Prologue

9 0 0
                                        

( 0: Orbs )

"Life is amazing, isn't it?" Entrada iyan ni Miss Creseta pagkalapag niya ng gamit sa lamesa sa harap. Common man na quote iyon pero napukaw noon ang atensyon ko. Hindi normal na gawin ni Miss Heran ang pageentrada ng isang quote tungkol sa buhay, madalas ay tungkol sa subject na tinuturo niya.

"Typical it may sound, but that's the truth. Hindi natin alam ang mga posibleng mangyari sa bawat panahon. Hindi natin alam kung ano pang meron sa mundo na ito bukod sa mga tao, mga hayop, mga halaman, mga anyong lupa, at mga anyong tubig..." I met her brown orbs and I swear! I saw her eyes flickered and flashed a green color.

Kinusot ko ang mata ko at pumikit pikit pa. Tumingin ulit ako sa kaniya at ang nakita ko ay ang normal niyang mata. Namalikmata lang siguro ako. Tinignan ko ang mga kaklase ko pero nakapokus lang ang atensyon nila kay Miss.

She continued her lesson. At hindi ako makahanap ng connection ng entrada niya sa lesson namin ngayon. So hindi entrada ang ginawa niya, gusto niya lang sabihin sa amin, gan'on?

I shove the thought away at nakinig na lang sa kaniya. Pagka-dismiss niya ng klase, tinawag niya ako at ngumiti. Ngumiti ako pabalik pero napawi iyon nang makita ko ang mata niya.

It was green. Then she blinked and her eyes went back to normal. I should get my eyes checked later.

"Good bye, Astaile." Nagkasalubong ang kilay ko. Astaile? What's that? Salita ba iyon, ibang lengwahe, o pangalan?

She chuckled. "Good bye, Sigrid."

Bumati ako pabalik kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng Astaile. Nang umalis si Miss Heran, saka naman pumasok si Nero.

Nakasalubong niya sa hamba ng pintuan si Cassy. Palabas na rin ito habang nakasabit sa kanang balikat niya ang bag. Hinarang siya ni Nero.

"Nasaan na si Miss Heidi?"

"Ewan ko." Maikling sagot ni Cassy at dumiretso na pero hinawakan ni Nero ang braso niya.

"Si Miss Heidi, nasaan?" Tanong niya ulit.

"Wala akong kilalang Heidi! Bitawan mo nga ako!" Cassy groaned. Hinigpitan yata ni Nero ang hawak sa kaniya.

"Yung nagturo dito ngayon, si Miss Heidi."

Ngumiwi si Cassy sa sinabi ni Nero. Sa bagay. Who is Miss Heidi, anyway? Tsaka si Miss Heran ang galing dito. Heidi's probably one of Nero's girls. Sa dami ng kilala niyang babae ay nakalimutan na niya ang mga pangalan nila.

Niligpit ko na ang gamit ko. Nagtatalo pa rin si Nero at Cassy sa pinto kaya nag-excuse ako para makadaan palabas. But Nero is persistent. Binitawan niya si Cassy at ako naman ang hinawakan. Nakatanggap siya ng isang sipa kay Cassy pero inignora niya ito at sakin itinutok ang atensyon.

"Nasaan si Miss Heidi? Siya yung galing dito kanina. Yung teacher na wala pang asawa. Mathematics yata ang subject niya."

"Walang galing na Miss Heidi dito, Miss Heran lang. Kaaalis lang niya bago ka dumating. History ang tinuturo niya." Sagot ko at umalis na.

Bago ako tuluyang makalayo sa room namin ay narinig ko pa ang sigaw ni Nero.

"Nasaan si Miss Heran?!"

Natawa na lang ako. Unang beses pumasok ni Nero sa linggong ito dahil sa suspension na natanggap niya kay Miss Heran dahil nagcut siya ng klase. Now, Nero needs to find Miss Heran for an unkown reason, maybe his retreat letter para makapasok na ulit o para makapagcut ulit siya ng klase.

Sa likod ako ng school nagtungo. Walang katao tao dito bukod sakin. Ako lang naman yata ang nagtsa-tsagang maglakad ng malayo para makapunta rito. And besides, my schoolmates doesn't appreciate these kinds of stuff. I mean, kaonti lang kami na nakakaappreciate ng ganito. They rather seat for five hours than walk this far, you know.

Pagpasok ko sa kakahuyan ay dumiretso na ako sa bungad nito at naupo sa tabi ng maliit na sapa. Sumasayaw ang mga sanga ng puno dahil sa ihip ng hangin. Humuhuni naman ang mga ibon na palagi nilang ginagawa bawat punta ko dito. Peace.
Ang sarap sa pakiramdam.

Tuwing lunch, dito ako pumupunta para kumain. Tahimik dito at hindi naiistorbo ang pagkain ko. Kapag hindi naman ako kumakain, natutulog ako dito. Nagsisilbing pangpatulog ko ang huni ng ibon at ang simoy ng hangin. Nakakakalma.

Tulad ngayon, dahil nakalimutan ko ang baon ko sa bahay, wala akong makakaing lunch. Ibinaba ko na ang bag ko sa tabi ng isang puno na nasa likod ko at sinandalan yung puno. Nakaindian seat ako kahit nakasuot ako ng skirt, may nakatabal naman na panyo sa hita ko. Unti unti ko nang ipinikit ang mata ko.

Hindi pa man ako nahuhulog sa aking pagtulog, naramdaman ko ang presensya ng ibang tao sa harap ko. Nakatitig ito sakin. Hindi ko alam kung hayop ba ito o tao. Pero napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko ang hininga nito sa aking pisngi. Binuksan ko ng bahagya ang mata ko para makita iyon. Napahiga ang lalaki sa lakas ng suntok ko sa mukha niya.

"Fuck!" Mura niya. Gulat na gulat siya. Ako din naman. What is he doing here?

Sa gulat na lalaki ang nakita ko sa harapan ko ay nasuntok ko siya sa mukha! Damn.

"Who are you?!"

"Shit, bakit ka nanapak?" Galit niyang tanong at umupo sa harap ko.

"I said, who are you?!" Mas nilakasan ko ang boses ko ngunit hindi siya sumagot. Hawak hawak niya ang pisngi niyang namumula.

"Damn. Ang sakit." Rinig kong bulong niya. "I won't tell you my name. Sinapak mo ako." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Not my fault. Ikaw itong nilapit ang mukha sa mukha ko."

He hissed. Pinikit ko na ulit ang mata ko and heaved a slight sigh. Narinig ko siyang napamura ulit.

"Alright, alright! I'm Edge Knightblood. You are?"

Tinaasan ko siya ng kilay bago nagmulat ng mata. "It's none of your business. Shoo. I want to sleep."

But then he suddenly pulled my wrist and held it tight. I groaned. I felt something strange on my wrist. It hurts like hell! Para bang sinusunog ang balat ko sa parteng iyon. Sinubukan kong alisin ang kamay niya but he's damn too strong. Naiiyak na ako. Mahapdi sa balat.

"Stop!" Sigaw ko. Tinignan ko siya. He's looking at me intently. His eyes flickered and it became gold. Hindi ko na pinakialaman dahil masakit ang ginagawa niya sa pulsuhan ko.

Tinignan ko ang mga kamay namin. Nagsalubong ang kilay ko dahil nagiging itim ang braso ko. Para bang nawawalan ng buhay o natutuyo. Mas lalo iyong sumakit. Napasigaw na ako ng malakas. Para bang hinihiwalay ang balat ko mula sa muscles.

Nawala ang huni ng mga ibon. Hindi ko na maramdaman ang ihip ng hangin sa balat ko. Hindi ko na makita ang sinag ng araw. Kahit ang paa ko ay hindi ko na maramdaman.

Tumulo ang luha ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng mata ko. Wala akong nakita panandalian kahit nakabukas ang mga mata ko. Pumikit ako at pagmulat ko, tinignan ko ang lalaki sa harap ko. Our eyes met. Gold pa rin ang mata niya. Medyo lumuwag ang kapit niya sa pulsuhan ko at napaatras siya ng kaonti.

Tinitigan ko lang siya. Hindi na ako makapagsalita. Kinuha yata lahat ng lakas ko. I saw my reflection in his eyes. I saw my face. But my orbs, they were not the same color. They were gold.

S. Aberrant 1Where stories live. Discover now