Code Name: Agent Red

ابدأ من البداية
                                    

Tumapat kami sa isang mabahong banyo ng isang factory building. May tatlong cubicle doon at may isang pinto na may nakalagay na 'Out of Service' Pero doon kami pumasok. Nagsisiksikan kaming tatlo sa loob ng cubicle.

"Ano ba naman tong bagong passage ng Agency! Ang baho!" Iritang sabi ni Sean habang nakatakip sa ilong nya. 

"Sandali lang. Kanina ka pa reklamo ng reklamo. Ikaw kaya maghanap ng button at mag verify ng finger print?" Sabi ni Mae habang nakatakip din ang ilong at may kinakapa sa likuran ng toilet.

"Dalian mo kasi!" Sean.

Talagang kahit kelan, ang agency talaga namin! May magawa lang na passage papunta doon kahit na saksakan ng baho! Nalalason na baga ko!

"Teka saglit!" Sabi ni Mae tapos tinapat nya sa gripo yung thumb nya at may laser na nagverify noon. Wow. Talagang sa gripo nila nilagay ha.

"Dali!" Sean

"Eto na!" Sabi ni Mae tapos may pinindot sya sa likuran ng toilet at automatic, biglang bumukas yung inaapakan namin at nagderederetso kaming nagpadulas pababa.

Nang binuksan ko ang mga mata ko, puro puti na ang nakita ko. Okay, siguradong nasa Agency na ako. Marami na akong mga robot na nagkalat na nakita. Mga workers sila sa Agency.

"Good morning Agent Red Queen! Pinapatawag po kayo ni Director kasama sila Agent Black Wings (Mae) at Agent Baboon (Sean) sa office nya." Sabi ng maid robot ng Agency namin. Si Lali.

"Good morning din. Sige pupunta na kami." Nakangiting sabi ko tapos dumeretso na

Agent Red Queen. Yan ang napili kong alias ko habang nagtratrabaho sa Agency na to. Paborito ko kasi ang color Red at ayoko ng salitang Princess dahil parang naartehan ako kaya Red Queen ang pinili ko. Hindi man halata sa nerdy at achay kong pangmumukha at ayos, isa ako sa mga maasahang secret agent sa Agency namin. Marami na akong naaccomplish na mission at task, pero hindi yon syempre matatapos kung wala sila Mae, Sean at ang coach namin na si Ms. Seri. I owe them my life and success.

Sumakay kaming tatlo sa isang escalator at may laser na nagverify ng mga pupil namin. Sa pagakyat namin, nagkalat ang mga workers sa agency na nagdedevelop ng kung ano-anong mga gadgets. May mga agents din na nagsasanay ng martial arts at ng mga moves. 

"Agent Red Queen, Agent Black Wings, and  Agent Baboon, Welcome back!" Sabi ng machine matapos kaming iverify. Dumeretso agad kami sa office ni Director, 

"Good morning Agent Red Queen, Agent Black Wings and Agent Baboon." Sabi ni Director matapos nyang humarap sa swivel chair nya. Medyo natigilan sya nang humarap sya sa akin. Natawa sya ng konti. "My my, Agent Red Queen. You really love house clothes, dont you?"

Napanguso ako. Si Director talaga. 

"Nevermind. I have a very important mission for the famous Team Glasses." Nakangiting sabi ni director sa amin. Team Glasses refers to me, Mae and Sean. Lahat kasi kami, nakasalamin sa mata. 

"Just give it already." Mahinang bulong ni Sean. 

"We'll do our best, Director." Mae.

"See this girl?" Sabi ni Sir at nilapit ang screen sa isang babae. "Her name is Saya Konohana, the only daugther of the head of the Colorless Company. I'm sure you heard about the Colorless Company, right?"

"Yes, sir. Sila po yung mga palihim na gumagawa ng mga delikadong technologies, hindi po ba?" Sagot ko

"Bravo. Now I would like you, Rury, to get close to Saya, so you can get more informations from her family's illegal doings."

"No problem, Director. I can do that." Magana kong sabi.

"I like your determination. Naplano na namin ang lahat. Ang mga gamit mo, ang dorm mo, ang pagpasok mo sa school na pinagaaralan ni Saya at ang uniform mo." Nakangiting sabi nito tapos may nilabas na school uniform sa ilalim ng lamesa nya. Pero nagulat ako nang makita kong panlalaki ito.

"Sir, panlalake po iyan." Sabi ko habang nakaturo sa damit.

"I know." Nakangiting sabi nito.

"Sir, I know I'm not really girlish but... I'm a girl." 

"I know."

"B-But why is that---"

"Agent Red Queen, papasok ka sa Golden Ring Highschool bilang lalake." Narinig kong sabi ni Ms.Seri na kapapasok lang ng kwarto.

Halos malaglag ang panga ko. "HA?!" 

"Yes, Rury." Nakangiting sabi ni Director "Papasok ka sa school na yan bilang lalake."

"PERO SIR! BABAE AKO!" 

"Kung ayaw mong magpagupit, may dinevelop na magandang wig si Dr. Art para sayo." Sir Rei.

"PERO TEKA! Ang ibig ko pong sabihin, ang dami-daming lalaking pwedeng isabak dito ah! Pwede naman pong si Sean, Dominic, or si Akie! Bakit ako pa po?!" Reklamo ko.

"Oy, wag mo nga akong idamay. Tsk." Sean.

"Agent Red Queen, ayon sa research namin about kay Saya... she likes smart, gentle and cute boys who are a bit taller than her." Ms. Seri

"Pero teka muna! Babae talaga ako eh! H-Hindi pedeng--"

"Sa agency natin, ikaw lang ang may kayang maging ganoon, Rury. I trust you." Director

"H-Ha?!" Nanlulumo kong sabi.

"Don't worry, Rury. Hindi ka naman namin pababayaan." Mae.

"You guys know about this, right?" Sabi ko sa kanya. I fell from their trap! They already know this from the start at hindi man lang nila sinabi sa akin!

"Hehehe." Napangisi na lang si Mae sa akin.

OH HINDDDEEEEEE-EERSSSS!! 

-----------------------------------------------

Code Name: Agent Redحيث تعيش القصص. اكتشف الآن