"Seymour?"

Umungol ito at itinakip ang dumudugong braso sa mukha. "Ano ba, putang ina! Nasisilaw ako, putang ina!" bulyaw nito. Marahang tumayo ito, inaalalayan ng kapatid. Tinabig nito ang braso ng huli. Tila langong lumapit ito sa kanya. "Dude? Is that you?"

"Yes, it's me. Are you okay? 'Wag ka munang gumalaw."

"I'm fine." Ngumiti ito. "Dude, you know how to speak Tagalog? My father loves you, dude. And I think your daughter is pretty. But why the hell did she marry Michael Jackson? I could fuck her better than that fucking faggot!" Tumawa ito.

May kung anong lungkot na bumalot sa dibdib niya. Hindi nakakatawang inakala nitong siya si Elvis Presley. Langong-lango ito sa droga. Parang hindi na niya ito kilala. At halatang hindi siya nito kilala ng mga sandaling iyon. Napasulyap siya kay Brett. His face was now a mixture of frustration, anger, and helplessness.

"Seymour! Thank God, you're okay. It's a miracle." Naroon na ang kanyang ina.

And he thought it was indeed a miracle. Walang taong maaring mabuhay sa ganoong aksidente. Lalong walang maaaring makaranas noon na tanging galos lang sa braso ang natamo.

"Sino ka ba?" anito sa mommy niya.

The old woman wailed like a banshee.

"Sino ba talaga ang may sakit?" tanong ni Seymour.

"Si Mommy, Seymour. Gusto ka niyang makita," tugon ni Godo sa pinsan.

"Gusto ko rin siyang makita. I haven't seen her for a very long time. I'm sorry, Godo, dude. You know I love her, right? I do." Tinapik pa nito ang balikat niya. Sa likod ng kotse ito nakaupo. Iba ang tama nito ngayon. Mukhang masaya ito. Malala na ito, nagha-hallucinate na magkaminsan, tulad na lang noong naaksidente ito.

Isang linggo na rin iyong nakalilipas. Nagdesisyon na si Brett na dalhin ito sa lugar na iyon. Kailangan na ni Seymour ng tulong. Sa katunayan ay matagal na pala. At nauunawaan naman niya si Brett kung bakit noon lang ito nagdesisyong gawin iyon. Sila naman ng Mommy niya ay hindi alam na ganoon na pala kalala ang pinsan niya.

Napakaming responsibilidad ni Brett sa pamilya nito, maging sa pamilya ng pinsan niya. Ang best friend nitong si Kuya Tom, na siyang kapatid ni Seymour, ay ulila na rin nang pumanaw.

Hindi halata sa kilos at pananalita ni Brett na napakabait nitong tao upang pasanin sa balikat ang responsibilidad na kung tutuusin ay mas responsibilidad ng pamilya niya. Wala siyang masasabi sa kabaitan nito.

Nang makarating sila sa ospital ay dumiretso sila sa basement. Hindi nagtataka si Seymour. Mabuti na rin lang. Nakaakbay siya rito, gaya ng plano. Nang magtungo sila doon ng ina nito ay nasabi na sa kanila ng mga tao doon ang pinakamagandang gawin.

Ilang pinto ang pinasukan nila. Bawat pinto, agad na sumasara at hindi agad-agad mabubuksan. It was a special facility for people like his cousin.

Nang sa wakas ay marating nila ang huling pinto ay tinapik niya ito sa likod. May dalawang lalaki na ang lumapit dito.

"What's going on?" tanong nito, agad na nag-alala ang tinig.

"Sumama ka na lang sa kanila," wika ni Brett, malungkot ang mukha. "They're going to help you with your drug problem, kid. Believe me, this is for you."

"You mother-fucking son of a bitch!" bulyaw nito. Akmang susugurin nito ang lalaki nang awatin ito ng dalawang malaking lalaki. Nagwala ito. Malakas pa rin ito kahit na hindi naman ito katangkaran at sobra na ang payat gawa ng bisyo.

Ang minsang magandang katawan nito, ngayo'y nauwi sa mga pisnging humpak, sa mga braso at binting parang sa teenager sa sobrang payat. Ang balat nito ay tuyong-tuyo, ang mga mata ay madilaw-mapula at nangingitim ang palibot. Ang mga labi nitong parating nakatawa, ngayon ay tila tuyong-tuyo rin.

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERWhere stories live. Discover now