Bayan ko, O aking Mahal
Nakaraan mo'y aking galak
Mula Lapu hanggang Pe'lorida
Tunay na tayo'y nakaka-angat
Mayro'n tayong Boni't Rizal
Ngunit tayo'y nasaan?
Cory't Makoy dumaan na
Ngunit tayo'y nasaan?
Aking Mahal, O Bayan
Relihiyo'y 'wag mag-duguan
Sapagkat layunin nila'y Sanduguan
Upang kaunlaran ating makamtan
Bayan ko'y huwag tayong mangmang
Ang Noon tayo'y tutulungan
Solusyo'y talagang nariyan
Kung tu-Tungo sa'ting pinagmulan