Scottie's POVS
Balik practice nanaman, malapit narin kasi opening.
"Hey bro, kamusta naman? Lumabas kayo ni faye kahapon?" Tanong ni Aljon. Pinagsasabi neto?
"Lumabas? Nasa bahay lang ako the whole day kaya anong yang pinagsasabi mo?"
"Nakita ko sa IG story ni Faye so huwag ako bro." Oh.. Baka nung last week nakisabay siya sa'kin umuwi pagkatapos ng practice. Tinignan naman ako ng nakakalokong ngiti netong si Aljon.
"Kung ano ano iniisip mo, last week siguro yun. Sumabay siya sakin pauwi." Bumaling ulit ako sakanya, natahimik ang loko. Hahahaha
"Easy, hindi ko alam. Hahaha" Pinagtaasan ko siya ng kilay tsaka lumapit sa mga team mates namin.
Pau Fajardo POV
Yayyyy, late na ako sa practice nila.
Hindi ko na maabutan si Scottie my loves!!
"Baduy mo teh, hindi mo naman masabi sabi yan sa harap niya." Pakundangang sabi ni Jenjen.
"Masasabi ko din yan noh!! Kapag nga lang wala si Faye." Pahinang sabi ko. Nakakainis kasi kapag nandun si Faye, laging pabida. Pareparehas lang naman kaming fan tapos akala mo naman kung umasta close na close sila ni baby scottie.
"Ba't ganyan mukha mo oy, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Don't worry besshie, I got your back. Akong bahala sa Faye na yan." Buti nalang andito si beshhie ❤ Okay na smile kana Pau.
"So tara na, naeexcite na akong makita ulit siya. After 2 months of waiting!!.... " Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaloka. Makikita ko nanaman kasi siya. Bawat ngiti sa kanyang mga labi para akong Ice cream na unti unting natutunaw. Stop it na Pau! 2hrs lang practice nila so kailangan nyong bilisan.
"Hay sa wakas, we're here!!" Papagod na sabi ni JenJen. Tumakbo ba naman kami hahaha
"Omg, puno nanaman. Dalian mo Jen, makisiksik tayo." Sabay kalabit ko sakanya. Puno nanaman tong venue. Sige lang push lang Pau.
"Excuse me lang mga teh, andito kasi yung soon to be girlfriend ni Scottie oh." Nakakahiya ka talaga Jenjen. Pinagtitinginan tuloy nila ako.
"Nagbibiro lang po siya mga kabs." Pahiya kong sabi... pinagtitinginan parin talaga ako. Huwag nyo kong I-babash mga besh. Hahahaha
Sa wakas nakapunta narin kami sa harap. Halaaaa my love ang pogi mo parin talaga. Napawi yung ngiti ko ng makita ko si Dom. nasa tabi siya ng bench. Nakakainis talaga. Attention Seeker.
"Ay taray naman tong si Faye bruha besshie, nandun nanaman oh. Dito na lang tayo. Baka masabunutan ko ang gaga." Natawa tuloy ako lokaret tong si besshie hahaha
"Hi ate, fan kadin po ba ng Ginebra?" Woah ako kinakausap?
"Ako ba be?" Tumango siya. "Ah yes fan ako ng Ginebra, bakit?"
"Wala lang po ate. Para ka po kasing girlfriend ni kuya skati, kasi kanina mo pa siya tinititignan na nakasmile." Sabi ni baby girl, mga nasa 15 yrs old to. Napa smile naman ako ng todo.
"Girlfriend? How I wish baby girl." I sigh
"Bagay po kaya kayo ate. Para ka pong model ate. Ang gaganda po talaga nating mga fangirl ng Ginebra. 😅 " Awee sinali niya narin yung sarili niya. Infairness cute tong batang to.
"What's your name by the way?" Napa English na si ate mo girl.
"Chuchaii po ate girl. Ikaw po? Ang ganda mo po ate. Para kang artista." Sige lang, baka I-uwi kita ng wala sa oras. Hahaha Thanks sa complement.
"Thank you Chuchaii, I'm your ate Pau naman. Salamat sa complement." Wait nasan na si Besshie?
"Ate..." Hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Chuchaii dahil narinig kong nagsasagutan nanaman sila ni Faye. WTH!
BINABASA MO ANG
Finally, нe noticed мe ♡
FanfictionScottie Thompson • Isa sa pinakasikat na basketball player ng Barangay Ginebra San Miguel. Pau Fajardo • Super die hard fan ni Scott! nangangarap na mapansin siya ni Scott. Always present sa practice ng Ginebra. Always active sa socia media. Always...
