang mga bag sa potential buyers.

"I have to go. Dadalhin ko bukas dito ang mga bag."

"Are you looking for a job?"

"Are you offering me one?"

"I could. That's if you won't get insulted."

"Please. I came here, showed my face to you, and sold all my bags. I won't get insulted anymore. Talk to me." Muli siyang naupo.

"My grandmother is looking for a companion. She's in the States. You have a visa, right?"

Hindi na nito kailangan pang ipaliwanag na kailangan nito ng caregiver para sa lola nito. At hindi rin siya nainsulto. Kung noon siguro ay nagwala na siya doon. Pero tinanggihan niya ang alok.

"Susubukan ko munang tingnan kung kaya ko pang magnegosyo muna. I could be a businesswoman, too, you know."

"Okay. Just don't hesitate to call me if you change your mind."

Umalis na siya doon. At kinabukasan din ay nagbalik siya, dala ang mga bags niya. Noon din ang nag-issue ito ng tseke. Agad niyang ipinasok iyon sa bank account niya. She felt so good. Because she could finally write Seymour a check. Nakalma na ang isang bahagi ng isipan niya.

So after opening a checking account and getting a checkbook, she went straight to his office. He was there, looking at her face.

God, she missed him so much. Almost as much as she hated him.

"AJ, HOW are you d-doing?"

"Perfect." Suyang nagbuga siya ang hangin saka naupo sa visitor's chair. Ipinatong niya ang checkbook sa mesa nito. "How much do I owe you?"

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora