Kami telah memperbarui Pedoman Konten kami.
Tinjau pedoman terbaru untuk terus berbagi cerita dengan aman.

OS

15 1 0
                                        

"Niko!" sigaw ko kay Niko kasabay ng pagtakbo ko papunta sa kanya. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan sinasabi niyang lugar niya. Isinama niya ako dito bago siya umalis ng probinsiya.

Didiretso na raw kasi sya sa Amerika eh, Yung tatay niya kasing kano ay gusto silang pauwiin at magsamasama nila Tita Selba.

"Niko saan ba tayu pupunta?" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Basta malapit na tayu." sabi niya at patuloy sa paglalakad. Hinahawi niya pa nga yung mga halaman na matataas eh.

Paulit-ulit a niyang sinasabing malapit na daw kami, pero mag kakhating oras na kaming naglalakad pero wala parin.

"Niko! " Pag-iinarte ko.

"Eto Nika!" Sabi nito sa akin at hinawi nito ang pinakamataas na halaman. Sumilip ako mula sa likuran nito. Nasilayan ko ang ganda ng kalangitan nito, mga butuin na nagkikislapan na animoy hinihikayat akong pagmasdan sila. Maaliwas kung panonorin ito. Dahil sa walang ulap ang nakaharang dito.

"Ang Ganda." Naiusal ko sa kanya.

"Sabi ko naman sa iyo eh, Magugustuhan mo." Pagmamalaki nito sa akin. Napatingin ako sa bilugan na buwan at mga nagkikislapang bituin.

"Nika."

"Hmmm?"

"Mangako ka sa akin, Sana pagbalik ko, may babalikan pa ako Nika." Sabi nito sa akin.

tumingin ako sa kanya, sa mga mata nitong maganda at kakaiba.

" Hihintayin ko ang pagbabalik mo." Sabi ko sa kanya. At naluluha pa ako ng sinabi ko ang mga salita naiyon sa kanya

10 years later.

Madalas akong nagpupunta dito sa lugar kung saan sinabing taguan ni Niko.

Medyo nagulat pa nga ako, nung nalaman kong may nakabili na ng lupain na ito eh. Pero kahit ganon ay pumupuslit parin ako dito para tumambay dito tuwing gabi. Medyo napapadalas na nga ako eh kasi baka sa susunod ay wala na akong madatnan dito.

"Oy may shooting star." sabi ko sa sarili ko, ginawa ko yung bagay na sinasabi ni Niko, kapag daw nakakita ng shooting star ay humiling nang bagay at sabihin ito ng tatlong beses.

"Sana dumating na si Niko, nami-miss ko na siya eh." sinabi ko ito ng tatlong beses, ramdam ko ang luha sa pisngi ko at ramdam ko din ang pagmumugto ng mata ko. Miss na miss ko na talaga siya. Hindi niya na kasi ako nasusulatan mula ng matapos ang 2 taon. Umuwi nga siya non eh kaso saglit lang daw sila non dito dahil didiretso sila sa Maynila dahil may bahay daw sila doon. Nakakainis nga eh kasi hindi naman niya ako naisip dalawin sa paaralan namin.

Agad na lamang siyang umalis hindi nagpakita sa akin. Nung una nakakatampo pero sa huli hindi ko rin maiwasan dahil ang sabi nagmamadali daw sila.

"Nika ikaw ba yan?" kabado akong napalingon sa aking likuran at nakita ko ang isang matipuno at maamong mukha ng isang lalaki. Malalim ang boses nito at matangkad ito kesa sa akin.

"Niko?"

"Nika!" 

"Niko!" biglang sumilay ang ngiti sa aking mukha ng makita ko si Niko, at nagmadaling tumayo at tumakbo papunta sa kanya. Nagyakapan kaming dalawa at dahil doon ay naamoy ko yung amoy ng isang mamahaling cologne.

"Nika Long time no see." Sabi nito sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Kamusta buhay ng isang mayaman?" pangangamusta ko rito.

"Mayaman ka diyan, Eto isa na akong engineer, natupad ko na rin ang pangarap natin, Nika." Bakas ang pagkagalak sa kanya dahil natupad niya na rin ang pangarap niya maging isang Civil Engineer. Pangarap niya kasi magkaroon kami ng bahay "Ikaw?" Medyo napaatras pa ako sa tanong niya na iyon, dahil alam kong magagalit siya sa akin kung sasabihin ko ito sa kanya.

The Shooting Star (One Shot Story)Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang