"Hon wag kang masyadong pupunta sa malalim na parte ng dagat ha" sabi ng aking asawa.
"Yes Hon doon lang ako sa may tabi ng dagat"sagot ko naman sa aking asawa.
Matapos niya akong halikan sa aking labi ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Yung mga sinabi ko sayo ha,Mag iingat ka" pahabol pa niyang bilin sa akin.Tumango at nginitian ko na lang sya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa tabi ng dagat.
Habang nagtatampisaw ako sa mababaw na parte ng dagat ay may biglang tumigil na motor boat na nagpaparenta.
"Mam rerenta ka ba ng bangka 100 lang po Mam ang renta kada isang oras" ang sabi sa akin ni Manong .Alam kong ang sabi ko kay Kiel ay sa tabi lang ako ng dagat,pero isang oras lang naman siguro naman ay hindi mag aalala si Kiel kaya napagdesisyunan kong rumenta ng bangka.
Napakaganda talaga ng dagat napakalinaw ng tubig.Habang masaya akong naglilibang sa pagtingin sa paligid ay biglang nasiraan ang bangka na nirerentahan ko .
"Manong ano pong nangyayari?" kinakabahan kong tanong kay Manong.
"Pasensya na po kayo Mam wag po kayong mag panic nasira po ang motor ng bangka pero maaayos ko din po ito"sagot sa akin ni Manong.
Habang inaantay kong maayos ang bangka ay unti unting lumalakas ang alon kasabay ng pagpatak ng ulan. Pag minamalas nga naman nasiraan na nga mukhang lalakas pa ang ulan.
"Mam pasensya na po kayo mukhang matatagalan pa po ito mukhang malala ang naging sira may telepono po ba kayo tumawag na po kayo ng tulong"sabi sa akin ni Manong habang patuloy nyang ginagawa ang bangka.
Pag minamalas ka nga naman talaga.Naiwan ko ang cellphone ko kay Kiel,kung nakinig lang sana ako sa asawa ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at dahil na rin sa lakas ng ulan ay napupuno ng tubig ang bangka kasabay ang malakas na alon ay tumaob ang bangkang sinasakyan nmen ni Manong.
"KIEL ASAWA KO TULUNGAN MO AKO"naiiyak na sigaw ko habang lumalangoy at pinalulutang ang aking sarile sa tubig nagbabakasakaling may makakarinig sa akin.
"KIEL TULUNGAN MO AKO TULUNGAN NIYO KAMI"
Kasabay ng pagbuhos ng ulan at malakas na alon ay kasabay ding pumapatak ang aking mga luha.
"Patawad Mahal ko kung nakinig lang sana ako sayo Mahal na Mahal kita" naiiyak na sabi ko sa aking sarili.
Lumakas pa lalo ang buhos ng ulan at kinakapos na din ako ng hininga,nahihirapan na din akong lumangoy.
"WAAAAAAAAAAAAAHHHHH"
"Ooy Hannah GISING binabangungot ka ata"
Nagising ako dahil sa malakas na pagtapik sa akin ni Tina ang matalik kong kaibigan.
Hindi ko alam kung sino ang babae at lalaki sa aking panaginip dahil malabo lang ang nakikita kong mukha nila. Pero may kung anong matinding kirot ang hatid ng aking panaginip sa aking puso.
