Nang nakauwi na sina Tita Cleo, hinarap ko si mama.
"Ma. "
"Anak, alam ko na yang sasabihin mo. subukan mo lang."
"my God ma, kayo na po ang nagsabing hindi nagbabago ang puso!"
"bakit anak?alam mo na ba ang ibig sabihin ng sinabi kong yan?"
natahimik ako at medyo nag isip. . nang medyo di ko na talaga kaya, eto na ang naitanong ko sa kanya
"ma, gaano ba kaimportante na makasal ako sa isa sa mga anak ni tita Cleo?"
"mahalaga yan para sa akin, para maging panatag ako pag akoy nawala. . . kesa naman kung sino sino na lang ang mapangasawa mo, na hindi ka naman sigurado sa pagkatao."
Hindi na lang ako nagsalita, ayaw ko ng magdebate kami ni mama.
Marami na kaming pinag-awayan ni mama, paminsan minsan hindi ako sumusunod sa knya pero sa pagkakataong ito Hindi ko siya pwedeng suwayin. Baka hindi kayanin ng puso nya, at mamatay siya dahil sa akin. . . Ano kaya ang magiging buhay ko pag pinakasalan ko ang taong hindi ko naman minamahal. Asan ka na kasi Ernest? bakit kasi hindi na lang ikaw? baka kaya kitang pag tiyagaan. pero hindi nga sya dumating, malamang ayaw nya din ang ideyang ipapakasal sya sa akin.. hmmmmp, kung ayaw mo sa akin, ayaw ko din sayo..
Habang nakahiga na sa aking kama, biglang nagsalita si Kim na akala koy tulog na
"bru, ano plano mo?" tanong nya.
"wala pa nga eh"
"bru ituloy na natin yung out of town natin?"
"ano naman ang sasabihin ko kay mama?"
binatukan ako ni kim!
"bruha ka talaga, di mo ba alam ang salitang 'barter'? dapat sabihin mo kay mama, na bago ka magpakasal kay Aaron dapat kilalanin mo muna sya? at panu mo sya makikilala kung palaging nakafront liner silang dalawa ni tita Cleo?"
"so, kailangan kasama si Aaron sa bakasyon natin?hmmmm, parang. . " di pa ako tapos magsalita nang bigla syang sumabat.
"kung wala kang gusto hindi ka matutukso!"
"BRRRUUUHHHAAA!!" napasigaw ako sa excitement "perfect! at habang nasa bakasyon tau, dapat kong kausapin si Aaron na mag back out sa kasal"
"uhuh!!! in that way, wala kang kasalanan sa pagbreak ng kasunduan!"
"ang genius mo talaga! bruha!!"
"kaya matulog ka na at simulan natin mga plano natin tomorrow!"
Napapayag namin si Mama na magbabakasyon kami ng 2 linggo. At syempre ininvite namin si Aaron at sumama din naman sya. Siya din ang nag suggest kung saan kami pupunta. Habang nasa biyahe kami, may katext si Aaron. Nung napansin nya ako na napansin ko syang may ka-text ang sinabi nya lang ay "katext ko yung friend ko na pwede nating tuluyan sa Baguio"
"naks akala ko kararating mo lng dito sa pinas, meron ka na agad friend, at nasa Baguio pa talaga!" pambabara ni Kim.
"actually family friend namin sya. Bago pa man kami mag migrate sa Australia, kaibigan na namin ang pamilya nila." paliwanag ni Aaron
"ah, parang si Mama at Tita Cleo lang noh?"
"oo pero sa father side"
Natapos ang usapan at nakarating na kami sa aming destination "BAGUIO CITY!" sa mismong town house ng friend ni Aaron.
Ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mga pisngi kaya pinakiramdaman kong mabuti at may papikit pikit pa ako para mas feel na feel ang pagnamnam ko sa sariwang hangin. hanggang namalayan kong may kumukuha ng larawan sa akin. Bumababa ako ng terrace at hinarap ko ang lalaking kumuha ng picture ko. sa gulat ko, ay napisigaw tuloy ako.
