Harry Hari ng Sablay

7 0 0
                                        

Sabi nila opposite attracts.

Si babae malakas ang personality

Si lalaki mahiyain at napaka low esteem

Si babae matapang at walang inuurungan
Si lalaki duwag kasi para sa kanya di kailangan ng dahas
Si babae magaling sa lahat ng bagay
Si lalaki sablay sa lahat ng bagay

Paano kung mainlove si Hari ng Sablay sa isang dilag na binansagang Reyna ng Angas

At paano kaya nya mapapaibig ang babaeng mas lalaki pa sa kanya kung umasta.












"Cring......Cring......"
Senyales na ng uwian. Mabilis na nagsilabasan ang mga studyante na tila mga lagam na lumabas sa kanya kanyang lungga. Nag uunahan pa ang iba na akala moy uhaw na makauwi agad sa kani kanilang tahanan. Naglalakad mag isa papalabas ng paaralan ang isang batang magulo ang buhok at may  unting uhog pa sa ilong. Pansin sa likod ng  uniporme ng bata na may bakat ng sapatos. May sulat ng lapis at medyos gusgusin halatang pagod ito dahil bagsak ang kanyang balikat na may dala dalang malaki at mabigat na bag.

"Teka Harry wag ka muna umuwi may atraso ka pa sa kaibigan ko" sabi ng isang batang mataba na  akala moy maliit na sumo restler habang naka ngisi at sumusuntok sa palad. Bakas kay Harry ang takot sa kanyang mata alam nyang gulo na naman ang ibig sabihin nito.

"Ah Eh Bimboy hindi ko naman talaga sinasadyang matapunan ng juice si Bingo nadapa kasi ako kanina. Tignan mo may galos nga ako sa tuhod" sabay turo sa tuhod na medyo namumula pa dahil sa sariwang sugat.

"Ngindi ako nangingiwala sayo Ngarry ngalam kung ngalit ka ngasi kinunga ko ngassignment mo at pingalitan ko sa pangalan ko kaya ito nganti mo sa akin." Turo ni Bingo sa unipormemg masabuyan ng katas ng mangga.

May binulong ang bingot na bata sa kay Bimboy. Sabay lingon sa malaking gintong relo na suot ng bata.

"Mabuti pa Harry bigay mo nalang yang relo mo sa amin para di ka na namin pagbayarin sa ginawa mo kay Bingo" sabay turo sa batang may bakas ng naghilon na hiwa mula sa butas ng ilong hanggang sa kanyang labi.

"Hindi pwede Bimbo pagagalitan ako ni Inay"

"Nagpapangusot ka pa ha. Hangakan mo nga yan Bimngoy" agad naman hinawakan ng matabang bata si Harry na tila naka posas sa likod ngunit nagpumiglas ito hangbang aktong kukunin ni Bingo ang relo.

"Bitiwan mo ako Bimboy" Sa pagpupumiglas nito ay na headbat nya sa baba si Bimboy at nasuntok sa pisngi si Bingo.

"Aray bweset ka inuntog mo pa ako humanda ka"

"Sorry hindi ko sinasadya pasensya na talaga". Sabay takbo ni Harry dahil nakalingon sya sa dalawang batang naiwan ,  di nya namalayan ang isang malaking bato. Dahilan upang madapa sya.

Naabutan sya ng dalawang bata.

"Ngintik ngang ang wangang gangti" sabi ng bingot na bata kay Harry at akmang susuntukin sya nito.

Umuwi ang bata na may black eye hawak hawak ang basag na relo.

"Andayan ka na pala Harry bat ngayon ka lang nakauwi. Diyos ko ano nangyari sayo anak?". Hindi umiimik ang bata.

"Anak magsalita ka. Oh bat nabasag tong relo na binigay sayo ng Lolo mo. Diba sabi niya na pakaingatan mo yan. Baka multuhin kanun"

"Inay huhuhu talaga  mumultuhin ako ni lolo kasi nabasag ko to? huhuhu". Sabay yakap sa ina.

"Anak tahana. Joke lang yun ni nanay walang multo" habang yakap ang bata at hinihimas ang buhok.

"Ngayon sabihin ano ba talaga nangyari sayo. Diba sabi ko sayo bad ang magsinungaling". Tumango ang bata.

"Nay may umaway po sa akin sa school. Pilit kinukuhantong relo na binigay ni lolo pero di ako pumayag. Kaya nila ako binugbog, hindi ko din sila nilabanan nay kasi sabi sa akin ni lolo na hindi lahat ng bagay nadadaan sa dahas. Payo naman ni Itay Diyos na ang bahala sa mga taong may ginagawa sayong masama"

"Tama yun anak wag ka mag alala ihahatid kita bukas sa school kakausapin natin yang gumawa sayo nyan"

"Mrs. Ñeras and Mrs. Lorenzo ilang beses na po pabalikbalik ang mga anak nyo dito sa opisina ko. Ganitong kaso din anh ginawa. Naghaharas ng kapwa studyante pag di na pagbigyan ay bubugbugin ng dalawa" sabi ni Principal Soriano

"Ser pasensya na ho kayo dine sa anak kung si Bimboy eh. Mag mana siguro sa tatay nya na basagulero din. Ikaw Bimboy pag na ulit ere na pangyayari babalik talaga tayo sa probinsya.

"Sir sorry din po sa anak kung si Bingo hindi na po talaga mauulit."

"Talaga ho Mrs. Lorenzo. Hindi na yan makakaulit  dahil ultimatum na silang dalawa. Huling offense pa nila ay ma ki kick out na sila sa school. Ano ho nagkakaintidihan ba tayo mga misis?"

"Lekay kang bata ka ultimatum ka nanpag ikaw talaga nako nako sinasabi ko sabi" sabay kurot sa braso ng matabang bata

"Aray ma tama na masakit"

"Kay aga agang problema to Bingo. Hindi ka na natuto mamaya ka sa akin"

"By the way kayong dalawang bata say sorry kay Harry"

"Sorry na Harry di na kita aawayin pramis"

"Ngurry nga Hnarry di na ngita aagawan ngang assingment"

" Anak anong sasabihin pag may nagsorry?" Tumingin pa muna ang bata sa kanyang ina na may nakangiting pangkumbinsi

"Sige pinapatawag ko na kayo"

"Pasensya na rin ho Mrs. Sablay sa ginawa ng mga batang ere.

"Sorry mare ha kay lalaki ng Bingo ewan ko bat pinatulan yan si Harry na mas maliit pa sa kanya.

"Ok lang ho yun mga misis"

"Okey everybody is dismissed now.

Nagpasalamat isa isa ang mga ina sa Principal. Habang nakayuko lang buong oras ang dalawang batang may atraso kay Harry

" Bye po PS" habol na paalam ni Harry. Na tinugunan naman ng ngiti ng principal.

TBC..

Authors Note: SKL new author lang ako hahaha halata diba abangan ang mga twist 😂

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 01, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu Biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Hari ng Sablay Meets Reyna ng AngasHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora