Shawn's POV
Naglalakad ako palabas ng kwarto ko at nagmamadali dahil ayaw kong malate at maslalong ayaw kong mapagalitan ng Professor ko. Masungit pa naman yun eh, Aba! Oo nga Pala no!
Nakita ko sa group chat namin na ngayun pala ipapass yung Personal Info namin sa English! Ako lang ata ang hindi nakagawa nito ehh, Naks, malilintikan nanaman ako dun, Lalo na kasi napakaterror ng professor naming dun... Makaligo na nga, di na ako kakain.
"Mommy! alis na po ako!"
sana naman may mahanap akong taxi ngayun Lalo na at Hindi pwedeng pumasok ang mga taxi dito sa Subdivision namim..
Yung kotse ko hindi pinapagamit saakin ni Daddy kasi di niya ako pinagkakatiwalaan, Pinagdridrive niya lang ako kung kasama ko siya. Di naman na ako bata diba? hay..
Malayo pang lalakarin ko, Nasa dulo kasi ng subdivision yung bahay naming kaya medyo malayo layo pa.
"Shawn!"
Napanginig pa ako sa gulat ng may tumawag bigla saakin ng malakas, Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko kaklase at bestfriend na din siguro.
"Nakakagulat ka naman Van!"
"Oops Pasensiya na, Jump in!"
Pinasakay niya ako sa sasakyan niya, Malapit lang kasi subdivision nila saamin, madadaanan niya yung subdivision naming bago yung University.
"Bat ka nga pala napadaan dito Van?"
" Ako? Susunduin ko sana si Loisa ehh"
Ahhh yung Girlfriend mo na kapit bahay ko pa. Sabay kaming tumawang dalawa...
"Nga pala Van! nagawa mo ba yung Personal Info na ipapakita kay mrs Cajalno?"
"Hindi ehh, Kelan ba ako gumawa?? "
"hay buti nalang may kasama akong mapapagalitan"
"Loko ikaw lang mapapagalitan Shawn ahahaha Diba may atraso pa saakin si Sir?"
" Oo nga pala, Lagot ako nito..."
Nang pagdating namin sa Campus pinababa na ako ni Van sa Building at magpapark pa daw siya, Di ko na siya Hinintay kasi malalate na din ako sa First Class ko, Tumakbo ako ng Mabilis para makaabot pa ako...
"Mr. Madelo, Why are you late?"
"Sorry Sir, I woke up late because of last night"
"Ahh ok, Take your seat."
Pumunta na ako sa upuan ko sa pinakagilid sa harap, katabi ko yung mga matatalino kong classmate kaya medyo tumataas na din yung grade ko Hahaha,
"Shawn, Ano ginawa mo kagabi?" Tanong ng kaklase ko na si Raemon with a smirk in his face.
"Wala ka na dun pre, making ka nalang" Sumbat ko ng may pagsusungit.
Pagkatapos ng klase at dumiretso kami agad ng mga Tropa ko sa canteen, Sila Kyro, Ylliron, at si Jest.
"Mga pre Narinig niyo ba yung sinabi ni Shawn?" Sabi ni Kyro habang ngumingiti ng sarkastiko.
"Oo nga hahah ano kayang ginawa niyan kagabi?" Sambit ni Jest.
Tinignan ko lang silang dalawa gamit ang fierce attack ko.. Tumigil naman silang dalawa kaya nagsmirk ako.
"Nasaang Parte kaya ng Mundo yung si Van? Kasama mo ba siya kanina Shawn?" Tanong ni Ylliron.
"Oo, Nanggaling siya sa subdivision naming, Nililigawan niya ata si Loisa ehh hahaha" Sambit ko..
Umalis si Kyro at si Jest dahil pupuntahan nila mga Girlfriend nila so.. kami nanaman magkasama ng Tahimik na mokong ito,
"Hey Ylliron! Kelan mo balak manligaw kay Jhoane?" Tanong ko sa kanya ng may unting kantsaw na ngiti...
"Duhhh Ikaw nga andaming nagkakagusto sau choosy mo pa, Kala mo naman kung gwapo talaga ehh no" Sabay kaming tumawa ni Ylliron.
Nagpalipas oras kami ni Ylliron sa Starbucks café na malapit sa building naming dahil 3 oras na wala kaming klase... sinabayan niya pa ng pagvlovlog.. Vloger kasi siya at YouTube sensation...
Naglalaro lang ako sa phone ko at nagmumusic para di ko marinig yung mga kalokohan na pinagsasabi niya sa Vlog niya...
Here He comes... Nakita naming sa malayuan si Van at may kasamang Babae... Ehh impossibleng magustuhan siya ni Loisa kasi di niya naman talaga Type si Van ehh, Pero sino kaya yung Babaeng yun???
Si Loisa nga kaya?
YOU ARE READING
I met her because of you.
RomanceI met a girl just because of my fvcking classmate!? Pero salamat na din at nangyari yun, Yun ang dahilan kung bakit ko siya nakilala ehh. Siya na nagbago ng aking buhay, Siya na minahal ko ng Tunay, At siya na aking Tagumpay. By the way I'm Shawn Ma...
