Diary ng nagbibinata

152 3 7
                                        

PART 1

Dear diary,

Sabi nila kabaklaan lang daw ang mga lalaki kapag nagda-diary. Hindi nila alam na hindi naman required and gender para sa diary. Ang mahalaga, sa diary, you can keep memories and anything. Putang ina lang talaga ng mga nagsasabing bakla ang mga lalaking nagda-diary.

Rafael delos Santos ang pangalan ko. Aaminin kong 'di ako kagwapuhang lalaki. Pero may mga nagsasabi rin sa'kin na may itsura rin daw ako. Pwede ba 'yun, e halos lahat naman ng tao may itsura.

Matangkad ako at maputi. Medyo singkit din ang mga mata ko. 'Yan ang makakapagdescribe sa pisikal kong itsura. Pero ang mas matindi, malandi daw ako at malibog. That was they said that described me the best. Mga tao nga naman talaga ngayon, huhusgahan ka nalang sa lahat ng mga ginagawa mo. Friendly lang lang naman ako diary.

May nagustuhan kasi akong babae. Sa loob ng dalawang taon siya lang ang nagustuhan ko. Iba lang talaga ang mga nililigawan ko dahil minsan niya na 'kong nireject.

Kaya nga daw malandi ako e.

Siya si Angel Villanueva. Babaeng nagpatibok ng puso ko. Naks! Napakacute at astig ng babaeng 'yan. Maraming nahuhumaling sa kanya kasi palatawa siya at magaling magpatawa ng iba.

Sa first expression ko sa kanya, mukha siyang demure at mahinahong babae. Pero kabaligtaran lang yung mga 'yon.

Nung freshmen students palang kami aaminin kong 'di ko pa masyadong napapansin yung kagandahan niya, pero napansin ko yun kasi naging seatmate ko s'ya.

Sobrang sweet niyang babae. Habang tumatagal naging close din kami at nakuha ko ung number nya. Pumara-paraan ako diary. Wala e. Ganu'n talaga.

Kinagabihan nu'n nung nakuha ko ang number niya, syempre tinext ko siya agad.

"Hi" Hindi ako yung klase ng tao na padalos-dalos. Syempre, step by step 'yan.

Agad namang s'yang nagreply "Hello"

Marami kaming napag-usapan diary. Parang ako yung slambook tapos siya yung tagasagot. Andami kong tinanong sa kanya. Interesado kasi talaga ako na makilala siya ng lubusan. Pucha, binata na talaga ako nu'n.

Andami kong nalaman sa kanya. Nalaman ko pa ngang KPOP fan siya ate EXO stan.

Pagkatapos ng mahaba-habang tanungan, humakbang na 'ko sa STEP 2.

"Angel, pa'no pag sinabi ko sayong mahal kita? Anong gagawin mo?" Hindi pa naman talaga ganu'n kabilis ang nararamdam ko sa kanya. Infatuation palang 'to. Binata e. Haha. Gusto ko lang talagang malaman ang magiging reaksyon niya.

"Shunga. Gagawin o itetext?" Reply ni Angel.

Agad naman akong napahiya sa sinabi nya at sinabi ko na lang na "Ano nga?"

Matagal siyang di nagreply. Maya-maya lang natanggap ko na din ang reply niya, "'Di ko alam"

Pucha lang. Nainis talaga ko diary. Ang tagal kong naghintay tapos tatatlong words lang yung nireply niya.

Nagreply nmn agad ako at sinabing "Ah, try ko ah?"

Di pa siya nagrereply at cnabi ko nang "Mahal kita"

Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko diary at bigla ko nalang natext kay Angel 'yun. Kakikilala ko palang sa kanya tapos ganu'n na agad. Ang alam ko lang kasi ay CRUSH palang 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Pero tang ina lang talaga. Nainis ako sa reply niya.

"HOY! First year ka pa lang wag kang malandi!"

Hindi ko alam kung ano pero siguro rejection na agad yung natanggap ko galing sa kanya. Siguro nga tama naman 'yun kasi kakakilala ko palang sa kanya. Tss. Tang ina ang tanga ko.

Nasaktan dahil tanga,

Rafael

Diary Ni RafWhere stories live. Discover now