Georgina

913 9 12
                                    

Minsan napapaisip ako kung talaga bang nakatadhana akong maging forever alone.

Walang ka-honey-han. Walang ka-sweetheart-an. Walang ka-babe-han. Walang ka-HHWW. Walang ka-anniversary/monthsary/weeksary/daysary. Wala. Walang kasama kundi ang sarili ko lang.

Kaya kapag Valentine's day, ramdam ba ramdam ko talaga ang single's awareness day. Hindi naman ako gaya ng iba na sobrang inaatake ng kapaitan kapag Valentine's day.

Pero kasi, ganito na lang lagi every Valentine's day ang scenario, Kung hindi friends ang ka-date ko tuwing February 14, madalas sila mom at dad ang ka-date ko. Feeling ko pa panggulo ako sa mga magulang ko kasi dapat silang dalawa lang ang magkadate.

Why is life so unfair?

Forever alone na nga ako, nakuha ko pang magself-pity. I'm so pathetic. Tss.

"Georgyyy!"

I hate that nickname of mine. Georgy? Talaga?! Parang pinagandang term lang sa Ogre ng Shrek eh.

"Will you stop calling me that?" Iritableng sabi ko kay Laurice, best friend ko since childhood.

"Init na naman ng ulo mo eh. Kaya they're thinking na aloof ka." Cool na sabi niya at sumipsip sa straw ng pineapple juice niya.

"I really don't care, you know." Pa-irap na sabi ko

"Hay nako! You're a hopeless case. Rant ka ng rant na kesyo walang ibang nakikipagfriends or pumoporma sa'yo.. Eh, girl.. Kung ganyan ka rin lang naman kasungit, kahit ipis hindi susubukang lumapit sa'yo. Smile!"

Pilit pa niya iniistretch 'yung magkabilang sulok ng labi ko para ngumiti.

"There you go! Ganda mo kaya kapag nakangiti. Sabi nga nila, the best make up any girl can put on her face is their smile."

Laurice and her words of wisdom, quotable quotes and unending litanies.

"Ipinanganak ata ako sa sama ng loob kaya di ako marunong ngumiti."

"There's no such thing... Ah, basta. Simula ngayon, dapat laging kang nakasmile. Gayahin mo ako."

At nang magdumaang ka-batchmates namin ay binati at nginitian niya ang mga ito.

"See. It's easy! You smile at them and they will smile back at you. Sige, go try it." Hamon niya sa akin.

Nang may makita akong kakilala ko sa organization na member ako ay sinubukan kong ngitian sila pero unlike the positive result that Laurice got from our batchmate na todo smile din sa kanya. Sa akin, tango lang ang nakuha ko. And, take note, parang napilitan pang tango para lang hindi ako mapahiya ng sobra.

"I tried."

"There's a huge different between smiling ang smirking." Naiinis na sabi niya

***
Lunch break namin nung may mapansin akong papel na nakaipit sa notebook ko. Bubuksan ko na sana dapat 'yung papel na nakaipit kaya lang may bigla namang humigit ng papel sa kamay ko.

"Georgina, I just want to say hello. Sorry ah! If I'm not man enough to say hello to you personally. Nahihiya and at the same time natatakot ako eh...."

Hindi na natuloy basahin ni Laurice 'yung letter dahil hinablot ko na sa kamay niya 'yung papel. Basahin daw ba kasi ng malakas? Nakakahiya pati ibang tao nakikinig.

Unfortunately, napunit 'yung papel into two dahil sa pagkuha ko sa kanya.

"Why didn't you tell me about this, huh? Nagdadalaga na si Georgy!!" She exclaimed at kulang na lang ay magtatatalon siya sa galak.

Bitter sweet endings (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu