"Kailan ko sinabing mahal kita??"
"Pinaasa lang kita. Di mo ba narinig? "
" Napakaplain mo. Tao ka ba?"
" WALA KANG KWENTA!!"
Paulit ulit na tumatakbo sa utak ko. Paulit ulit na sumasaksak sa puso ko. Lahat na lang ba? Lahat na lang ba ang turing sakin ay isang basura? Isang walang kwentang tao na nabuhay sa magulong mundong ito. Isang plain na tao na kahit kailan ay walang magkakagusto. Na palagi na lang ako lolokohin? Sasaktan? Paglalaruan? Eto na nga ba kapalaran ko?
Andito ako sa isang playground,eto ang place kung saan ko sinagot ang pinakauna kong minahal. Binigay ko lahat lahat sa kanya. Pagmamahal, pera, luho, tiwala, at pati na rin ang puso ko. At dito niya rin winasak ang puso ko. Monthsary pa man din namin. Gumawa pa ako ng surprise para sa kanya. Hahaha nakakatawang isipin na lahat ng effort ko ay nabaliwala lang niya. Lahat lahat ginawa ko. Nagpakaalipin ako, binago ko ang sarili ko para sa kanya. Pero eto iniwan pa rin niya ako. Pati luho niya binigay ko, kahit na hirap na hirap na akong humanap ng pera. Nagtratrabaho ako sa edad kong ito para sa mga luho niya. Ginawa ko ang lahat pero eto ako iniwan ng pinakamamahal ko.
Sobrang sakit, akala ko siya na. Yun pala trip trip lang un nila. Niligawan niya ako para sa kotse. Ang sakit! ang sakit sakit. Bakit niya pa pinaabot ng 6 months. Bakit hindi pa 3 months bakit 6 months? Kung kailan nahulog na ako sa kanya ng tuluyan. Hindi ko ata kakayaning wala siya.
Napakasakit, pero kailangan kong tanggapin. Tanggapin na hindi na siya sa akin. Na wala na akong karapatan. Na laro lang ang lahat.
" Lord, sana po makayanan kong wala na siya sa buhay ko. Sana bumalik na ang buhay kong tahimik. At sana Lord kayanin ko."
Andito ako sa swing, paborito ko dito kasi feeling ko dinadamayan ako ng hangin kapag nagswiswing ako. Ang daming memories ko dito. Isang malungkot na ngiti lang ang binigay ko sa langit. Papa God sana po tulungan niyo ako.
Moving on is not easy. Minsan maiistuck ka na lang dahil sa masasayang memories niyo. Pero palagi mong iisipin na may dahilan kung bakit ka niya iniwan. Hindi siya ang para sayo. At palagi mong tatandaan na si God ay palaging andyan. Mahalin mo siya at siguradong hindi ka niya sasaktan. And once you moved on hindi ka na masasaktan. Just keep moving forward.
VOCÊ ESTÁ LENDO
WAN SHUTS
DiversosAng mga wan shuts na ito ay para sa lahat. Lahat ng stories ay mula sa magulo kong isip, may sakit na puso, at base sa nararamdaman ko. Kung meron mang may kapareha ay hindi po sadya yun sapagkat alam ko naman pong masamang mangopya. Sana ay magust...
