JAYMIE
"Ibibigay mo o hindi?!"
"Pero senyorita..."
"GIVE IT TO ME!!!"
Dali-dali din naman niyang iniabot sa akin ang mamahalin kong damit na natapunan niya ng hot chocolate.
"Don't you know na mahal pa sa buhay mo itong dress ko na ito? You're fucking fired!!!"
"Please senyorita bigyan nyo pa po––"
"Get out! Get out of my house you wench!"
Mukhang narinig ng ibang maids ang mala-horror kong sigaw kaya dali-dali silang pumasok sa aking kwarto at inilalayan palabas ang sinesante kong maid.
"Senyorita pagpasensensiyahan nyo na po si Marie. Naninibago lang yung bata––"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni
Manang Mia dahil sumigaw akong muli.
"GET OUT OF MY ROOM! ALL OF YOU!"
Nakita kong nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat dahil sa sigaw ko. Yumuko ang ilang maids at lumabas na. Pero napansin kong hindi lumabas si Manang Mia kaya lumapit ako sa kanya.
"Is there anything wrong, Manang Mia?"
I asked her. Napansin ko kasi ang unneasiness sa mukha niya. Parang nanay ko na din kasi Manang Mia. Siya ang nagpalaki sa akin simula nang maghiwalay ang mga magulang ko.
"Wala hija. Nag-aalala lang ako dahil magagalit na naman ang iyong ama kapag nalaman niya ang ginawa mo." napabuntong-hininga siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Huwag po kayong mag-alala Manang. I can handle his anger towards me. Magpahinga na po kayo." nakangiti kong sabi sa kanya.
Nag-aalinlangan siyang tumingin sakin pero tumango lang ako at ngumiti. Pinagmasdan ko siyang lumabas ng kwarto ko bago umupo sa study table ko para ipagpatuloy ang naudlot kong pag-aaral. Ilang saglit lang ay natapos ko na ang binabasa ko at parang wala sa sariling napatingin sa kama ko kung nasaan ang dress na natapunan ng dati naming kasambahay ng inuming tsokolate.
The dress is precious to me. Bigay 'yon ni Daddy noong ako ang nakakuha ng matataas na grado at nanguna sa exam sa lahat ng subjects ko last semester. Nakakalungkot lang at napaka-clumsy ng bago naming maid at nadumihan niya iyon.
Sumapit ang gabi ng hindi ko namamalayan dahil sa naging abala ako sa pag-aaral. Nabulabog lang ako ng ingay sa sala kaya natigil ako sa pagso-solve ng isang Math problem. Rinig na rinig ko ang malakas na boses ng pinsan kong tinatawag ang pangalan ko.
"I'm home, Jaymie!" sigaw niya kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
I just stared at him blankly before standing up from my seat.
"What are you doing here, Suho?" I asked with my bitch face.
"Woah! Ganyan mo ba talaga ako kailangang salubungin. Walang ni hi ni ho or kamusta man lang diyan?" natatawa niyang sabi habang lumalapit sa akin.
Hindi ako sumagot at sa imbes ay umatras ako dahil alam kong lumalapit siya sa akin para magnakaw ng yakap.
"Tsk! Napa-suplada mo talaga! May sorpresa sana ako sa iyo pero mukhang ayaw mong makita." naka-ngisi niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko at isarado ang pinto.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nagtataka kong tinignan ang pintuan habang rinig na rinig ko ang nagsisimula nang ingay sa sala ng aming bahay.
What are you up to, Suho?
YOU ARE READING
He is Mine (Senyorita Series #1)
Fanfiction[EXO SHORT STORY FANFICTION] Jaymie Bellise Kim is not a proud cousin of one of the famous band member of a famous band in the country. Kahit magkasabay silang lumaki ni Suho ay hindi niya masasabing close sila ngunit ramdam naman niya ang pagmamaha...
