Walang maganda sa isang umaga
kung saan pakiramdam mo ay kulang ka.
Kulang sa tulog.
Kulang sa lakas.
Kulang sa saya.
Kulang sa.....kanya
Walang maganda sa isang umaga
kung saan gumigising ka na kirot lang ang nadarama.
Bawat letra ng mga salita, bantas at pananda,
naaalala ko pa.
Lumayo ka, dumistansya
Nagpapahiwatig ng pag-alis.
Ito 'yung tipo ng paalam na masakit '
pag kinimkim kaya 'di ka na nakatiis.
Pero mas masakit
Kung di nagpaalam at
Nawala ng parang wala lang
Tatawirin, susubukang akyatin ang pader na pumapagitan satin.
Anumang pagtanggi, paglayo at pagpigil mo, hindi ako susuko dahil mahal pa kita.
