"EH? nanjan ka lang pala Mr. Pussy cat."........" OH. Don't tell me, hindi ka makababa jan? Wag kang mag-alala. aakyat ako jan."

Sa tingin ko ang kausap nang Chesire na un ay si tuti. Si tuti ang pusa namin ni ate Rein na mahilig umakyat nang puno pero hindi naman marunong bumaba. >.<

 Naku lagot! Hindi nga pala mahilig sa bisita si tuti kahit mukhang mabait.

Tapos nagtatakbo na ako nang marinig ko ang sinabi niyang- "Stay still Mr. Pussy cat. to the rescue na si Ate Chesire."

"Oi Pusaaaaaa!" Sigaw ko nang matanaw ko si Chesire na nasa sanga nung puno papalapit kay tuti.

Huminto siya paggapang tapos tumingin sa akin nang marating ko ung puno. "Huh? Bakit?"

"Bumaba ka jan!"

Umiling siya sa akin tapos bumelat pa sa akin. "Ayoko nga! tingnan mo si Mr. Pussy Cat hindi makababa nang puno kawawa naman." Sabay turo niya kay tuti.

"Tss. Kahit na. Hindi safe yang si tuti. Lalo na't hindi ka niyan kilala! makakalmot or makakagat ka lang niyan."

"Wow. Tuti pala ang name ni mr. pussy cat. nice choice of name huh." tapos gumapang siya papalapit sa pusa.  " Sus hindi yan. See I can manage."

"Oi.. Oi tigas nang ulo mo." Habang gumagapang siya papalapit kay tuti, kita mong naiinis si tuti na para bang mangangagat. " Ako na lang magbababa jan kay tuti umalis ka jan."

"Wag na!."imik niya na patuloy pa rin pag-gapang.

 Tapos nagsignal na si tuti na mangangagat at tumalon papalapit kay Cheisre.

"CHESIIIIRE!." pagsigaw ko kay chesire pagtalon ni tuti tapos napatungo na lang ako.

"Ahihihi. Tuti bad ka! wag!" Huh? tama ba ung naririnig ko at hindi siya na iyak kundi natawa? Tapos dahan-dahan akong tumingin sa kanya na nasa taas ng puno.

"See? I told ya! mabait ang pusa sa akin." Imik niya pagtingin ko sa kanya.

"Wow. galing huh. Iniintay ko pa naman sana ang malakas mong hagulhol nang tumalon si tuti."

"Asa boy!" tapos hinimas-himas niya si tuti na tuwang tuwa. " Nga pala. alam mo ba kung paano ako makakababa nang puno?"

"Haha. Hindi eh, bakit hindi yang hawak mo ang tanungin mo?"

"Adik hindi to sasagot or else hindi ko maintindihan sagot neto.Tss gapang na nga lang let ako." Ayun tulad nga nang sabi niya gumapang na siya pababa nang puno pero habang gumagapang siya nag slide ung left leg niya kaya-

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" sigaw niya at dali-dali ko namang tinansya kung masasalo ko siya.

"OUCH." Imik ko nang masalo ko siya sa braso ko.

Tapos dahan-dahan niyang minulat ung mata niya. "Wow thank you."

"W..welcum." At nilagay ko siya dun sa tabi nang puno at iniupo.

Uupo na sana ako sa tabi niya nang umiik siya kaya napahinto ako pag upo. "Grabe tuwing nakikita kita naaccidente ako."

"tss, Hindi kaya. sa tuwing dumadating ako sinasave kita. Lapitin ka kasi nang accidente." Hindi na lang ako umupo at tumayo sa tabi niya.

"Aba? Ako lapitin nang accidente? Hindi noh!" Sagot niya habang hinihimas parin si tuti

"Naku miss, wag kang magalala, Tuwing maaacidente ka darating ako. Sigurado ako."xD

"Wow, Kuya ang presko mo huh!"

"Hindi ako presko prince mo ko." dagdag ko habang nang aasar. Natutunan ko ang mga ito sa mga kabarkada ko sa flames.

Sa huli kong banat sa kanya, napatingin lang siya at hindi umimik. "Oi jowk lang un!"

Tapos tumawa siya sa akin. "Hahaha oo nga sabi ko jowk mo lang un."

"Haha, Siya geh una na ako sa iyo. Napadaan lang naman ako dito sa garden. Ingat ka na lang huh." Tapos tumalikod na ako sa kanya pero nagpahabol pa nang pangaasar. " Next time magsuot ka nang pajama kung aakyat ka nang puno. Pink cat."

"Pink Cat?" sigaw niya tapos nagpause saglit. " YUCK MANYAK KA!!"

"HAHAHAHA." Tapos nagtatakbo na ako palabas nang garden at pumunta nang clinic.

===========================================

(CHESIRE'S POV)

Walangyang MANYAKIS un ah.!Hanep na yan nasilipan pa pala ako nang wala sa oras nang dahil dito kay cute tuti.

‘Hindi ako presko prince mo ko’

Baliw un huh? Makaisip ba namang bumanat nang ganun? Natigilan tuloy ako. >.<

"mEow." Imik ni tuti sa akin habang hinihimas ko.

"Oo tuti. Adik talaga si Sky! Moody pa! Biruin mo nung isang araw galit na galit sa akin at natawag kong michael wanna be. Tapos nung isang araw din akala mo kung sinong napakaconcern. Tas ngayon ganyan nabanat. Dapat pinapacheck-up na un sa mental!." Oh ako na nga ang baliw. kausapin ba naman ung pusa, pero yae na kesa naman dito sa puno na hindi naimik.

"mEow." wow sang-ayon atta si tuti sa akin! sumagot ih xD

"Nakakatouch ka naman tuti! nagegets mo ako!" sabay buhat ko kay tuti at iniharap sa akin para i kiss.

Grabe dahil din siguro sa pangalan ko kaya malapit at mahilig ako sa pusa. Ewan ko ba pero kahit anong itsura pa nang pusa basta nag-MEOW yan, handa akong i-risk lahat. Kahit pa life ko! x3

"Tuti. Gusto mo sumama sa akin? stay tayo sa room ko. Maaalagaan kita dun." imik ko habang ibinababa siya.

"mEow."

"EH? gusto mo? tara dalhin kita sa room ko." Sabay tayo ko at naglakad papalabas nang garden. HAHAHA ipagpalagay nang oo ung sagot nung pusa!

Maya-maya pa habang naglalakad ako tumawag si ate Rein. Tumawag lang pala siya para imbitahin ako na dumaan nag clinic. Tapos binalita ko din agad sa kanya na nagkita ako nang pusa at plano kong dalhin sa room ko. Kaya dahil nun nagrequest din siya na idaan ko si tuti sa clinic.

*******

Sa Clinic

"Huwaw! Tuti! I miss you!" Imik ni ate Rein habang buhat buhat si tuti. " Ilang araw ko ding hindi nakita tong si tuti dahil sa busy dito sa clinic."

"Natutuwa ako at nadala ko siya dito." Imik ko sa kanya habang pinapanood ung reaction niya pagkakita kay tuti.

"Buti na-ipasok mo dito sa loob si tuti."

"Bakit? bawal po ba?"

"Oo, Kaya nasa Garden lang siya. allergic daw kasi sa hayop ung anak nang Maguire."

"Eh? allegic sa hayop si Lindsay? naku sayang naman gustong gusto ko pa namang ipasok yan sa kwarto ko." Tapos nag pout ako.

"Edi dalhin mo sa room mo." imik let ni ate rein habang hinihimas si tuti.

"Hindi pede nadadaan dun si Lindsay eh."

"Hmmm.., Alam ko na dito na lang muna si tuti sa clinic tapos dalawin mo na lang paminsan minsan."

" EH? Talaga! sige agree ako jan!"

Tapos tumunog ung cellphone ko. Hindi dahil sa text or tawag kundi dahil kailangan ko nang bumalik sa room ko, magaasikaso pa ako nang gamit ko para sa pagdating nila kyle baka mapaaga pa sila nang dating eh.

"Naku, ate Rein kailangan ko nang bumalik sa room ko. Bukas na lang. daan ulit ako dito." Sabay tayo ko sa upuan.

" Oh siya sige! Intayin kita dito."

At naglakad na ako papalapit sa pinto, bubuksan ko na sana ung door nang bigla ung bumuka at nakita ko ung manyak na sky na may bitbit na mga pagkain.

"Oi Pusa ikaw pala." bati niya sa akin pagkabukas nang pinto.

Hindi na lang ako umimik sa kanya at tiningnan siya nang masama sabay labas nang clinic.

Sura, hindi man lang nagintay nang bukas para kausapin ako. DUH? Nakakainis kaya ung ginawa niya MANYAKISSSSssss.. -.-‘

Strangers In Paradise(on hold)Where stories live. Discover now