The Necklace

1.4K 33 2
                                    

Ayan! Grabeee *o* ang ganda pala ng uniform namin. Ay! Sorry readers hindi pa pala ako nagpapakilala.

I'm Nadine Rodriguez 20 years old at 2nd year college na. Sa isang academy ako nag - aaral. Hindi naman kami mayaman tama lang.

Manager si papa ng Emperial Corp. si mama naman housewife pero may agenda din yun minsan. Si ate naman na parang bestfriend ko na rin ay 25 years old na 4th year college naman siya sa ibang academy naman.

Masungit sa'kin si ate eh. Ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo niya sa'kin. Basta ako mahal ko parin si ate Yassi :)

◀° °▶

Royality Academy

Oo nga pala nakalimutan ko! Business Add. ang kinuha kong course.

"Fren! Alam mo may ikwekwento ako sa'yo." Agad kong sabi kay Cole bestfriend ko.

Nandito kasi kami ngayon sa canteen since mamaya panaman ang klase.

"Ano naman yun Ms. Rodriguez?" walang ganang tanong nito.

"Kasi fren alam mo namomroblema kasi ako kay ate. Narinig ko kasi siya kanina na umiiyak sa kwarto niya. Kaya ayun, tinanong ko kay mommy kung bakit yun umiiyak at sabi nila 'Hindi namin alam' kaya ayun.."

Huminga ng malalim si Cole.

"Bakit mo naman kaylangang problemahin yang ate mo? Kung ayaw niya sa'yo edi you should hate her also. Ganun yon' tapos!" At tumayo na siya tsaka dumeretso sa library.

Ganun talaga yun eh bigla nalang umaalis. Pero maasahan yun pagdating sa advice and mabait din naman siya. Nerd lang talaga.

◀° °▶

"Hi Nadz!"

"Hello ate Nadz!"

"Hello Dine!"

Hindi naman obvious na sikat ako noh? Haay. Hindi ko naman hiningi kay papa God na maging mayaman kami at maging sikat ako sa school.

"Okay girls nandito na yung frog!" sigaw ni Felicia Ramos ang leader ng P3 (Pretty 3)

Obviously. Siya ang mean girl sa story na 'to.

Umupo nalang ako sa upuan ko. Oo! Sikat ako. Pero hindi ako kasing sama nun. BUT i won't let her say such things to me.

"Hey Nadz! I just wanna know kung anong gamit mo pampaganda. Hahaha!"

I stood up.

"Ah yun ba? Wag mo ng alamin kasi hindi naman yun effective sayo." I answered.

"Gusto ko kasing sabihin na lalo ka ng pumapanget ngayon." sabay tawa.

"Tsk. tsk. You don't get it girl, hindi padin yun uubra sa face mo.. kasi panget kana. Pag ginamit mo yun papanget ka din tulad ko." then I smirked.

Halatang inis naman siya.

"Hmp!" sabay alis.

Umupo nalang ulit ako habang yung iba nagbubulungan. I'm used to that naman kaya okay lang.

*RRRRIIIIIINNNNNGGGGG*

Thank God tapos na ang klase! Nagmadali akong lumabas.

"Fren! Nadz!" sigaw ni-- teka! Xavier?!

"What are you doing here? Diba you're suppose to be in Korea?" tanong ko dito.

Siya si Xavier Lee Koreano yan. Maputi, pogi, matangkad matango-- wait. Bakit ko nga ba siya dinedescribe?

"Bakit bespren? Ayaw mo ba 'ko dito ha?"

"Hindi naman sa ganon. Nakakagulat ka kasi bigla bigla nalang sumusulpot eh."

Kilala niya rin si Cole. Tatlo kaming magb - bestfriend. Since 3rd year HS palang kami.

"Asan na yung kwintas mo?" kunot noong tanong ni Xavier.

"Eto-" nanlaki yung mata ko. Bakit wala sa leeg ko?! Importante yun!

"Okay k--"

Hindi ko na pinatapos si Xavier at pumunta sa room. Oh shoot! Naiwan ko siguro dun.

◀° °▶

James' POV

"Kanino kaya 'to? Tch. Why do I even care? Kwintas lang 'to eh." bulong ko sa sarili ko.

Napulot ko kasi 'to sa hallway kanina. Crown yung pendant niya na silver at may letter 'N' sa likod. Pa crown yung shape niya pero flat siya.

Tinago ko muna sa pocket ko. Ibibigay ko nalang 'to sa Lost and Found bukas.

◀° °▶

So sana nagustuhan niyo po siya! ^_^

Don't forget to VOTE. COMMENT AND SHARE.

My SacrificeWhere stories live. Discover now