Chapter 17

20.4K 410 8
                                    

Nathan's POV:

Pinark ko na ang kotse ko sa garage. Nandito na din ang kotse ni Jass. Pumasok ako at nakita si yaya Tin na naka upo. Nung nakita niya ako ay nilapitan niya ako kaagad.

"Si Jass po?" naggigilid na ang mga luha ni yaya.

"Nasa kwarto niya. Ano ba ang nangyari, Nathan? Nakita ko siyang umuwi na umiiyak. Sobrang pula na ng mga mata niya." nagi-guilty tuloy ako. Niyakap ko si yaya.

"Sorry, yaya. Nasaktan ko nanaman ang alaga niyo. Pero wag po kayo magalala. Aayusin ko po ito." I said and let go of her. She nodded.

"Ayusin niyo to, Nathan. Ngayon ko lang nakita ng ganun si Jass. Sobrang nasaktan siya sa ginawa mo." Medyo natigilan ako dun. I slowly nodded.

"Sige na yaya. Magpahinga na kayo. Ako na po bahala sa kanya." she nodded. Umakyat na ako. Naglakad papunta sa pinto ni Jass. I breathe heavily before knocking.

*knock* *knock*

Walang sumagot. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto. Naririnig ko ang pagiyak niya. Tch! Nakakainis! Ang tanga tanga ko talaga!

"Ito oh." inabot sakin ni yaya Tin yung susi sa kwarto ni Jass. I smiled.

"thank you, po." she smiled at naglakad na pababa.

Pinasok ko na yung susi sa doorknob. Unti unti kong inikot yung susi. Nung nagbukas na, unti unti akong sumilip.

Nakataklob siya. Pero naririnig ko parin ang hagulgol niya. I sighed at naglakad papunta sa kama niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Jass..." lumayo siya ng konti.

"Leave me alone! Get out of my room!" galit niyang sabe. I shook my head.

"No." matigas kong sagot. Umupo siya at tinanggal yung kumot sa katawan niya.

"Kung ayaw mo umalis, ako nalang ang aalis." sabe niya. Namumula nga ang mga mata niya.

Bumaba na siya ng kama at kinuha yung bag niya. Hinawakan ko yung braso niya pero she shook it off. I sighed.

"Please, Jass. Let me explain." I begged.

"There's nothing to explain, Nathan. Its now clear to me na hindi ka naman pala seryoso sa sinabe mo sakin." hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Hinawakan ko yung dalawang braso niya at iniharap ko siya sakin.

"Totoo yun! Mahal kita, Jass. Mahal na mahal. " she looked at me in the eye. I gulped. She looked broken. Pero! pati naman din ako ah.

"KUNG MAHAL MO AKO, DI KA MAKIKIPAG HALIKAN SA IBANG BABAE! KUNG MAHAL MO AKO, DI MO KO SASAKTAN NG GANITO! kung mahal mo ako.....you won't go to a bar flirting with girls." she cried. I hugged her. I kissed her hair.

"Mahal na mahal na mahal kita, Jass. I was to devasted that you kept on avoiding me this past few days. Nasaktan ako. Akala ko ayaw mo sakin. Akala ko, di mo ko mahal. Pero....mukhang I thought it all wrong." she lift her head and looked at me. I smirked. She pushed my chest. Pero nandun parin ang hands ko sa waist niya.

"Wag kang feelingero!" inis niyang sabe. I smirked again.

"Eh, bat ka tumakbo nung nakita mo na may kahalikan akong babae? At bakit ka umiiyak ngayon?" I grinned. She looked away.

"Amin na kasi! You love me." she rolled her eyes at tinulak ako.

"Naiinis lang ako sayo kasi sinungaling ka!" napakunot naman noo ko dun.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now