10:29 pm

1 0 0
                                        

lintek yan.
ito nanaman ako

nandito nanaman ako sa harap nung hapag kainan namin
sa hapag kainan naming puno ng nagamit nang plato
hipon pa yung ulam namin
nakakagigil dahil ang hirap nitong balatan ang ang sarap nitong lamutakin

na kahit pagod ako dahil sa eskwela o dahil sa pinapatupi na isang bundok na tupiin ni mama
eh kailangan ko pa ding hugasan to para hindi ipisin mamayang umaga??

nakakaloka
pagod ang aking katawan, nababad ang aking mata
nababad sa cellphone dahil sa kakabasa ng storya ni phoenix cardova

pero ito ako.
sinusulat yung nararamdaman ko
na dapat ngayon ay naghuhugas nako ng sandamakmak na plato
pero wattpad pa din yung inuuna ko

ito na talaga
ito na ang huli kong linya para sainyo
kukulubot nananaman ang balat ng aking mga daliri
na ayokong mangyari
pero kailangan gawin
dahil kapag hindi nahugasan pagbubunganga ang aabutin

random thoughtsWhere stories live. Discover now