SLEEP OVER 1

46 0 0
                                        

Talak dito. Chismiss doon. Kulitan dito. Tawanan doon. Napaka ingay talaga ang strand na Accountancy, Business and Management o mas kilala sa tawag na ABM Strand.

Mula sa kinauupuan ni Ray John ay tumalikod ito upang kausapin si Jeanette na nasa likuran niya.

" Jeanette. Nadala mo ba yung business plan natin? "

" yup! " tipid nitong sabi at ibinalik ang tingin sa cellphone na kanina pa hinahawakan.

" mukhang busy ka diyan ah." Birong tanong ni Ray John.

" wala 'to. " napangiti ito.

" ahh. Wala pala. Matanong ko nga. Anong ibig sabihin niyang napaka lapad na ngiti mo na yan. " biro ulit ni Ray John.

" wala kang pake noh! "

" hay naku, Ray. Eh kasi naman panay yung kaka-chat niya kay Mr. M. " singit ni Rotche. Nagtawanan naman sila.

" ok. Class. Sorry I'm late. " bati nang kanilang guro sa Entrepreneurship na si ma'am Abby.

" Good afternoon ma'am. " sabi naman nila at nag si ayos na rin sila sa kanilang mga sarili.

" ok. So kumusta naman yung Business Plan niyo?" Tanong nito.

" naku! Ma'am. Natapos na po namin yung marketing plan. Yung projected lang talaga yung kulang. Nakakalito po." Maktol ni Rotche.

" ok. Yan lang yung concern niyo? Paano yung iba? " tanong nang kanilang guro.

" may mangilang-ngilan pa pong aayusin ma'am. " segunda ni Patty sa kanilang guro.

" okey. Kailangang maayos niyo na yan dahil bukas na yung Business Plan Presentation niyo. " bakas sa mukha ang alala nang kanilang guro.

" ahm ma'am. Wag po kayong mag-alala dahil pagtra-trabahuin po namin 'to mamaya." pagpapalakas nang loob ni Daphine sa kanilang guro.

" dapat lang. Yung group niyo Patty? Papaano niyo yan gagawin, kailangang matapos niyo na lahat sana iyan." sabi naman nang kanilang guro dito.

" ahm. Ma'am ganoon din po sa group nina Jeanette." Suhisyon ni Patty.

" kayo. Group niyo Angelica? " hinarap naman nang kanilang guro ang grupo nang isa pa nilang kaklase.

" same din po ma'am." Humarapa sa kanilang lahat ang kanilang guro.

" teka lang. Papaano niyo yan magagawa lahat? eh ngayon lang ang oras niyo para i-finalize yang business plan niyo." Takang tanong nang kanilang guro.

" eh kasi ma'am napagkasunduan po nang ka-grupo namin na mag sleep over para matapos itong business plan namin." Sabi ni Rotche.

" ganoon ba,? Mag-ingat kayo hah. " pagkatapos sabihin iyon nang kanilang guro ay may tumawag sa kaniya na kapwa guro.

" excuse lang class hah. " nag-usap sila nang ilang minuto lang at bumalik ulit ito sa loob nang classroom.

" okey class. Bibigyan ko kayo nang oras ngayon upang pag-usapan niyo ang pag-fa-finalize nang inyong business plan. ' cause I have a urgent meet up sa library." Sabi nang kanilang guro.

" okey ma'am." Sabi nila.

" wag mag-ingay hah at siya ka wag maglabas labas. I will be right back soon. Sige bye." Pagpapaalam nang kanilang guro at umalis na ito.

Nag kumpolan ang tatlong magka-grupo.

" so saan tayo mag sle-sleep over?" Tanong ni Kristine.

" kanila Rogine pala? " suhesyon ni Hesel.

" ano ba kayo eh. Malayo nga yung sa amin. Nag bo-board nga lang ako. " tanggi nito.

" sa inyo Maricel? " tanong ni Rotche.

" same rin ako kay Rogine. " limitado nitong sagot.

" saan ba tayo mag sle-sleep over? " tanong ni Kristine.

" wait tutal malapit naman dito yung kanila Jeanette bakit di na lang tayo sa kanila.? " suhesyon ni Ray John.

" oo nga noh. Doon na lang tayo sa inyo Jeanette. " saad ni Rotche.

" I try. " tipid nitong sabi.

" ah basta! Sure na yan!" naka cross arm na sabi ni Kristine.

" ok. Settle down na ang sleep over natin. Ngayon gagawin na natin yung Business Plan natin. Mayroon na lang tayong 30 minutes. " pagtatapos ni Ray John sa pag-uusap nila pa tungkol sa kung saan sila mag sle-sleep over.

" ok. Simulan na natin. " sabi Hesel at pumalakpak.

-----------------------------------

Nagsilabasan na ang mga estudyante dahil uwian na.

Nasa hallway ang magkakagrupo na sina Jeanette, Rotche, Kristine, Daphine, Maricel, Hesel, at ang matalik na magkaibigan na sina Rogine at Ray John.

" mag si uwian muna kami dahil kukuha lang kami nang aming mga damit na susuotin natin sa Business Plan Presentation bukas. " sabi ni Daphine kay Jeanette.

" di ba Business Attire yung susuotin bukas? " tanong ni Maricel.

" ito talagang si Maricel di nakikinig kay ma'am kanina. " sarkastikong sabi ni Rogine.

" oh sige na. Call Call na lang tayo. Nandyan na kasi yung sundo namin. " paalam ni Ray John.

" Rogine sabay na lang tayong umuwi. Parehas naman yung dadaanan natin. " pag-aaya ni Maricel.

" ok. Tara na. " at lumakad na silang dalawa.

" Kristine tayo na. May mga sasakyan na sa labas. " pagmamadali ni Hesel.

" tara. " At umalis na rin silang dalawa.

" Oy. Jeanette andyan si Mr. M. " kilig na sabi ni Daphine. Malapad naman ang ngiti ni Jeanette habang tinitingnan ang papalapit na lalaki.

" ahm. Daphine. Tara na magpre-prepare pa kasi tayo nang gamit natin diba? " sabi ni Rotche at hinatak na si Daphine atsaka umalis.

" hai. Sabay na tayong umuwi? " aya nito.

" hoy. FYI lang Mr. Michael. Hindi pa kita sinasagot hah. " malapad na ngiting sabi ni Jeanette.

" teka lang. Inaya lang kita na sabay tayong umuwi. Hindi ko naman sinabing sagutin mo na ako ngayon. Ikaw hah, excited ka sigurong maging tayo noh? " hirit ni Michael.

*>\\\<* nag blush lang bigla si Jeanette.

SLEEP OVERStories to obsess over. Discover now