Ako'y nagpapasalamat sa aking magulang
Kung di sa inyo, di ako isinilang
Kay nanay na laging nakaagapay
Kay tatay na laging nakabantay
Si tatay na laging naghahanap-buhay
Si nanay na gumagawa na gawaing bahay
Silang dalawa ay laging nandiyan
Handang tulungan ako kahit kailan
Sa aking mga kapatid na mapagmahal
Kayo'y aking labis ding minamahal
Kahit na kayo ay pasaway
Kayo naman ang aking buhay
Pamilya ko'y aking mahal sa buhay
Sila'y nagmamahal sakin ng tunay
Magsisipag ako para sa tagumpay
Para ang aming buhay maging makulay.
YOU ARE READING
Ang Aking Pamilya
Poetry- ang tulang ito ay para sa aking pamilya na nagmamahal sa akin.
