Prologue

5 0 0
                                        


Here we stand today
Like we ever dream
Starting out our life together
The light is in your eyes
The love is in your heart
I can't believe you're really mind forever

On this day
I promise forever
On this day
I surrender my Heart
Here I stand, take my hand
And I will honor all the word that I say On this day

This is surreal, until now I couldn't believe that this is really happening the most special day of our lives. Sa wakas dumating narin ang araw ng aming pag-iisang dibdib.

I'm now watching the most beautiful woman of my life in her viel and long white gown, she's walking gracefully down the aisle looking at me intently with her teary eyes. Hindi rin siguro sya makapaniawala na tuluyan na kaming mag-iisa at haharapin ang buhay ng magkasama.

Naalala ko nanaman tuloy noong nagpropose ako sa kanya hindi maimpit ang luhang kumakawala sa kanyang mga mata kasabay ng kanyang pagtawa, kahit mukha syang ewan dahil nag-halo na ang itim nyang luha dahil sa mascara sa sipon nya, at kahit parang huhuging bata sya ng mga panahon na yon, she's still the most beautiful woman I've ever seen.

She said, God really loves her because He gave me to her. But no, I'm luckier coz I have her, the girl of my dream. Ewan ko ba kung ano ang nagawa ko sa past life ko at biniyayaan ako ng Diyos ng isang babaeng katulad niya, a girl who makes me feel happy and be loved all time.

Kahit minsan na nasusungitan ko sya at mainit ang ulo ko, gagawa at gagawa sya ng paraan she wouldn't stop telling corny jokes and mick facing to cheer me up na lagi namang gumagana sa akin. Dahil nakakahawa talaga ang cute nyang tawa.

At sa mga panahong kailangan ko ng masasandalan lagi syang nandyan. Every time my father and I had an argument she's always there to comfort me and calm me down, but most of the time she's scolding me kase daw bad ang patulan ko pa ang tatay ko. Matanda na daw kaya pag pasensyahan ko nalang.

All this time sya lang ang kasama ko, sya ang nagmamahal, nag aaruga at gumagabay saken. Kaya naman mula sa araw na ito babawi ako sa kanya ako naman ang magpaparamdam sa kanya ng labis na pagmamahal, at walang kapantay na aruga from this day onward I will make her the queen of my life. I will give her the love and care that she deserves.

"Take care of my daughter Mr. Arcega"
Her father said, before giving me her hand.

"Promise, I will Sir"

"Naku Caleb Zelus! Alagaan mo ng mabuti itong panganay namin, huwag mo syang laging utusan. A-asawain mo sya hindi magiging kasambahay! Maliwanag ba?!"
Mahinang sigaw naman ni Tita Mercy.

Ganyan talaga ang Mama ng mahal ko. I got used to her firing words, she fires endless like a machine gun. Hindi nga ako nakakapasok sa bahay nila na walang welcome sermon na natatanggap mula sa kanya. Hindi naman ako naiinis kay Tita eh, in fact I find her adorable because she's the residual person of my mother.

"Opo Mama"
I politely answered, with a genuine smile on my face.

"Anong Mama! Mamayang pagkatapos na ng kasal mo ko tawagin na Mama excited ka naman maging ina ang isang magandang tulad ko, palibhasa boring ang nanay mong stiff"!
Tita Mercy hissed.

"Mang! Huwag mo namang pong takutin yung mapapangasawa ko. At tigilan nyo narin yung pang ookray nyo sa future mother-in-law ko"
Sagot naman ng mahal ko.

Napahagikgik nalang ako ng mahina napaka cute nya talaga pag nakikipag bangayan sya. Gusto ko na tuloy syang halikan kahit di pa sinasabi ni father na "You may now kiss the bride".

"Ehem"
Speaking of father, tumikhim na sya at gusto na atang umpisahan ang kasal. Kung alam mo lang father dalawang oras lang ang tulog ko dahil excited na akong mapa sa akin ang magandang babaeng to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heaven KnowsStories to obsess over. Discover now