Panimula

9 2 0
                                        

'I'm inlove with the most beautiful girl.'


'Ikaw lang mamahalin ko.'


'Ikaw lang mundo ko.'


'Pangako sa'yo hinding hindi kita ipagpapalit at iiwanan.'


'Pangako mahal.'


'Pangako mamahalin kita nang higit pa sa inaakala mo.'


'Susungkitin ko yung mga bituin para sayo.'



'Hindi kita iiwan.'

'I loveyou.'

'Mahal na mahal kita.'


Yan. Yan ang mga salitang minsan nang nagpakilig sakin. Yan ang mga salitang minsan ko nang pinaniwalaan. Yan ang mga salitang madalas ginagamit ng mga lalaki para mapa-ibig ang mga babae. Diyan. Diyan sila magaling. Sobrang galing nilang mambola. Sobrang galing nilang magpaniwala. At sobrang galing nilang mang-iwan. Sa simula lang naman ang lahat dahil magtatapos rin yan sa mga katagang...



'Ayoko na.'


'Nakakasawa ka na.'


'Lubayan mo na ako hindi na kita mahal.'


'Mayroon na akong iba, pasensya na.'


'Itigil na natin to, naglolokohan nalang tayo.'




Minsan magugulat ka nalang talaga. Mapapaisip ka kung ano bang pagkukulang mo kaya ka niya iniwan. Ipaglaban mo man pero huli ka na kase meron na siyang iba, ibang bibiktimahin. Masakit isipin na yung taong minahal mo ng pagkatagal-tagal mawawala na parang bula.






Minsan narin akong nagmahal. Minsan na rin akong nasaktan, iniwan, nagpakatanga, at minsan na ring umasa, umasa na baka bumalik pa. Na baka isang araw marealize mo ang halaga ko... pero wala, walang nangyayari.




Kung pwede lang ibenta yung puso para mabawasan yung sakit at hapdi like


'FOR SALE!! ONE HEART! In a horrible condition!'


Ang sarap mang ibenta o tanggalin pero isa lang masasabi ko. Sobrang proud ako sa puso ko. Pinaglaruan man, sinaksak ng mga masasakit na salita, niloko ng paulit ulit, sinunog, winasak pero kahit papaano gumagana parin.





Hi ako si Angel at naniniwala na lahat ng bagay ay may hangganan. 




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PansamantalaWhere stories live. Discover now