ikaw at ako ngunit walang tayo

25 0 0
                                        

Mayroong ikaw at ako ngunit walang tayo
Binago mo ang mundo ko nang dumating ka sa buhay ko
Pinawi mo ang lahat ng lungkot at pinalitan ng magagandang alaala
Ngunit di ko inakala na ikaw ay panandalian lang pala

Akala ko noong una tayo ay magkakatuluyan na
Pero sa isang iglap ikaw ay nawala
Oo aaminin ko nasasaktan ako noong una
Ngunit sa paglipas ng panahon ako ay natuto na

Hanggang ngayon namimiss pa rin kita
Araw-araw ako ay umaasa
Ngunit anong magagawa ko kung masaya ka na
Masaya ka na sa piling ng iba

Mahal sana bumalik ang ating pagkakaibigan
Kahit hindi na ang ating pagmamahalan
Sana'y sa ating panandaliang kasiyahan na magkasama
Iyon ay mananatili sayo na isang magandang alaala

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now