"Auntie? Bakit ka na naman naiiyak?" Nakasimangot nang tanong ni carlo. Siguro ay nagsawa na siya sa kakatanong sa'kin kaya nakanguso na siya ngayon.

Muli kong pinunasan ang aking luha atsaka ngumiti sa kaniya. "Natuwa lang ako kasi muli kong nakita ang lola mo." Sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

Mabilis namang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Muli akong bumaling sa lola niya na minsan ko na ring tinawag na ina. "Kinausap ka rin ho ba ng libro?" Tanong ko ng mahimasmasan na ako.

"Oo. Kinausap niya ako tungkol kay carlo." Malungkot siyang bumaling sa apo. "Kaya pala, iba ang galing niya sa pagbabasa noong isang taong gulang pa lang siya. Kaya pala makapangyarihan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya kasi siya ang napili ng libro." Alam kong katulad ko ay iniisip niya ring masyado pang bata sa carlo para sa ganitong klase ng responsibilidad. "Natatakot ako na baka hindi kayanin ni carlo." Nag-aalalang sabi niya. Kahit ako naman ay natatakot din.

"Kailangan na po siyang dalhin sa banal na silid ayon sa libro bago pa mahuli ang lahat." Sabi ko.

Mahina naman siyang tumango at binuhat si carlo. "Kaya nga ako nandito para ako mismo ang magdala sa aking apo roon."

"Paano po si ate rhian?"

"Kakausapin ko nalang siya. Ang importante ay ang buhay ni carlo." Determinadong aniya.

Tumango na lamang ako at tahimik na sumunod sa kaniya. Siya palang ang nakakaalam na nakakaalala na ako. Sana ay wag niya muna itong sabihin sa iba dahil may gusto pa akong alamin.

Yumuyukod ang mga kawal na nadadaanan namin kapag nakikita kami. Yumuko lamang ako at tahimik na sumusunod sa lola ni carlo. Ayoko mang ibigay si carlo sa libro ay kailangan. Hindi rin naman siya ikukulong ng libro at ipapahamak kaya kahit papano ay magaan sa loob ko itong gagawin namin.

Nang makapasok na kami sa banal na silid ay nakaramdam ako nang kaginhawaan. Muli kong naramdaman ang pagiging tao ko kaya't hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. "Binabawasan ng silid na ito ang enerhiya natin sa katawan upang protektahan ang kaniyang tahanan." Paliwanag ni ina.

Inilibot ko ang buong paningin ko sa maliwanag na silid. Napaka-ganda ng buong paligid. Maraming nagliliparang mga paro paro sa paligid na may iba't ibang kulay. Sa kabila nang nagpapaningning na mga paro paro sa buong kwarto ay mas nangingibabaw ang liwanag ng libro.

Napatingin ako kay carlo nang bitawan na ito ni ina. Nagniningning ang buong katawan niya at bahagyang nakaangat ang kaniyang katawan sa ere habang papalapit siya sa libro. "Nagsisimula na silang magka-isa." Seryosong saad ni ina.

"Magiging maayos kaya si carlo?" Alalang tanong ko.

"Oo. Hindi na siya pababayaan ng libro lalo na ngayon magka-dugtong na ang kanilanv buhay."

Nang mawala ang liwanag na bumabalot sa katawan ni carlo ay humarap siya sa'min. Tanging mga mata niya nalang ang nagliliwanag.

"Protektahan ninyo ang bagong tagabasa at sabihin sa lahat na wag na silang mangamba pagkat may bago nang tagabasa." Sabi ng libro gamit ang katawan ni carlo.

"Hanggang kailan mo ba gagamitin ang katawan niya? Napakabata niya pa para gamitin mo ang lahat ng enerhiya niya!" Sabi ko.

"Wag kang mangamba kirsten. Hindi ko ipapahamak ang batang 'to." Seryosong sabi ng libro.

Nang mawala ang pagliwanag ng mga mata ni carlo ay alam kong nilisan na nang libro ang katawan niya. Huminga ako nang malalim at sinenyasan siyang lumapit sa'min.

"Lumabas na muna tayo rito." Sabi ni ina.

Tumango ako at kinuha ang kamay ni carlo. Ramdam ko ang lakas niya na ngayon ko lang naramdaman sa kaniya. Siguro dahil sa libro kaya siya lumakas.

"Hindi na rin po ba matutulad si carlo sa'min ng papa niya? Makakaligtas ho ba siya sa sumpa?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya. "Oo kirsten, dahil siya na ang tagabasa at ang libro na ngayon ang bahala sa kaniya."

"Auntie, gusto ko nang matulog."

Nagbaba ako nang tingin kay carlo at ngumiti. "Sige, ihahatid na kita sa kwarto mo." Sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya atsaka humarap sa kaniyang lola. "Tulog po muna ako lola." Sabi niya dito.

Ngumiti lang ito sa kaniya atsaka marahang hinaplos ang pisngi niya. "Sige apo. Magpahinga kana muna." Masuyong aniya.

Tiningnan niya ako. "Kausapin mo siya kirsten. Sabihin mong nakakaalala ka na." Aniya.

Mahina lang akong tumango bago hinila si carlo papunta sa kwarto niya.

Si dark ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya. Nalilito pa rin ako.

Dry.

Ang nawawala na naman ako hahaha (not literal)

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now