E P I C L O G U E

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit din si Kid sa kanya tsaka nagmano. "Hello po Mama."

Natigilan ang nanay ni Lukrecia. "Teka, naguguluhan ako."

Hinawakan niya ang ulo niya. Sumakit bigla ang noo niya.

"Ma, si Ked pu, anak ni Mr. Lee. Boyfriend ku po."

"Hello Mama!" Nginitian siya ng 17 years old na binatilyo na hawig na hawig ni Mr. Lee.

Bigla siyang nahimatay.

*   *   *
LUKRECIA
She was invited in Dudong's second wedding. Nag-second wedding si Dudong sa kadahilanang nagulo nga ang seremonya ng unang kasal nila ni Shari dahil sa pagdating ni Lukrecia noong pagtatapos ng seremonya (kung saan hinubaran ni Lukrecia si Shari ng wedding gown sa harap ng altar)

"Thank you sa pag-sponsor sa buffet ng kasal ni Dudong ah!" Habang naka-upo sa may dulong upuan ng simabahan, malapit sa may pintuan, ay nilapitan si Lukrecia ng mama ni Dudong.

"Walang anuman pu!" Lukrecia giggled. Ginawa niya ito because she wants to have a new begging. And in order to that, she must let go of the past.

"You may kiss the bride."

Kita ni Lukrecia kung paanong hinalikan ni Dudong ang tatlong buwan na buntis na si Shari. At habang tinitignan niya iyon, she only felt happiness. Masaya na siya para kay Dudong!

Nagsipalakpakan na ang mga tao at pagkatapos niyon ay mabilis na pinapunta ang mga babaeng bisita na hindi pa kasal sa may harapan para sambutin ang bulakak na ibabato ng bride.

At dahil hindi pa nga kasal si Lukrecia ay nakisali na riya roon.

"Umu!" Nasalo ni Lukrecia ang kumpol ng bulaklak. Una itong tumama sa nguso niya. At dahil nga roon ay napatalon siya sa saya habang ang ibabang babae ay masama naman ang tingin sa kanya.

Masaya siyang umalis sa simbahan dala-dala ang kumpol ng bulaklak na iyon. Sa labis na saya, hindi niya namalayan na nasa isang tulay na pala siya.

"Umu!" gulantang niyang sabi nang makita ang magandang view ng ilog na naka-konekta sa dagat.

Inamoy niya ang kumpol ng bulaklak, itinaas ito ito sa ere at... "Matagal pa rin naman kaming ikasal ni Ked. Hihintayin ko pa siyang makagtapus ng senior high kaya----"

Ibinato ni Lukrecia ang kumpol ng bulaklak sa ere. Iyon nga lang, wala pang isang segundo bago niya ito naibato ay biglang may sumalo rito.

"Umu!" gulantang na ani Lukrecia nang makita ang brasong iyon sa gilid niya.

At noong lumungon siya....

"Umu!"

Nagulantang siya dahil si Kid ay nasa harapan niya. Nakangiti ito sa kanya. Nakatitig sa kanyang mga mata.

"Bakit mo 'to itatapon mommy shark ha?" tampo ni Kid.

"Kasi----" huminto si Lukrecia. Ayaw niyang sabihin kay Baby Shark niya na medyo matagal pa silang ikakasal kaya ibabato niya muna ang bulaklak na nasalo niya.

"Alam ko ang iniisip mo mommy shark. Alam ko na medyo matagal pa ang kasal natin pero gusto kong sabihin sa'yo na kapag sinabi kong gusto kita, hindi lang pagkagusto ang nararamdanan ko kundi gustong-gustong kita."

Kumibot ang mga labi ni Lukrecia sa narinig niya. Iniisip pa lang niya ang mga pagdadaanan nilang dalawa ni Kid, naiiyak na siya. Pero wala eh, mahal niya ito higit pa sa takot niya.

"Kapag sinabi kong mahal kita Mommy Shark. ibig sabigin nu'n, mahala na mahal na mahal kita. At kapag sinabi kong papakasalan kita, ibig sabihin nu'n, gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging sulit ang pagpili mo sa'kin habang naghihintay ka. Alam kong malayo pa mommy shark pero...."

May bagay na kinuha si Kid sa bulsa niya. Naiiyak na sana si Lukrecia pero bigla siyang nalito nang biglang nakita ang hawak ni Kid. Isang beer can ng Fujiwara Densui.

Magtatanong pa sana si Lukrecia kaso hindi niya na nagawa nang biglang buksan ni Kid ang beer can, ininum kalahati ang laman, inilagay sa railings ang lata at maya-maya pa ay ipinakita nito sa kanya ang pull tab ng beer can na iyon.

"Gusto ko sa sariling pera ko manggaling ang ipangbibili ng engagement ring para sa'yo Mommy Shark pero ayos din naman 'to hindi ba?"

"Tika? Nagpo-propose ka ba?" takang tanong ni Lukrecia. Nanginig bigla ang maninipis na peluka niya.

Nahihiyang ngumiti at nagkamot ng buhok si Kid at maya-maya pa nga ay kamuntikan nang lumundag ang puso ni Lukrecia nang bigla lumuhod si Kid sa harap niya.

"Mommy shark, shy c aqoe pero...." Yumuko si Kid, nagpigil ng ngiti. "Pero... gustong-gusto talaga kitang pakasalan? Will you marry me?"

"Umu!" Biglang lumundag ang matres ni Lukrecia sa railings ng tulay na iyon. Kakaibang saya ang naramandamdaman niya na tipong walang salitang tutumbas doon.

"Shy din aqoe piro, oo gusto rin kitang pakasalan Baby Shark. Yis," kagat-dila at kumikibot nguso na sabi ni Lukrecia.

Halos mapunit naman ang guwapong mukha ni Kid nang muli siyang nagpigil ng ngiti at iyon nga, kahit medyo may kasikipan ay inilusot niya na ang pull tab na iyon sa fourth finger ni Lukrecia.

Umaagos ang mga luha ni Lukrecia. Pati na rin ang uhog mula sa ilong niya.

And the moment the pull tab ring perfectlt fits on her fourth finger, naging saksi ang araw, ang mga ulap, ang ilog, ang dagat, ang mga matatatoyog na buildings at pati na rin ang malawak na tulay sa mahigpit na pag-yakap ni Kid kay Lukrecia.

"You're a girl who's always worth the risk Mommy Shark. I love you," Kid heartfully said as she kissed Lukrecia on her lips.

Between their lips ay paminsanan nating makikita ang sinag ng araw. Kasabay din niyon ay maririnig nating muli ang isang pamilyar na kanta.

🎶Bilanggo, sa rehas na gawa ng puso mo,
Bilanggo-oh. sa gapos na dulot ng pag-isip sa'yo🎶

At pagkatapos ng scene na iyon ay makikita nating tataas ang camera, mas malawak na ang makikita natin na view ng paligid na kinakatayuan nina Lukrecia at Kid na naghahalikan pa rin ngayon sa may tulay.

🎶Bilanggo, sa rehas na gawa ng puso mo,
Bilanggo-oh. sa gapos na dulot ng pag-isip sa
'yo🎶

Dadaan ang camera sa ibabaw ng tulay. Makikita natin kalawakan ng tulay, ang ilog sa ilalim nito, ang mga pinaghalog buildings at puno sa gilid ng ilog, ang dulo ng ilog--ang dagat, ang mga bundok, ang mga ulap at ang araw.

Muling baba ang camera.

Dahan-dahan.

Makikita nnating ang camera na dadaanan lang sina Lukrecia at Kid na ngayon ay nagtatawan na.

Pupunta ang camera sa ilalim ng tulay, makikita natin ang isang slum book na dahan-dahang bumagsak mula sa itaas ng tulay.

🎶Bilanggo, sa rehas na gawa ng puso mo,
Bilanggo-oh. sa gapos na dulot ng pag-isip sa
'yo🎶

Pagbaba ng camera, iyong mas mababa pa sa kanina ay makikita natin ang mga lumot doon at pati na rin ang pulang vandal sa puting haligi ng tulay na may nakasulat na:

T  H  E    E  N  D.

*   *   *

Back Off! Lukrecia is Mine!
WRITTEN BY: JOEYJMAKATHANGISIP
ALL RIGHTS RESERVED 2017
To God be the Glory.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon