KRYSTAL'S POV
Nasa coffee shop ako ngayon malapit sa airport. Kababalik ko lang ng Pilipinas after 2 years. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na nakabalik na ako.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, sakto umuulan.
Napapikit nalang ako at napabuntong hininga.
Masarap matulog kapag umuulan kasi malamig. Pero sa ganitong panahon naalala ko yung araw na yun. Yung araw na una kong naranasan ang pagtataksil.
Minulat ko ang mata ko, saka ako tumingin sa malayo. Ang dilim ng ulap na halos akalain mong gabi na.
Habang nakatingin ako sa malayo, bumalik nanaman sakin ang ala alang ayoko ng balikan pa.
FLASHBACK
Umuulan ngayon at wala akong payong. Tsk. Asan na ba kasi si Eric? Sabi niya susunduin nya ako.
Hmm. Si Eric Kim. Half Pinoy at Half Koreano. Boyfriend ko nga pala siya at mag iisang taon na kami.
Sabi ng madami perfect couple na kaming dalawa at kami daw ang nagpapatunay na may Forever. Hahahahahahaha.
Wala naman talagang forever e. Oyy di ako bitter ha. Hahahahaha. Di lang talaga ako naniniwala, mas naniniwala pa ko sa lifetime.
Andito ako ngayon sa Building A ng School namin. Hinihintay ko si Eric, dito kasi kami magkikita.
30 minutes na siyang late. Asan na ba yun?
Luminga linga ako sa paligid mamaya nakikipag laro nanaman siya ng Hide and seek.
<_< Walaaaa. >_> Wala din.
Asan naman kaya yun? Tsk.
Tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko kaagad baka kasi si Eric na yung nag text.
Huh? Unknown number?
Binuksan ko yung MMS.
Nakakapagtaka naman, picture yung naka attached sa sms. Picture ni Eric na papasok sa classroom ko.
Huh? Baka naman akala ni Eric nandun pa ko?
Dali dali akong tumakbo papunta sa classroom ko.
Bago ko pa mabuksan yung pinto, narinig kong nagsasalita si Eric.
"Mahal kita" Sabi niya.
Nagulat ako. Sino yung kausap niya?
Unti unti akong sumilip sa glass nung pintuan.
Halos mag collapse ang tuhod ko ng makita ko ang Bestfriend ko.
"Pano si Krystal?" Tanong niya kay Eric.
"Ikaw ang mahal ko Jane hindi si Krystal, alam mong pinagpustahan lang namin siya" Paliwanag sakanya ni Eric.
Jane Dizzon. Bestfriend ko. Kakambal ko na nga ata eh. Kasi halos minuminuto kaming magkasama. Simula bata palang magkaibigan na kami.
Pustahan? Di ko na napigilan yung luha ko. All this time pustahan lang pala yung relasyon namin na halos umabot na ng isang taon? Wtf.
"Makikipaghiwalay na ako sakanya Jane. Please. Sana matanggap mo ako. Mahal kita Jane. Ikaw talaga yung mahal ko." Halos madurog yung puso ko ng marinig ko yan galing mismo kay Eric.
Makikipag hiwalay siya sakin para kay Jane? Itatapon niya yung pinagsamahan namin para sa bestfriend ko?
Umiiyak na ako. Bago pa nila marinig ang mga hikbi ko, tumakbo na ako pabalik sa dapat namin pagkitaan ni Eric.
Nakatayo lang ako dun habang umiiyak.
Buti nalang walang ibang tao dito kundi ako lang.
Ilang minuto lang ang nakalipas , nakarinig ako ng mga yabag papalapit sakin.
"Krys" tawag sakin ni Eric.
Napapikit ako, tuloy tuloy padin yung pagpatak ng luha ko.
Hindi. Hindi ko kayang mawala siya sakin.
Bago pa siya makalapit sakin, tumakbo na ako. Wala akong pakealam kung umuulan ng malakas. Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung san ako pupunta , ang alam ko lang gusto kong tumakbo palayo kay Eric.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Halos binuhos ko lahat ng oras at pagmamahal ko sakanya, tapos malalaman kong pinagpustahan lang nila ako?
Nakarating ako sa soccer field ng school namin. Basang basa na ako.
"Krystal" napalingon ako sa tumawag sakin.
Si Eric....
Nakapayong siya samantalang ako basang basa na ng ulan.
"Eric" tawag ko sakanya, ngumiti ako na para bang hindi ako umiiyak at na para bang wala akong narinig kanina.
Ang hirap magpanggap.
"Krystal may sasabihin ako sayo" seryosong sabi niya.
"Hindi mo ba ako lalapitan Eric? Basang basa na ako ohhh" Sabi ko sakanya saka ako tumawa ng mapakla.
"Krys" tanging sabi niya pero di padin siya lumalapit sakin.
"Mahal mo ba ako?" Nakatingin ako sa mata niya habang naghihintay ng sagot.
Nakita kong napapikit siya ng mariin.
Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya.
"Pustahan? Ng dahil sa pustahan diba? Magkano pinanalo mo? Dodoblehin ko." Seryosong sabi ko sakanya.
"Iris!" Madiing sabi niya.
Napangisi ako.
Ayoko sa lahat yung lumalabas yung pagiging mataray ko ehh.
"Oh bakit? Hahahahaha. Mali ba ako? Tsk. Pustahan huh. Yun lang pala yung halaga ko sayo?" Lumapit ako sakaniya.
Nilabas ko yung wallet ko kahit basang basa na.
Binato ko sa pagmumukha niya
" oh ayan. Pera. Tutal mukha ka namang pera eh." Maluha luha kong sabi sakanya. Ipon ko pa yang pera na yan!
Hindi siya nagsalita, yumuko lang siya.
Napansin ko si Jane na nakatayo at nakapayong malapit sa likuran ni Eric.
Napangisi ako.
Lumakad ako papunta sakanya.
"Bestfriend" Masayang bati ko sakanya.
Halatang nagulat siya sa inasta ko.
"U-uhhh." Tanging nasambit niya.
Hindi ko napigilan yung sarili ko at sinampal ko siya ng malakas.
Tumakbo papalapit samin si Eric at inalalayan si Jane na tumayo dahil nung sinampal ko siyanapaupo siya.
"Kilala mo ko Jane. Hindi ako sumasampal ng hindi ka masasaktan"nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya.
"Ano ba Krys. Tumigil ka na" Sigaw sakin ni Eric.
"Ako? Tumigil? Patawa ka? Bat ako titigil? Eh hindi pa nga ako nagsisimula?"Kunwareng nagtataka kong sabi kay Eric.
"Bitch, hindi ikaw ang mahal ni Eric" biglang singgit ni Jane.
"Wow! At tingin mo ikaw talaga ang mahal niya? Kelan ka pa naging tanga Jane? Tingin mo hindi ka din niya pinagpustahan?" Tanong ko sakaniya.
Napatigil siya sa sinabi ko.
Ngumisi ako.
"Oh Eric, yun na yung pera na bayad ko sayo sa pakikisama sakin sa matagal na panahon. Galing mo din umarte noh? Hindi ko napansin na pinaglalaruan mo lang pala ako."
Tinignan ko silang pareho saka ako tumalikod at naglakad palayo sa kanila.
Flashback ends
"Miss" may tumawag sakin kaya napabalik ako mula sa pag iisip kong malalim.
"Malamig na yang coffee mo" nakangiting sabi niya sakin.
Tinignan ko lang siya ng napakalamig. Saka ako tumayo at lumabas na ng coffeeshop.
***
Nakahiga ako ngayon sa kama ko sa condo unit ko. Umuulan nanaman. One week na akong nandito sa Pilipinas.
Pumikit ako dahil balak kong matulog kasi wala naman akong ginagawa nang biglang mag ring yung phone ko.
Sinagot ko yun ng di ko tinitignan kung sino yung tumatawag.
"Yes? " tanong ko kaagad pagkasagot ko ng tawag. Di uso sakin ang hello e
1
2
3
4
5
"So you're really back" It took 5 seconds for her to speak.
Napangisi ako, kilalang kilala ko tong boses na to.
"Yes my dear. I'm really back, safe and sound" may halong sarcasm ang tono ngayon.
"Bumalik ka ba para kunin sya sakin? " may halong galit na ang boses nya ngayon na nakapag pa excite sakin. Na i imagine ko kasi yung itsura nya. Ohh poor little Jane.
Yes, tama kayo ng nabasa. Si Jane ang kausap ko ngayon.
"Ohh? Kayo padin? Tumagal pala talaga kayo?" Kunwareng gulat nasabi ko sakanya.
"Oo kami pa. Kaya wag na wag kang magta tangka na bawiin sya! "halos pasigaw na sabi nya sakin.
Baliw na ba to?
"Poor little Jane" sabi ko pa yan habang nakangiti. "Ang basurang itinapon na, di na ulit pinupulot" sabi ko sakanya.
Magsasalita na sana sya kaso inunahan ko na sya.
"Anyway, salamat sa pagiging ugaling basurera mo ha? Taga pulot ng basura ko" nakangising sabi ko sakanya saka ko pinatay yung tawag.
Hinanap ko sa contacts ko ang numero ni Secretary Kim at tinawagan.
Pagkasagot na pagkasagot nya tinanong ko kaagad sya.
"Okay na po ba ang lahat? " tanong ko sakanya.
"Yes" pagkasagot niya ay pinatayan ko na agad siya ng tawag.
It's so good to be back. Niyakap ko ang unan ko at natulog.
YOU ARE READING
Cold-Blooded Princess
RomanceDeath is not friendly. It is dark black where you look at it. You're all alone. What's the point of living When you're left with broken wings? What's the point of smiling, When your heart no longer sings? What can you do If you can no longer fly? W...
