BA BE BI BO BU

103 7 0
                                        


Isang gabi ako'y sa langit nakatingala
Habang pinagmamasdan ang mga tala
At iyong mata'y aking naalala na sa bawat sulyap ko'y tila nagniningning na mga tala
Kaya BABEBIBOBU lumabas sa aking dila

Ba - bakit ka pa dumating kung ako'y iiwan rin
Be - bentang-benta mga pangakong ngayo'y ayoko ng isipin
Bi - bibitawan na mga ala-ala mo at nangangakong di ka na muling tatanawin
Bu - buhay ko'y magpapatuloy pa rin. Marahil nagtataka kayo kung bakit kulang, ngayon napatunayan ko na di mabubuo ang BABEBIBOBU kung wala ang BO Parang AKO na walang TAYO.

Kaya nang gabing ika'y nagpaalam di ko namalayan aking luha ay di na rin naagapan
Papatak basta basta, gustuhin ko mang punasan mas maigi ng hayaan. Tuluyang umagos ang luhang ito upang umalpas na rin ang sakit na nararamdaman ko. Lumuha ng lumuha hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Paglipas ng mga araw, ika'y aking muling nakita inalala mga sandaling na minsa'y napangiti rin kita. At sa huling pakiusap "Masaya na ako, Pwede bang wag ka ng bumalik pa."

Huling luha para sa iyo. Sa bawat patak ng luhang ito, bawat pasakit na tiniis ko dapat akong magpasalamat sayo na minsa'y ika'y naging dahilan ng pagngiti ko at mas naging matatag ako at di namalayang isang umaga nakangiti na ulit ako.

Hiwaga ng bawat letraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon