Huling Sayaw

49 0 0
                                        

"Hello Sam? I'll be there in 5minutes. I'll pick you up" masayang sabi ni Andrei sa kausap niya.

Ngayong gabi ang Acquaintance party nag kanilang eskwelahan.
Lahat masaya lahat excited na dahil makikita nila at makakasama at makakasayaw ang kanilang boyfriends o Crushes.

Lahat sila masaya  maliban sa isang tao. Si Samantha kung ang lahat ay masaya ibihin niyo siya.

Bakit nga ba hindi siya masaya?
Meron bang tao na sumasaya kapag nalalaman nilang malapit na silang bawian ng buhay?

Sam is just 17 years old when she found out that she's dying. She has a heart disease. Nahihirapan silang humanap ng donor unang una hindi sila ganoon kayaman. Pangalawa ay marami rin ang kapareho niyang kaso ang nangangailangan.

Pero dahil napakabait ng Diyos ay nakahanap parin sila. Tomorrow is the schedule of her operation. She doesn't want to tell Drei. Why ? Because she's a selfish. Dahil alam niya na hinding hindi kakayanin ni Drei ang mawalan ng minamahal sa loob ng tatlong taon. Ayaw niya na gawing patapon ni Drei ang buhay niya kapag nalaman niyang mawawala na ito sa kaniya. Not now, lalo pa at graduating na si Drei. Dapat ay mas mag focus siya doon.

Sa kabilang banda naman. Nakarating na si Drei sa Bahay nila Sam at tinawagan niyan ito.

"Hello babe,nandito na ako" hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nito.

Nakita niya ang Ina ni Sam at Pinagbuksan siya nito, lumapit naman ito at bumati saka humalik sa pisngi.

"Tita Si Sam ho" masayang tanong nito sa ina ni Sam

"Pababa na siya"nakangiti pero mahahalata mo ang pag pungay ng mata nito. Binalewala na lamang ito ni Drei. Hindi rin nagtagal ay nakita niya nang pababa si Sam.

Para namang nagkaroon ng pagbagal ang paligid ni Drei sa paglalakad ni Sam pababa ng hagdan. Ini imagine na naglalakad ito papunta sa harap ng altar kung san hinihintay siya nito para sa kasal.

"Huy Drei" Dahil sa pag i imagine ay hindi niya namalayan na nasa harap na niya si Sam.

"Good evening gorgeous lady" sabi nito sa kasintahan at inalok sa kaniya ang kamay at tinanggap naman ito ni Sam.

"Ma, Alis na po kami" paalam ni Sam sa ina na pinipilit pigilan ang lungkot at pagiyak kaya niyakap nalang niya si Sam at Drei.

"Sige na umalis na kayo, baka ma late na kayo niyan" Nakangiting sabi nito ngunit hindi pa man sila nakaka alis ay may pumatak nang butil ng luha mula sa mga mata ng kaniyang ina at agad niya itong pinunasan.

Huling SayawStories to obsess over. Discover now