Habol ko ang aking hininga habang nakasandal sa pader. Nanginginig ang aking binti. Masakit na rin ang aking katawan. Nalalasahan ko na rin ang dugo mula sa pumutok kong labi. Di ko na kaya. Pagod na ako. Buti nga't nakatakas ako at nakahanap ng mapagtataguan. May humahabol sa akin! Papatayin niya raw ako kapag ako'y naabutan niya. Meron syang baril. Nakakatakot siya! Galit na galit siya sa akin!
Tatakbo na sana ako ulit ngunti napatigil ako ng marinig ko ang pagkasa ng baril sa aking likuran.
Napako ako sa aking kinatatayuan. Nagtindigan ang aking mga balahibo.
Naabutan niya ako!
Papatayin niya ako!
Nanginginig akong napaharap sa kanya.
"Parang awa mo na. Wag mo akong patayin. Maawa ka sakin." Lumuluhang sambit ko.
Ngumisi sya saakin.
Nakakakilabot iyon! Ngiting parang sa isang Demonyo!
Nagitla ako dahil sa takot.
"Wala ka ng kawala! Papatayin na kita!"
Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagkalabit niya sa gatilyo ng baril.
"Okay! Cut!" sigaw ng Direktor.
