GETTING TO KNOW YOU

10 0 0
                                    

So ayun nga hindi pa ako nagpapakilala  HAHA I'm Keshia Dela Torre, FilAm ako half Filipino and Half Amazing charr (just kidding) puro filipina ako.

*FLASHBACK*

After ko ma-confirm yung request ni Kian ay biglang chinat nya ako

"Hi☺️"
Eh? common. Nagreply naman agad ako pero yung reply ko straight to the point
"Hello! Paano mo pala nalaman pangalan ko?"

"Uhm, sorry tinanong ko kay Janine,o baka galit kana nyan? Hihi"

"Ah hinde ah! Okay lang,sige kakain muna ako"

"Sige,eatwell"

At doon na natapos yung convo namin. Ay onga pala si Janine ay isa sa kaibigan ko sa classroom actually apat kami, yung dalawa ay sina Kate tsaka Camille wala pang isang linggo bestfriends na kami tangina lang noh? HAHAHAHA djklang.

After ko kumain ay natulog na agad ako dahil nga may pasok pa kinaumagahan.

*END OF FLASHBACK*

@School

As a usual day friday ngayon kaya medyo tamad na akong makinig sa last subject namin which is mathematics. Hate ko yung math since elementary kaya wala talaga akong balak makinig kaya kunwari May naintindihan ako nung nagtanong teacher namin. At ayun dismissal na kaagad.

Pauwi na ako at kasabay ko sina Janine,Camille at Kate nang makasalubong namin si Kian nung pababa na kami galing sa 4th floor (paakyat po sya )  hindi ko alam kung saan galing yon kaya nag'smile ako sa kanya at ganon din ang ginawa nya. Bigla ko nalang narinig na nagsalita si Janine

"Nako! Alam nyo ba yung si Kian, kakabreak lang nila ng girlfriend nya kaya ayon laging nagcucutting classes para lang bumaba at suyuin ulit yung ex nya pero hanggang ngayon hindi parin sya pinapansin"

"Bat sila nagbreak?" -Camille

"Ewan,ang alam ko 1week lang tinagal nila pero mahal na mahal nya yung ex nya kaya di siya maka move-on" -Janine

"Tama na nga yang usapan nyo at umuwi na tayo,hayaan na natin sila HAHAHA" -Ako

"Oo na tara,hinahanap na din ako ni mama e" -Kate

Si Kate yung tipo na laging under ng parents niya kasi Only Child lang sya kaya sobrang strict nila.

Si Janine naman yung madaldal at medyo may pagka-flirt pero maasahan.

Si Camille yung sobrang close ko sa lahat kasi siya yung kauna-unahang naging kaibigan ko at siya yung tipo na "Partner in Crime" ko kahit kakakilala ko palang sa kanya.

At ako naman yung tipo na sobrang tahimik sa una pero kapag naging close na kita ay mahahawa ka sa mga kabaliwan ko at yun ang gusto nila sa akin mwehehehe😈😂✌🏻️

Mutual to StrangerWhere stories live. Discover now