Halos 4 na minuto kaming ganun nagtititigan lang . Akala siguro nila magsasalita ako .

Sige upo na , " sabi nung teacher . Umupo ako dun sa bakanteng upuan sa may dulo tabi ng bintana . Ano pa ba aasahan ko eh 2nd sem na ngayon .

Hintayin niyo na lang teacher niyo , " sabi nung teacher bago siya umalis .

Agad akong tumungo at nilagay ang ulo sa mesa . Kailangan magpanggap na matutulog para di sila mag interrogate .

Nag ingay na yung mga kaklase ko habang nagdadaldalan . Tskk , masyado silang maingay !

Goodmorning class , "

Nagtahimikan yung mga kaklase ko ng may magsalita . Iniangat ko yung ulo ko para makita yung nangyayari . May isang babae na nakauniform ng teacher . Maganda siya at matangkad .

Goodmorning Ms.Devera , " sigaw nung isang babae sa unahan . Tumungo yung teacher at kumuha ng chalk .

Open your books on page 257 , " sabi niya at nagsulat na sa board . Kumuha yung mga kaklase ko ng libro nila . Hayy !! Wala pa pala akong libro .

" By the way , is Ms.Banania here ? " tanong ni Ms.Devera ng humarap siya sa amin . Tinaas ko yung kamay ko para makita niya ako .

I guess you don't have any books . Share with your seatmate . And see me afterschool , " sabi niya at humarap ulit sa board .

Tinignan ko yung katabi ko . Lalaki pala katabi ko badtrip . Mukha siyang mataray na lalaki . Matangkad siya para maging highschool student .

Tumingin siya sa akin na nakataas ang kilay . Yung tingin niya ..

.

.

.

.

nakakatakot . Feeling ko binabalatan niya ako ng buhay . Pakiramdam ko ay hindi nakikita ko na pala yung itim na aura na pumapaligid sa kanya . Super ,

Super ,

Creepy ..

Dont stare , baka matunaw ako , " sarkastikong sabi nito . Automatic akong napaiwas ng tingin . Sus yabang ng kapreng to akala mo ke gwapo hindi naman .

Hey , " sabi niya . Hindi ko siya tinignan . Nakakainis kasi eh ! Nakakapang-init ng ulo .

B-bakit K-kris ? " nauutal na sabi ng estudyante sa katabing upuan . Napatingin ako sa kanilang dalawa . Yung mukha nung kausap ng katabi ko , para siyang natatakot na ewan .

Your book , " sabi ng katabi ko . Lumaki yung mata nung kausap niya na parang nagulat .

Le me borrow your book , " sabi ng katabi ko na parang naiirita . Psshh , wala palang libro tong katabi ko . Ke sipag na bata .

Agad na inabot nung kausap ng katabi ko yung librong hawak nito . Aba , batas pala siya eh .

What's the indistinct chattering at the back . Mr. Wu ? " sigaw ni Ms.Devera . Napataas ang kilay nung katabi ko . Sino si Mr.Wu ? Ganda apelyido ah ! aWUUU !!!

" Nothing , " sagot ng katabi ko . Siya siguro si Mr.Wu ? Siya kasi yung sumagot eh .

Here use it , " sabi ng katabi ko sabay abot sa akin nung librong hiniram niya . Mabait naman pala siya eh . Napatungo siya sa lamesa at parang matutulog . Tamad pala .

Unpredictable [Kris One Shot]Where stories live. Discover now