Lukrecia was crying noong dumating na si Mr. Lee sa bahay niya. Thalia told her everything. Lahat-lahat.

"Naiyak lang aku kasi kenakabahan aku sa presscon. So pa'no ba 'to? Late na ba tayo?" she told Mr. Lee. Ngumiti lang si Mr. Lee bilang sagot sagot kay Lukrecia. Nasa may pintuan pa rin sila.

Mr. Lee held his hand towards Lukrecia. Walang pagdalawang isip naman iyong tinanggap ni Lukrecia. She grasped Mr. Lee's hand as tight as possible. She's afraid na baka iyon na ang huling beses na mahahawakan niya ang kamay ni Mr. Lee.

Habang binabaybay ni Mr. Lee at Lukrecia ang madilim na daan gamit ang Audi nito ay humahagulgol namang naiwan si Thalia sa loob bahay ni Lukrecia. Nagtago siya sa kusina noong dumating si Mr. Lee sa bahay nito. Takot na takot siya nang marinig ang boses ng ex-husband niya. Pero kahit ganoon, may parte pa rin sa pagkatao ni Thalia na gustong yakapin si Mr. Lee. She missed him so much. It has been ten years already matapos niya ito huling nayakap.

"By the way, you really look good with your new hair and with your new dress, kamuntikan na kitang hindi makilala," pagpupuri ni Mr. Lee bago sila bumaba ng kotse.

Lukrecia just smiled at Mr. Lee at napahampas na lang siya well chiseled na braso nito. "Sira!"

Nang makalabas ng kotse ay agad na naglakad si Mr. Lee at Lukrecia sa red carpet papasok sa hotel. A lot of photographers are taking pictures on Lukrecia. She was the lady of the night. Nag-outstand din ang ganda ni Lukrecia habang suot-suot niya ang fuchsia dress niya na kumikinang ang mga sequences kapag natatamaan ng ilaw.

"Just smile at the cameras," bilin ni Mr. Lee sa kanya. Awkward namang sinunod ni Lukrecia ang utos ni Mr. Lee. Nginigitian niya ang mga camera. Iyon nga lang, minsan ay nagwa-wacky siya at minsan naman ay nagpi-peace sign at nagfi-finger heart. Pinagtawanan lang siya ni Mr. Lee.

"Just relax. Just answer their question calmly," bulong ni Mr. Lee kay Lukrecia. Nakaupo na sila ngayon sa loob ng conference hall dito sa loob ng isang hotel na pagmamay-ari rin ni Mr. Lee. Cameras are flashing everywhere. Sobrang dami rin ng microphones na nakapatong sa mesa na nasa harap nila ni Mr. Lee. Sa table naman na iyon ay limang tao ang nakaupo. Si Lukrecia, si Mr. Lee at ang tatlong department heads nito. Mapapansin din na sa bawat sulok ng conference hall ay makikita ang naglalakihang screens kung saan ay mga mukha ni Lukrecia bilang endorser ang naroon.

The presscon was so successful that it aslo trended on the social media nationwide. Naging usapin bigla si Lukrecia sa mga status ng mga social media users. She is receiving good feedbacks and nice reviews for her debut endorsement. Nakakatawa raw ang endorsement na iyon at sobra ring unique.

"Congrats," Mr. Lee told Lukrecia habang sinasayaw niya ito rito sa rooftop ng hotel.

"Thank you rin Demunyo. Thank you dahil unang-una, noong magpapakamatay na sana ako sa tolay ay sinagip mo ako. Thank you dahil sa advertisements na 'to, nagkaroon ako ng pira." Nakatitig lang si Lukrecia kay Mr. Lee. She was like looking a galaxy full of stars. Ayaw niyang tigilan ang sarili niya titigan iyon.

"Thank you for also saving me Lukrecia. You just have saved me from the moments that loneliness is drowning me. You are my painkiller. My joy, and my happiness. You are a beautiful nightmare."

"Nosebliid," ani Lukrecia. Mr. Lee produced a genuine chuckle.

"My son already wants to meet you Lukrecia."

"Hmm. Kailan?"

"If possible, ngayon na."

"Puwedi kayang bukas nalang ng gabi Demunyo? Pagod na rin kaso ako e. Mag-dinner na lang tayo bukas ng gabi."

"Sige loves. No problem."

"Uhh, Demunyo?"

"Hmmm?"

"Pwedi ba na bokas sa dinner natin ay may isasama aku?"

"Sino?"

Ngumiti lang ng masakit si Lukrecia bilang sagot sa tanong ni Mr. Lee kung sino ang taong isasama niya bukas. The city lights still burn behind them as the cold breeze of the night is wrapping their bodies.

Maya-mapa pa, niyakap ni Lukrecia si Mr. Lee ng mahigpit na mahigpit. "I love you Demunyo. Mahal keta kahit saglit lang tayo nagsama."

"The way you tell it to me, pakiramdam ko, aalis ka." Hinawakan ni Mr. Lee ang mukha ni Lukrecia. Namugay ang mga mata nila nang magkatitigan silang dalawa.

Habang sinisisid nila ang parehong mga mata ay bigla namang nilapit ni Mr. Lee ang mukha niya sa mukha ni Lukrecia. And in a heartbeat, Mr. Lee planted a very deep kiss on Lukrecia's lips.

And while they are sharing that kiss, a thousands of meteor showers passed by up above the night sky. May dumaloy namang masaganang luha sa pisngi ni Lukrecia habang hinahalikan siya ni Mr. Lee. She needs to accept that some things that comes in here life are just temporary. Ipapahiram lang sa kanya saglit at babawiin na namang muli. Destiny is a b*tch, isn't it?

* * *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now