Party Drunk

34.4K 574 18
                                        

Nagpalakpakan ang lahat matapos magsalita ang business tycon na si Mr. Fernando Lazcaver .

Nagkaroon ng isang business party ang matandang Lazcaver kaya naman talagang punung-puno iyon ng iba't-ibang panauhin na kilalang kilala sa business world . Isa na roon ang mga bachelor na ngayon ay nakakumpol sa iisang table at halata sa mga young businessmen ang pagkakaroon ng kakaibang dating lalo na sa mga kababaihan doon.

Isa na sa hindi maitatago ang paghanga sa mga binata ay ang nag-iisang dalagang apo ng matandang Lazcaver ,si Erish Faye Mejares. Umuwi lang siya para magprisinta sa presensiya ng mga magulang ,dahil sa kapwa busy ang dalawa sa pagiging doktor sa Paris . Kaya walang choice ang dalaga kundi umuwi, pero hindi naman siya nagsisisi na pumunta sa paparty ng lolo niya, sanay naman siya sa mga lalaking gwapo na madalas pa nga ay totally hunk, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa anim na lalaking iyon ay may nag-iisang lalaking talagang nagugustuhan niya .

"Hija? Sino ba ang tinitignan mo at parang matatanggalan ka na ng ulo kakalingon mo . " Napabaling siya sa kanyang abuelo na ngayon ay tinignan na ang lugar ng mga kalalakihan ,nakita niya ang pagguhit ng isang ngiti sa lolo niya.

"Hmm , I just wanted to know.. If you know them? "

"Yes, I know them, when you enter the business world you will know them hija.. " Nakangiting sagot ng abuelo niya, mabilis naman na umiling siya.

"No way lolo.. No hard feelings, but you know it that--"

"Yes. .yes hija,kung talagang hindi mo hilig ang tungkol sa business, then you should marry a man, and maybe, you could choose over those men hija. " Inginuso pa nito ang table ng anim na lalaki ,natawa naman siya sa biro ng abuelo ,kaya naman paglingon niya sa anim na lalaki ay ganon na lang ang pagkabigla niya. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya ng isa sa mga ito ang nakatingin din sa kanila at iyon ang lalaking kanina pa niya tinitignan.

Oh my! He was looking at me!

"Hija? Hija? "

Hindi na niya napansin ang pagtawag ng abuelo, lalo na ng biglang tumayo ang lalaki at mas lalo siyang kinabahan ng makitang papunta ito sa gawi nila.

Wait?! He is going here!

Dinaig niya pa ang teenager dahil para siyang kinikilig na maiisip na papalapit ito ,kaya naman napaiwas siya ng tingin sa lalaki at napabaling sa abuelo.

"Lo, do I look fine? O mukha ba kong haggard? " Natawa naman abuelo niya at parang aliw na aliw ito. "Lolo naman e! "

Parang bata siyang napalabi pero tinawanan lang siya lalo ng matanda.

"Erish, maganda ka hija. Don't stress yourself.. " Napangiti naman siya sa sinabi ng abuelo .

"Thank you lolo." Mas lumawak ang ngiti niya, saka muling binalingan ang gawi ng lalaki ,but for her dismay, nawala ang lalaki .

Ayan ASAdo ka kasi Erish! Kitam! Hindi naman pala sayo lalapit.

Nawala na ang ngiti niya saka napahalukipkip, hindi naman niya alam na aliw na aliw ang abuelo niya sa kanya.

"Hija, smile .. Bahala ka ,you will got older if you don't smile."

"Lo! " Natawa lang ito, kaya naman natawa na lang din siya. Well' ok na rin siguro na hindi sa kanya lumapit ang lalaki, dahil hindi naman boyfriend ang hanap niya sa Pilipinas, kundi para makasama ang abuelo niya at ang mag-aral na rin sa bansa.

Yes, she will stay in the Philippines for good. She was only 22 ,and last year natapos niya ang apat na taon na Interior Designer. May trabaho naman siya sa Parish but she decided na dito na lang sa Pilipinas mag-open ng sariling shop .

Just One Night..Where stories live. Discover now