Nasa antique shop ang mag-kasintahang sina Eloisa at Ramil upang maghanap ng kakailanganin nilang gamit para sa nalalapit nilang kasal.
Hindi naman sa wala silang kakayahang bumili ng bago o kung ano pa man, ang nais lamang nila ay maging praktikal.
Mas marami pa kasi silang magagawa sa pera kung ito ay gagamitin nila pagkatapos ng kanilang kasal.
Isa pa ay simpleng kasal lamang naman ang magaganap sa pagitan nila kaya mas minabuti nila na ganun na lang ang maging set-up ng lahat.
Sang-ayon naman ang kani-kanilang pamilya sa balak nila. Tutal ika nila ay nasa mag-kasintahan na ang desisyon.
"Ano po bang kailangan nila?" anang Sales Lady na lumapit sa kanila ng mapansing ginagala nila ang kanilang paningin sa loob ng tindahan.
Mangilan-ngilan lamang ang customer nung oras na yon.
Tumikhim muna si Ramil bago nagsalita "Actually kailangan namin ng future wife ko ng mga kakailanganing gamit para sa nalalapit naming kasal".
Tumango-tango muna ang Sales Lady bago muling nagsalita "You're in the right place po. Marami nga po kami dito nyan. Sumunod po kayo sa akin para maipakita ko sa inyo" anito pa sabay lakad papunta sa gawi malapit sa counter.
Nang makalapit na sila ay isa-isang ipinakita sa kanila nito ang mga gamit na kailangan nila, mula sa maliit na unan, aras, pouch. Name it meron sila non.
Nang makapamili na ng bibilhin ang magkasintahan ay may biglang naalala si Eloisa "Babe, wedding ring pa pala!".
"Ay oo nga pala, muntik na nating makalimutan" kakamot-kamot sa ulong sabi pa ni Ramil "Miss, may wedding ring pa ba kayo diyan na tinda?" pagkuwa'y baling nito sa Sales Lady.
"Naku, nahuli po kayo ng dating. Last pair na po yung nabili kanina eh." sagot naman ng Sales Lady.
"Ah ganun ba? Eh di sige sa iba nalang kami maghahanap." ani Ramil "Okay na siguro yang mga napili namin. Sa counter na lang ba?" tanong pa niya sa Sales Lady.
"Opo. Salamat po." magalang na tugon naman nito.
Tumango sina Ramil at Eloisa dito bago dali-daling naglakad papuntang counter na karatig lamang naman ng lugar kung saan sila dinala ng Sales Lady.
"Miss, magkano lahat?" ani Ramil na dumudukot na sa bulsa upang kunin ng pitaka niya matapos na makwentang lahat ng Cashier ang pinamili nila.
"Bale 3,585 po lahat" sagot naman nito.
Iniabot naman ni Ramil ang 4 na tig-isang libo sa Cashier "Eto oh!" aniya pa "Ah Miss, may alam ka pa bang antique shop dito na malapit? Kulang pa kasi kami ng wedding ring eh" pagkuwa'y tanong niya dito habang inaabot ang sukli niya mula rito.
Sasagot pa sana ang Cashier nang biglang may babaeng lumabas mula sa pintuang nasa likod lamang ng counter. Natatakpan ito ng kurtinang kakulay halos ng dingding kaya hindi punadong pintuan ito.
"Wedding ring ba kamo?" anang babae na ikinalingon nilang lahat sa counter "Meron pa ditong isang pares" ang magiliw na sabi pa nito sa dalawa.
"Ganun po ba? Sabi kasi nung Sales Lady nyo last pair na daw po yung nabili kanina" ani Eloisa sa babae na pasimpleng sumulyap pa sa Sales Lady na nananatili pa din sa pinag-iwanan nila dito kanina. Nakatingin din ito sa kanila na parang may takot. Ipinagwalang-bahala lamang ni Eloisa ang nabakas sa mukha ng Sales Lady at humarap na muli sa babae.
"Marahil ay hindi lamang alam ng aking Sales Lady na meron pang isang pair na nalalabi dito sa loob" sabi pa ng babae ng muling ibaling ni Eloisa ang tingin dito "Gusto nyo bang makita ang sinasabi kong wedding ring?" patuloy nito.
"Kung pwede ho sana para hindi na kami maghanap pa sa ibang antique shop" ani Ramil na natuwa sa nalamang may wedding ring pa pala.
"Saglit at kukunin ko" anang babae at pumasok na muli ito sa loob.
Hinawakan ng Cashier ang braso ni Eloisa na malapit sa kanya matapos na umalis ang amo nito. Napatingin naman si Eloisa dito. Tama ba ang nakita niyang simpleng pag-iling nito? Isa ba itong indikasyon na pinipigilan sila nitong bilhin ang naturang wedding ring?.
"Eto na ang mga singsing" anang babae matapos na kunin sa loob ang naturang mga singsing. Mabilis namang inalis ng Cashier ang kamay nito sa braso ni Eloisa.
Tumingin muna si Eloisa sa Cashier bago sa babaeng kaharap "Pwede po ba naming mahawakan?" aniya sa babae.
"Oo naman" ang magiliw na sagot naman nito.
Iniabot na nga nito sa kanila ang singsing.
Sinipat naman nila maigi ito.
Base sa nakita nila, kulay gold ito, may simpleng design at mukhang pasadya ito na kusang sasakto sa palasingsingan ng magsusuot. May adjust-an kasi ito kaya maliit o malaki man ang palasingsingan mo pihadong kakasya ito sayo. May nakalagay pa sa inner side ng singsing na "My Forever Husband" at "My Forever Wife" pero walang wedding date.
Matapos na makita ito ay ibinalik na nila ito sa babae.
Ngiting-ngiti naman nitong tinanggap ang iniaabot nila. "Ano nagustuhan nyo ba?" pagkuwa'y tanong nito sa dalawa.
Tumingin muna si Ramil sa nobya "Kukunin na ba natin Babe?" tanong niya dito..
Huminga muna ng malalim si Eloisa at pasimple na muling tumingin sa Cashier na kunwa'y busy na sa ginagawa bago ito nagsalita "H-Huwag na Babe. Hanap na lang tayo sa iba".
"Saang iba? Eh wala na nga yatang malapit na antique shop dito eh. Saka remember one week nalang kasal na natin" ani Ramil.
"Gusto nyo bibigay ko sa inyo ang mga ito sa napakamurang halaga" singit naman ng babae.
"Oh ayan narinig mo? Makakadiscount tayo dito ng husto Babe. Ayaw mo ba non?" si Ramil.
Bumintong-hininga si Eloisa. Tila yata desidido na ang nobyo niyang bilhin ang naturang mga singsing.
"Magkano nyo po ba ibibigay sa amin?" baling ni Ramil sa babae.
"Isang libo lamang para sa dalawang singsing" sagot nito "Pure gold yan at talaga namang mahal yan kung sa iba mo bibilhin" patuloy nito.
"Narinig mo Babe? Kunin na natin ha!" ang natutuwang sabi pa ni Ramil sabay dukot ng isang libo sa wallet.
Tututol pa sana Eloisa kaso ay naiabot na nga ni Ramil ang bayad dito.
"Ah mawalang galang na po, bago po sana namin tuluyang iuwi ito. Nais lang po sana naming malaman ang pinagmulan ng mga singsing na ito" ang curious na tanong ni Eloisa.
"Mahalaga pa ba yon Hija? Di ba't ang mahalaga naman ay may magagamit kayo?" sagot naman ng matanda na ikinakunot ng noo ni Eloisa.
"May something sa mga singsing na ito ramdam niya iyon" sa loob-loob pa ni Eloisa.
"Nga pala, huwag na huwag nyong huhubarin ang mga singsing na yan kahit anong mangyari matapos ng inyong kasal ha! Alam nyo na pamahiin" sabi pa nito sabay pasok na sa loob.
"Ano daw? Bawal hubarin?" ani Eloisa na napatanga na lang sa tinuran ng babae.
"Oo daw. Haha pamahiin talaga. Tayo na nga at baka gabihin na tayo" yaya naman ni Ramil matapos na bitbitin ang lahat ng pinamili nila.
"Sundin nyo nalang yung bilin ni Madam para hindi kayo mapahamak" anang Sales Lady na naulinigan pa ni Eloisa ng mapadaan sila sa gawi nito.
Habang naglalakad palabas ng shop ay hindi tuloy maiwasan ni Eloisa ang lingunin ito ng may pagtataka. Bakit ganun ang sinabi nito sa kanya? Ano ang hiwagang meron sa naturang mga singsing?.
YOU ARE READING
The Wedding Ring
HorrorAng kanilang sing-sing na nabili ay may sikreto palang ikinukubli. Published/Start Date : End Date :
