"Pag bilang kong sampo naka tago na kayo! ISA! DALAWA!...."
Umaakyat ako sa puno ng mangga na mag sisilbing taguan ko, aakyat sana si Jennifer sa puno na pinag akyatan ko ng batuhin ko sya ng bubot na bunga ng mangga nang sa gayon ay lumipat sya sa kabila. Aligaga silang apat sa baba sa pag hahanap ng taguan samantalang ako Chill lang.
" ANIM! PITO! WALO!" Dali dali nilang itinago ang sarili nila sa kung saan man sila maaring mag tago.
"SIYAM! SAMPO! WALANG TIME OUT BOOM PADLOCK SUSI!" Wika ni Kaye habang tumitingin sa paligid.
Pinag masdan kolang ito na hanapin kami.
"BOOM GAIL!"
"Ano bayan! Nakatago naman na ako ah? Hay nako!" Pag hihimutok nya habang si Kaye ay patuloy sa pag hahanap.
"AHHHHHHHHHHHHHHH!" Walang ano anoy. Dali dali akong bumaba sa puno.
"AHHHHH! Tulong!!!" Tumalon ako mula sa itaas at dali dali kaming tumakbong anim patungo sa sumisigaw na si Jennifer.
Napasinghap at laking gulat ang naramdaman ko ,alam kong gayon din sila. Kaye, Gail, Reg, at Dan Napatago kami sa likod ng isang puno kung saan hindi kami makikita.
"Mukhang papatayin tayo niyan" Wika ni Gail.
"OA nyo no? Baka naman magiging kalaro lang natin sya? Hihi." Wika ni Dan na mukhang na eexcite pa.
Pinag tatapik ni Kaye ang ulo ng apat senyales na manahimik sila dahil hindi sila nakakatulong.
"Tignan nyo nga, hawak hawak nya si Jen! Hindi nya kinakain! Baka hinihintay nya lang tayong lumabas! Kita mo palingon lingon sya!"
Matapos sabihin ni Kaye yan ay sumilip ako sa puno.
Laking gulat ko ng mag tama ang paningin namin ng halimaw.. Err. Halimaw ba to? Biinitawan nya si Jen.
Lalong umusbong ang kaba sa dibdib ko ng mag bago ang anyo nito, mula sa nakaka takot na halimaw ay naging isang napaka gandang dyosa ito na papalapit saamin. Gusto kong umimik pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong tumakbo pero parang nawalan ako ng lakas ng dahil sa kaba.
Nililipad ng hangin ang nakatulog na si Jen papalapit saamin.
Nanginginig man ang tuhod ay pinilit kong wag makalikha ng kahit anong ikaka istorbo sa alima upang di mapansin ang papalapit na Dyosa? Maganda na sya hindi na halimaw kaya dyosa!
"Kayong anim ang matagal ko ng hinahanap" Wika ng Dyosa. Ramdam ko ang pag tigil sa pag uusap ng lima at napaharap sa Dyosa.
"anong kailangan mo saamin? Ibigay mo samin si Jen" Ma autoridad kong wika. Kinalbit ako ni Dan at binulong ang salitang 'ang ganda nya, kilala mo? Kunin natin number ng mareto ko sa kuya ko hihi' napatingin na lamang ako ng masama sakanya at binaling ulit ang tingin sa dyosang nasa aming harapan.
"Kayong anim ang napili noong sanggol palamang kayo na pumalit sa pwesto, ng mga makapang yarihan. Kayo ang mga bituin "
Isa isa nyang hinawakan ang kamay ng lima ng biglang may tatak ng simbolo na umilaw sa ibat ibang parte ng katawan nila. Wala na kaming nagawa dahil para kaming paralisado na hindi maka hakbang o maka galaw
"Bago mo ako hawakan dahil alam kong wala din akong kawala. Bakit mo kinuha si Jen? Bakit mo sya pinatulog?" Hawak ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob kong mag tanong.
"Magigising din sya matapos kong isalin ang kapangyarihan sakanya. Kinuha ko sya para mahanap kayo. At tama ako, andito na kayo. Hindi na ako mahihirapan"
"isa nalang, anong pangalan mo?"
"Liberiah"
Matapos nyang sabihin ang katagang iyon ay unti unti akong nawawalan ng malay habang nararamdaman ang mainit na nag kukumpulan sa aking noo.
"Makakalimutan nyong lahat ang nangyari ngayon, makakalimutan nyo ang isat isa. At balang araw. Sa tamang edad. Kapag kayo ay muling nagka sama sama. Lalakas ang pwersa. At ang mundong iniingatan ay inyong hahawakan at pangangalagaan. Isang simbolo lang ang maihahabilin ko kapag may malapit na Bituin sainyo, iinit ang simbolo na nakatatak sainyo at mararamdaman nyo ito. LAHAT AY MANGYAYARI SA TAMANG PANAHON. "
Napatingin ako sa aking mga kasamang unti unti ding natutumba at tuluyan na akong nawalan ng malay........ Regin, Kaye, Gail, Jen, Dan........ Wika ko sa isip ko.
YOU ARE READING
Brinton Academy
FantasyBrinton Academy, Bakit nga ba ako papasok sa paaralang malayo sa aming bayan? Bakit nga ba hindi ako maaring mamuhay ng NORMAL? Ano nga ba ang kahihinatnan ng pag tuloy ko sa paaralang ito? Dito ba ako nararapat? Dito ba ako sasaya? Anong meron dito...
