"Nasa kwarto po ng tagabasa. Sinusubukan niyang basahin ang libro ng hindi siya nalalason." Malaki nga pala ang gulong dinala nang biglaang pagkamatay ng tagabasa. Sana ay makakita sila ng bagong nilalang na kayang hawakan at basahin ang libro ng hindi namamatay.

"Wala pa ba kayong nahahanap na tagabasa?" Tanong ko.

"Ayon kay ina, ang namatay na tagabasa nalang ang natitira sa mga lahi niya. Ang diyos na lamang daw ang magde-desisyon kung may pagbibigyan siya nang ganong klase ng kapangyarihan."

Napabuntong hininga ako. "Bakit ba kasi biglaang namatay ang tagabasa gayong konektado ito sa libro? Bakit ngayon pa kinuha ng libro ang buhay niya kung kailan natin higit na kailangan ang tulong nito?"

Huminto sa paglalakad si rhian atsaka ako hinarap. "Dalawa lang ang posibilidad na dahilan niyan ma," Bumakas ang takot sa mga mata niya. "Una, pinapatay ng libro ang kaniyang tagabasa kapag sumanib ito sa kapangyarihan ng dilim. At ang pangalawa, namamatay lang ang tagabasa kapag gusto na nitong magpahinga at ipasa sa iba ang kaniyang kakayahan."

"Kung gayon, alin sa dalawa ang dahilan?"

"Hindi ko alam, ma." Aniya.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. May mga kawal kaming nadadaanan sa bawat paghakbang namin sa mahabang pasilyo, ngunit hindi na namin sila napagtuunan ng pansin dahil pareho kaming nalunod na sa malalim na pag-iisip.

Ang pagkamatay ng tagabasa ay nagdulot ng malaking problema sa aming lahat. Lahat ng mga nasasakupan ng hari't reyna ay nag-aalala na at natatakot, ibig sabihin kasi nito ay wala nang gagabay at magbibigay ng senyales sa mga posibleng masamang mangyari.

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang plano ng libro para patayin niya ang tagabasa pero isa lang ang nasisigurado ko, may plano ito na wala sa isa sa'min ang nakakaalam.

"Ma..." Nagtatakang bumaling ako kay rhian nang hawakan niya ang kamay ko at pinigilan sa paglalakad. "Nandito ang makasariling prinsepe." Malamig niyang sabi. Hanggang ngayon pa rin talaga ang galit pa siya kay dark.

Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na ngumiti sa prinsepeng saglit na yumukod sa aming harapan para magbigay galang. "Magandang gabi." Bati niya.

"Kung itatanong mo sa'min kung kamusta na siya, hindi ang sagot namin. At wag mo nang itanong kung bakit dahil kasalanan mo naman."

"Rhian!" Saway ko sa kaniya. Nahihiyang ngumiti ako kay dark. "Dark, ang mabuti pa'y wag mo muna siyang dalawin ngayon." Sabi ko. Alam ko kasing doon siya patungo ngayon. Kilala ko si dark, hindi niya matitiis si kirsten.

Napangiti ako nang maalala ang mga ginawa niya noong nilayo namin si kirsten dito. Kahit delikado noon ay talagang dinadalaw niya si kirsten at binabantayan. Mahal na mahal niya talaga ang anak ko.

Sa totoo lang ay hindi naman ako nagalit sa mga ginawa niya noon. Nagawa niya lang naman 'yon dahil sa sobrang pagmamahal. Minsan kasi ay nakakabulag talaga ang matinding pagmamahal, nakakasama ito sa'tin lalo na kung sobra sobra.

"Masusunod po." Malungkot niyang pagsang-ayon.

Tinapik ko siya sa balikat at nginitian. "Wag mo siyang susukuan dark. Hanggat maaga pa ay sabihin mo na sa kaniya ang lahat bago pa mahuli ang lahat." Sabi ko bago ko siya nilampasan.

Nang makalayo na kami ay nagsalita na naman ulit si rhian. "Kasalanan niya lahat ma! Kung hindi niya pinakawalan ang hari ng dilim sa kulungan nito, hindi sana nito makukuha ang katawan ni papa! Payapa pa sana ang pamumuhay natin hanggang ngayon." She hissed.

"Rhian....."

"Ma, sinumpa niya si keiji at kirsten. Dahil sa kaniya nahiwalay kami ni carlo sa inyo." Nanginig ang boses niya. "Hindi rin sana makakalimut sila kirsten at rina."

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon