Sa Pag-alis Ko

30 0 0
                                        

Sinabi ng doktor na may taning na ang buhay ko
Na bilang nalang ang nalalabing araw ko sa mundo
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko
Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang ito

Itinago ko sa pamilya ko ang tungkol dito
Ang nakakaalam ay tanging ang doktor lang at ako
Hindi rin ako nagpagamot ni sumunod sa kanyang payo
Hinayaan ko na ang sakit ko ang pumatay sa akin mismo

Ang mga sintomas at sakit ay tiniis ko
Maging mga pagdaing at pagluha ay itinago ko
Batid kong kapag nalaman nila ay kakaawaan nila ako
Masasaktan at iiyak sila sa nalalapit na pag-alis ko.

Pero hindi nagtagal, nalaman din nila ang totoo
Natuklasan nila ang matagal ko ng itinatago
Ngunit kabaliktaran nun ang nakita ko
Imbes na umiyak sila, mga ngiti ang natanggap ko

Palagi silang nakangiti tuwing nasa harapan nila ako
Na parang hindi nila alintana ang tungkol sa sakit ko
Ni hindi nila binabanggit o ipinapaalala ang tungkol dito
"Tanggap na siguro nila" yun ang akala ko.

Hindi sinasadyang napadaan ako sa kwarto ng kapatid ko
Naroon din ang pamilya ko dinig kong pinag-uusapan nila ako
Parang sinaksak ako ng paulit ulit noong masaksihan ko
Ang pagdadalamhati na kanilang itinago

Ang mga ngiti at tawa pala nila ay hindi totoo
Nagpapanggap lang pala silang masaya sa harap ko
Ayaw ko silang umiyak at malungkot totoo
Pero ang magpanggap na masaya sila, hindi yun ang nais ko

Isang beses na habang kumakain kami ng hapunan, sila ay todo asikaso
At katulad nung nakaraan, ngiti nila ang nakikita ko
Hindi ako nakatiis at sinabi ang nasa loob ko
"Kapag wala na ako, sana nakangiti pa rin kayo."

Ang mga ngiti nila ay biglang naglaho
Ang mga luha sa mata ay nag-uunahan sa pagtulo
Pati mga hikbi ay hindi nakaligtas sa pandinig ko
At napangiti ako kasi nakita ko na rin ang totoo

Gusto ko ay mga totoong ngiti at tawa ang babaunin ko
Hindi lang puro lungkot pero may halong saya ang mga alaalang iiwan ko
Hindi dapat magpanggap na masaya dahil mawawala na ako
Bagkus ay ipakita na magiging maayos sila kahit wala na ako.

At ngayon, nararamdaman ko na ang nalalapit na pamamaalam ko
Unti unti ng nanghihina ang bawat bahagi ng katawan ko
Bago ako malagutan ng hininga nais kong malaman niyo
Mamamatay lang ako pero hindi ang alaala ko, dahil hanggat inaalala niyo ako, parang nandiyan pa rin ako at kasama niyo.

Inspired by a Korean Drama entitled "Uncontrollably Fond"

©2017

Speak Your ThoughtsWhere stories live. Discover now